Chapter 4 Paghahanda sa Paghihiganti

45 4 0
                                    

Pagtapos ng nangyari, na-trauma naman ang bata sa insidente. Inalalayan na lamang si Caleb ng kapitbahay nilang si Mrs. Ruth Juliet Asuncion, 33-anyos  at kaibigan ng mommy Eula niya. Nakatunghay sila sa ospital.

Pagkalipas ng 3 oras ay binawian na ng buhay si Eula. Labis ang pagdadalamhati ng mga kaibigan nito. Nangako naman si Ruth na kukupkupin pansamantala si Caleb habang wala pang dumarating na malapit na kamag-anak si Eula.

At dahil sa lingid sa kanyang mga kaanak ang tungkol sa buhay ni Eula, walang umako sa kanyang labi. Hanggang sa dumating si Roman Jutai na nagpakilalang bayaw niya at ito ang umako sa kanyang labi. Walang kabatiran si Jutai sa nangyari. Ngunit nang mabatid ay lubha niya itong ipinagdamdam.

Pagkalipas ng isang linggong burol at lamay sa labi ni Eula ay inilibing na siya.

Inilibing siya ni Roman Jutai katabi ng pinagawa nitong puntod para sa kanyang esposong si Tanaka. Nanatili namang tahimik at walang imik si Caleb mula nang mailibing ang kanyang ina. Tinatandaan niya ang mukha ng may kagagawan sa pagkasawi ng kanyang ina. At tandang-tanda niya ang pagmumukha nito.

Makalipas ang ilang panahon, ipinagkatiwala muna ni Roman Jutai si Caleb kay Ruth nang umuwi siya ng Japan para magbakasyon. Naiwan si Caleb sa isang single mommy na may 5-anyos na anak na babae. Natalie ang pangalan.

May negosyo si Jutai sa bansa na resto at pharmacy. Ito ang naging bunga ng pagiging tapat niyang tauhan at kalasag ni Tanaka noon sa White Lotus. Pero, nagbagong-buhay na siya.

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, tumira siya sa bahay nina Eula at Tanaka. Ang totoo, pinsan niya si Tanaka dahil magsecond-cousin ang kanilang mga ama.

Siya ang tumayong magulang kay Caleb. Alam din niya ang totoo na hindi tunay na anak ni Tanaka si Caleb. Ngunit, itinuring niya itong tunay na kadugo alang-alang sa ala-ala ni Tanaka. Matuling lumipas ang 18 taon.

Para kay Roman Jutai, panahon na para malaman ni Caleb ang gagampanan nitong misyon. Ang pangako niyang maipaghiganti ng 23-anyos na binata ang pagkasawi ng mga kinikilalang magulang nito. Sinabi na niyang lahat ang katotohanan kung sino ang kalaban.

At bilang paghahanda sa paniningil ni Caleb ay tinuruan niya ito ng paggamit ng samurai, baril, tsako, at self defense lalo na karate, aikido, judo, at mua thai.

Heart of a SamuraiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon