Chapter 10 Lukso ng Dugo

40 3 0
                                    

“ Anak ng lintek,” sambit ni Caleb sa sarili nang bumangon sa higaan kung saan ay nakadantay pa ang mga paa ni Sola sa katawan niya. Parang gusto niyang umbagin ang cute at seksing bebot dahil sa ginawa nito. Nararamdaman pa rin niyang dumadantay ang karayom na tumutusok sa laman niya dahil sa medyo makirot pa ang kanyang  likod.

 

Saka niya napagtantong lahat pala ng miyembro ng kulto lalo na ang mga lalaki ay dapat may pintado o may tattoo. Isa pa, hindi siya basta ordinaryong miyembro. Siya ay kabilang sa mga inapo kuno ng diyos. Isang kabaliwang dogma ni Shogu Aumrinko na sinusunod ng mga deboto nito.

Nagbihis siya at nagtungo sa palikuran at nagmumog. Tiningnan niya sa salamin ang nakaburdang tattoo sa katawan niya. Cool daw pero naiinis pa rin siya. Wala ang 11 bebot sa silid na kasa-kasama pa niyang matulog nang gabing pinaligaya siya ng mga ito. Si Sola lang ang natira na mahimbing pa ring natutulog. Nagbihis siya at gumayak na.

Pagkalabas niya ng silid ay binati siya ng mga nakasalubong na mga deboto. Yumuko at bumabati ng “Aregato”.

Binati din sila ng kelot. Nakasalubong din ni Caleb si Toshiro na nagpapahangin sa labas habang nagkakape. Nag-usap sila sa wikang Hapon. ( Na atin nang isasalin sa wikang Filipino).

“ Kumusta ang basbas at pagtanggap mo ng iyong haplos mula sa mga nimfa ng samahang ito?” tanong ni Toshiro sabay yaya sa kanyang mag-almusal sa hardin.

“ Grabe sila. Pinaligaya nila ako,” sagot ni Caleb.

“ Tungkulin nila iyon. Minsan lang nilang gawin iyon. Kung nasiyahan ka dun ay mas masisiyahan sila dahil makakatanggap sila ng pera kay Shogu,” ani Toshiro.

“ Naaawa nga ako sa kababaihang Pilipina. Hindi ko sila ginalaw at pawang mga menor de edad pa. Papaano n’yo naaatim na masadlak sila sa gayung kalaswaan?”

“Praktikal sila, Caleb. Kahit ayaw nila ay pipilitin nila basta mapalamanan lang ang mga nagugutom nilang sikmura. Marami ang umanib sa samahang ito dahil sa salapi. Kung kaya, bumabawi lang si Shogu sa kanila,” turan ni Toshiro.

Habang nag-aalmusal ang dalawa ay dumaan ang isang lalaki na nakagayak ng damit ni Buddha. May mga eskorteng mga babae na may mga hawak na yukulele at tinutugtugan ang naglalakad na kelot.

“ Sino ang lalaking iyon, Toshiro?”

“Siya si kamahalang Ichigaki Amakusa. Ang kanang kamay ni Shogu,” sagot ng kelot. Minasdang mabuti ni Caleb ang lalaki. Naka-rehistro sa sentido niya ang pagmumukha nito. Biglang sumama ang tingin niya rito.

“ Ang hinayupak! Siya nga. Siya ang pumatay kay mommy. Ikaw naman ang papatayin ko, gago!” sambit ni Caleb sa sarili.

Tuwing umaga’y naliligo si Ichigaki sa bukal na iyan na binasbasan ni Shogu. Naniniwala siya ito ang nagbibigay ng lakas at mahabang buhay mula sa diyos na sina Isanami at Isanagi. Maging kay Gautama Buddha. Ipapakilala kita sa kanya,” turan ni Toshiro.

“ Huwag na bro. Nagmamadali ako. May aasikasuhin pa ako sa resto ko. Babalik na lang ako rito kapag kailangan. Basta, kontakin mo lang ako,” ani Caleb.

Heart of a SamuraiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon