Chapter 5 " Hikari No Wa"

44 3 0
                                    

Pero, kung siya ang tatanungin, ayaw niyang suungin pa ng binata ang masalimuot na paghihiganti. Ayaw ni Jutai na mabahiran ng dugo ang mga kamay ni Caleb. Nais niyang mamuhay ito ng normal at mapayapa. Ngunit, mapilit ang binata.

“ Kaya  nga po hindi ako umalis sa bahay na ito dahil kapag nandito ako, naa-alala ko ang pagmumukha ng taong pumatay kay mommy. Nakatatak siya sa sentido ko. Gusto kong ako ang papatay sa kanya,” galit na sabi ni Caleb habang hawak ang samurai. Nag-eensayo sila noon ni Jutai sa isang bakanteng lote na nabili nito.

“ Kung ganun, dapat mong malaman na ikaw ay hindi isang pangkaraniwang Masurao. Ikaw ay espesyal na mandirigma. May karapatan sa pinaghirapan ng iyong mga magulang.”

“ Ano pong ibig nyong sabihin, tiyong?”

“ May isang samahan na pina-unlad ng iyong mga magulang. Ang White Lotus. Ngunit, inagaw ng isang sakim at pusakal na Masurao ang pamumuno nito sa iyong amang si Tanaka.

Ikaw ang dapat na pinuno nun. Kapag nalaman ng konseho at Inagawa Kai na ikaw ay anak ni Tanaka, ikaw ang kikilalanin nilang pinuno,” ani Jutai.

“ Ano po ang dapat kong gawin?”

“ Tutulungan kitang kunin ang nararapat na mana para sa iyo. Sapagkat ikaw ay kadugo ng Inagawa Kai. Agawin mo ang pamumuno kay Shogu at ituwid ang nagawang pagkakamali ng White Lotus. Sa ngayon, hindi pa hinog ang iyong kasanayan. Saka na natin isakatuparan ang misyon kapag matatag ka na at panahon na, ” ani Jutai.

Patuloy na tinuturuan ni Jutai ang binata sa paggamit ng mga sandata. Naka-sentro ang isipan ni Caleb sa paghihiganti na mayroon na siyang negosyong resto.

Ang White Lotus Aumrinko naman ay patuloy na namamayagpag sa paggawa ng ilegal sa nakalipas na 18 taon. At ang matindi, ipinakilala ni Shogu ang sarili na bagong mangangaral. Kung kaya ang isang sindikato ay isa na ring kulto. Maraming sumapi sa kongregasyon niya dahil sa tulong pinansiyal.

Sa bawat bagong taong sasapi ay pinagkakalooban ito ng samahan ng salapi na Php20,000 at mga groceries. Na ang salaping ibinigay ay galing sa masama. Isang layun ni Shugo sa pagkakatatag ng kulto ay palaganapin ang Budismo at turuang itakwil ng mga Pilipino ang Kristiyanismo. Si Ichigaki Amakuza ang kanyang kanang kamay sa naturang kulto.

Bulag na sa paniniwala at pagka-panatiko ang mga miyembro ng White Lotus. Ginagawa nila ang lahat ng pagsunod alang-alang sa pakinabang na materyal. At ang isang malaking kalapastanganan ni Shogu ay ipinakikilala niya ang kanyang sarili bilang “The New Begotten Son of God” at si Ichigaki ang pangunahing propeta.

Ang mga miyembro ay tinuturuang maging tapat at handang magsakripisyo sa pinuno. Nariyang tinuturuan din sila ng kasanayang pansarili at pampalakasan. Lahat ay tinuturuang humawak ng samurai maging bata man o matanda. Kasalanan sa mga Pilipinong miyembro na magsalita ng Tagalog sa pagtitipon. Dapat ay wikang Hapon o Niponggo.

Nariyang pinapainom ni Shogu ang kanyang semilya sa mga kababaihang miyembro na inihahalo sa tsa kapag may gagawing tea ceremony sa kanilang pagtitipon.

Naniniwala ang mga babaeng miyembro na karangalang mainom ang semen ni Shogu dahil galing umano ito sa anak ng diyos.

At kapag gusto silang katalikin ni Shogu o ni Ichigaki ay malaya nilang ipinagkakaloob ang kanilang mga sarili. Bilang pa-konsuwelo sa mga nakatalik at nabuntis ng dalawa, nagpagawa ng high-rise si Shogu para sa kanila at doon pinatitira.

Ngunit, ang ilang nagawan ng kahalayan at hindi ito natanggap ay nagpasyang kumalas sa kulto ay kanilang ipinapatay. Isa sa hidden agenda ni Shogu ay puksain ang mga Kristiyano at magkaroon ng kapangyarihang pulitikal sa Pilipinas.

Mayroong imbak na Sarin gas, chemical weapons, at mga pampasabog ang kulto sa kanilang warehouse at iyon ang pinag-aatake sa matataong lugar sa Maynila. Ang naturang kulto ay isa ring lihim na grupo ng mga terorista. Bukod sa sarin gas attack, nagpapasabog din ang grupo ng mga gusali’t tulay na hindi matukoy ng awtoridad kung sino ang  tunay na  maygawa. Ang hinala, ang mga bandido sa Timugan na konektado sa ilan pang grupong radikal sa Asya.

Naging problema ng pamahalaan ang mga lihim na aktibidades ng White-Lotus Aumrinko. Lahat ng mga kumalaban na awtoridad o tao ng pamahalaan sa samahan ay pinapatay ng grupo na hindi sila pinagbibintangan.

Wala sa hinagap ng gobyerno na gagawin iyon ng White Lotus. Ang akala nila, malinis at nakakatulong sa mamamayan ang kongregasyon ni Shogu. Marami ang natutulungang magsasaka, mangingisda, at payak na tao ng grupo kung kaya nahihikayat na silang umanib sa samahan ni Shugo na “ HIKARI NO WA” o Circle of Light. Masagana ang pamumuhay ng mga kaanib ng naturang kongregasyon na rehistrado sa pamahalaan. Walang mag-iisip na ito ay pabalat ng sindikato’t terorista.

Isa pa, maraming mga pinuno ng bayan o mga tao ng pamahalaan na kaibigan si Shogu at mataas ang respeto ng mga ito sa kanya. Katunayan, kinikilala ng gobyerno ang impluwensiya ng samahan sa pulitika.

Ngunit ang hindi alam ng gobyerno, isang agenda ng grupo na agawin ang pamahalaan o ang pamumuno sa bansa sa pamamagitan ng pag-atake at isa-isang asasinasyon sa mga lider ng bayan. Sa isang naganap na pagtititipon ng mga pulitiko, umatake ang White Lotus sa pamamagitan ng sarin gas.

Mga 23 pulitiko ang namatay at 7,000 sibilyan ang nadamay sa isang pampublikong lugar sa loob lamang ng isang minuto. Bukod dun, 10 malalaki at pamosong  gusali at 12 simbahan ang kanilang binomba’t pinasabog na nagdulot ng tensiyon sa kapitolyo o NCR.

Isa pang simbahan ang kanilang target na pasabugin. Nagkataong nandoon sina Natalie at ang pinsan nitong si Zandra, 22-anyos. Ang dalawa ay kababata at kapitbahay ni Caleb. Nang sandaling iyon ay nagmimisa ang pari at ang tema ng pagtititpon ay tungkol sa karahasan at ang pag-atake ng mga Anti-Cristo.

Lingid sa kanila ay may sumamang nagsimba na miyembro ng White-Lotus na 8 kalalakihan. May mga dalang sarin gas at explosive device. Tumitiyempo kung kailan aatake. Tine-text naman ni Natalie si Caleb na sunduin sila ng pinsan niya after ng misa ng gabing iyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Heart of a SamuraiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon