Chapter 15 Ang Lobong Nagpapanggap na Tupa

40 3 0
                                    

 “ Isang kang lobo na nagpapanggap ngayon na tupa. Dahil ba sa nalalaman mong nakatakda ka nang mamatay? Sinabi mo noon sa miyembro ng kapatiran sa isinagawang misa-misahan mo na kung papaanong iisang tao lang ang namatay para sa kaligtasan ng marami. Iyong katagang iyon ay patungkol kay Jesucristo. Pero sa gagawin ko, dalawa kayo ni Ichigaki ang papatayin ko para sa kaligtasan ng mga kaluluwa ng mga taong naloko ng kabaliwan mo!” galit na sambit ni Caleb.

“ Alam kong hindi mo gagawin iyan, Caleb. Saka wala kang dahilan para gawin iyan sa akin. Uulitin ko, hindi ako ang pumatay kay Tanaka,” pagmamaka-awa ni Shogu.

“ Huwag mo na akong paikutin. Alam ko ang totoo. Pinapunta n’yo noon sa isang salo-salo ang aking ama at planado na papatayin mo siya. Batid iyon ng aking ama, kaya naghara-kiri siya para masama kayo sa hukay. Buwenas kayong nabuhay nun, pero ngayon...” ani Caleb.

“ Papaano kang naging anak ni Tanaka? Ang pagkaka-alam ng Inagawa Kai, wala siyang anak dahil baog siya,” singit pa ni Shogu na nahihirapan nang huminga.

“ Tsismis lang yun. Anak ako ni Tanaka, ang butihing pinuno ng Yakuza dito sa Pilipinas. Ang tunay na hinirang ng Inagawa Kai at lider ng White Lotus. Inilihim lang nila ako para di matigok ng tarantadong tulad mo. Sa dami ng nasawing buhay dahil sa kagagawan mo, maniningil ako para sa  kanila.”

Lingid kay Caleb, habang kinakausap niya si Shogu ay lihim itong may dinudukot sa bulsa ng kanyang kimono. Pagdaka’y bigla nitong isinaboy sa mukha ni Caleb ang arsenic oxide powder. Napuwing ang mga mata ng binata kung kaya napabalikwas ito at nabitawan ang tangang samurai. Na-libre naman sa opensa ni Caleb si Shogu kung kaya agad nitong tinadyakan sa sikmura. Handusay naman si Caleb at ininda ang napuwing na mata na ubod ng sakit. Naghahanap siya ng tubig kung kaya pinilit ni caleb na tumakbo patungo sa bath room para mabanlawan ang nananakit niyang mga mata.

Tila pinaglalaruan pa siya ni Shogu. Na sa halip na todasin na ay pinahihirapan pa ang binata. Sinundan niya lang si Caleb sa pinuntahan nito habang bitbit ang kanyang samurai.

“ Sige bata, takas... takas. Pero, hindi mo matatakasan ang kamatayan. Hindi mo na makikita ang aking paghatol,” si Shogu na todo halakhak pa habang sinusundan si Caleb.

 Nagkanda-untog-untog pa si Caleb habang tumatakbo. Nawala na siya sa wisyo. Tila na-groggy sa iniinda niya sa kanyang mata. Na kapag hindi agad naagapan ay maaaring mawala ang kanyang paningin.

Nang bahagyang nabuka ng kaunti ang kanyang maluha-luhang kanang mata’y nasilip niya ang isang fish pond. Dali-dali siyang tumakbo roon at tumalon na kinabulabog ng mga koi fish ni Shogu. Doon na siya naghilamos at binabad ang mata. Naibsan ang pananakit ng kanyang mata na mamula-mula na at tila namamaga.  Pag-ahon niya ay tumabad sa harapan niya si Shogu at hinataw agad siya ng samurai. Nakailag si Caleb ngunit bahagyang nadaplisan ang kanyang dibdib.

Sinamantala ni Shogu ang pagka-dehado ni Caleb. Pinagtataga niya ang binata pero mapalad iyon na naiilagan ni Caleb.

“ Suwerte ka ha! Tingnan lang natin kung mabubhay ka pa pagkatapos kung tawagin ang mga bataan ko,” si Shogu na may hawak-hawak na isang button na kinuha niya sa bulsa ng kanyang suot na kimono.

Kinabahan ang binata. Batid n’yang hindi na siya makakaporma kapag rumesponde ang mga tauhan ni Shogu. Kung kaya, agad niyang hinablot ang ang kaliwang paa ni Shogu habang naka-abang ito sa kanya sa pag-ahon sa fish pond. Nadulas si Shogu at biglang dinaluhong ng binata. Nasakal ito ng mga bisig ni Caleb.

Pero, kahit gayun ang sitwasyon ay maagap si Shogu. Napindot pa nito ang hawak-hawak na button. Pagkatapos nun ay may narinig na ingay sa loob ng pamayanan at sa loon ng Buddhist temple. Wang-wang ang tunog.

“ Aba’t papa-responde ka pa ng resbak ha! Buweno, gagawin kitang pain sa kanila. Titiyakin ko, ikaw ang mapapatay nila at hindi ako, ” ani Caleb.

Heart of a SamuraiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon