Chapter 23 Ang Paghilom ng mga Sugat

27 3 0
                                    

Tulad ni Jutai, kinuhanan din ng balat sa buttocks si Toshiro. Nagpasya sila na ang mga babaeng Haponesa na ginawang Geishang sex slave ng White Lotus ay pauwiin na sa bansang Japan. Sumatotal na 5 sa 8 babaeng nanunuluyan sa bahay ni Toshiro sa Pasay ay mga Haponesa. Dalawa rito ay Pinay at ang isa ay Thai.

" Pagtrabahuin mo silang tatlo sa resto ko. Iyon ang magsisilbing pantakip sa naging kadustaan nila. Ikaw na bahala sa mga Haponesa," ani Caleb kay Toshiro.

" Oo. Isasabay ko na sila sa pag-uwi ko sa Tokyo. Pagkatapos kong madalaw ang mga kamag-anakan ko dun, babalik ako rito," sagot ni Toshiro na kausap ang binata sa silid nito.

Sa planong pagtungo ni Toshiro sa Japan, nagpasya na rin si Sola na sumama. Nagpasalamat siya ng marami kay Caleb sa lahat ng ginawa nito. Hinding-hindi niya raw makakalimutan ang binata. Umiiyak pa nga ito habang kausap ang binata.

" Kapag may time, magbabakasyon naman ako rito sa Pinas. Para madalaw ka," sambit ng bebot na bahagyang hawak ang kamay ng binata.

Pagkalipas pa ng isa't kalahating buwan, maayos na ang lagay ng binata. Nakalabas na ito ng ospital at dinadalaw na lamang ng mga doktor sa kanilang bahay para obserbahan pa ang kanyang kondisyon.

Dinalaw niya ang musuleo ng kanyang kinagisnang ama't ina na sina Tanaka at Eula Hideyoshi sa nakalipas pang 3 buwan. Na kapwa lider ng aktibidades ng Yakuza na konektado sa Inagawa Kai sa Japan. Nakagayak ng corporate attire, pero balot ng bandage ang buong katawan dahil sentibo pa rin lalo na sa sikat ng araw.

Naghilom na ang mga bakas ng nasunog na balat. Tinutubuan na rin siya ng buhok sa nasunog niyang anit dahil sa panggagamot gamit ang karungan sa modernong medisina at siyensiya.

May suot siyang sumbrero at shades. Kasama niya sa pagdalaw sina Sandra at Natalie. Inaalalayan siya ng dalawa.

Heart of a SamuraiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon