Chapter 12 Ang Pagdiriwang

37 3 0
                                    

Nang maihain ang mga inorder na pagkain ni Caleb sa resto ay wala nang kaabog-abog na sumibog si Gomer. Gutom na talaga ito. Nilantakan ang inihaw na pusit at sugpo, kanin, pork asado, at barbecue. Napailing lang si Caleb.

“ Gusto kong isipin pare na isang kang anghel na isinugo ng Diyos para pagpalain ako. Promise, magiging responsable na akong asawa at ama. Alam kong ‘yan ang gusto mong iganti ko sa utang na loob ko sa iyo,” mataimtim na pasasalamat ni Gomer sa binata.

“ Mabuti kung gayun. Sige, kumain ka ng kumain. Umorder ka pa kung gusto mo. Mag-uwi ka rin ng para kina Marissa, Kaykay at Aling Sonia,” sabi ni Caleb.

“ Areglado bro.” Sagot na nakangiti ni Gomer. Sumabay na rin ng kain sa kelot si Caleb. At habang kumakain ay matamang minamasdan ni Gomer ang binata. Napansin niyang hawig ito sa kanyang misis na si Marissa. Kinabahan siya. Naisip niya tuloy na si Caleb ang nawawalang kapatid ng kanyang asawa. Pero, imposible. Halos 23 taon na ang nakakaraan nang mawala ang sanggol. Pero, naroroon ang pag-asang baka si Caleb ang kanyang bayaw. Iba kasi ang pakiramdam ng kelot.

Nang matapos na silang kumain ay napansin ng kelot na hindi pinagbayad si Caleb sa mga kinain nila. Nang magtungo sa comfort room  ang binata para jumingle ay inusisa ni Gomer ang waiter.

“ Tol, libre ba ang mga kinain namin ng kasama ko?”

“ Oho, siya kasi ang may-ari nitong resto,” sagot ng waiter.

“ Kaya pala. Salamat ha!” ani Gomer.

Nang makabalik si Gomer ay kinausap niya ng masinsinan ang kelot na kung gusto nitong makatulong sa pamilya niya ay bibigyan niya ng trabaho ang kelot sa kanyang resto. Pumayag naman si Gomer at napagkasunduang magsisimula na ito kinabukasan. Alas dyes ng umaga hanggang alas siyete ng gabi ang duty ng kelot. Waiter din ang trabaho ni Gomer.

Nang makauwi na ang binata sa kanilang bahay ay nadatnan niya si Natalie na tulala sa labas ng gate sa kabilang bahay. Umiiyak ito at balisang-balisa. Nang makababa na ng kotse ang binata ay inusisa niya ang bebot.

“ Ba’t ka umiiyak. May nangyari bang hindi maganda?”

“ O-oo, Caleb.”

“ Anong nangyari at bakit affected na affected ka?”

“ Si Sandra kasi, nang papauwi na kami rito galing mall ay may humarang sa aming isang van. Sapilitang pinasakay si Sandra ng mga sakang na mga lalaki sa van. Napakabilis ng mga pangyayari. Pati sana ako ‘e kasama sa nadukot kung di lang dahil sa rumespondeng sekyu na binaril ng isang lalaki. Nang tumimbuang ang sekyu ay mabilis na humarurot ang van, ” sagot ni Natalie.

“ Anang ng lintek! Alam na ba ito ng mommy mo?” nag-aalalang tanong ni Caleb.

“ Hindi... hindi pa. Natatakot ako Caleb. HIndi ko alam ang gagawin ko!” si Natalie na napayakap sa lalaki.

“ Ang mabuti pa, sabihin  mo ang totoo sa mommy mo para maipagbigay alam ang insidente sa awtoridad.Tutulungan kita para makuha sa mga dumukot sa kanya si Sandra,” alo ni Caleb.

Batid ng binata na ang White Lotus ang may kagagawan sa pagdukot kay Sandra. Tiningnan ni Caleb ang petsa sa kalendaryo at kinabahan siya. Nasabi kasi sa kanya ni Toshito na kapag sumapit ang kaarawan ni Ichigaki ay titikim ito ng mga birheng mga babae bilang bahagi ng pagdiriwang.

Maraming nangyari sa buong araw at nagpasya na si Caleb na tapusin na ang lahat. Ihuhulog niya sa hukay si Ichigaki kasabay ng kaarawan nito. Balak niya na ring tapusin ang kahibangan ng White Lotus.

Heart of a SamuraiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon