Chapter 16 Ang Pagtutuos

25 3 0
                                    

Ilang sandali pa’y parang rumaragasang agos ng tubig ang pagdating ng mga Masurao na tauhan ni Shogu. May mga dala silang samurai at pinalibutan si Caleb na sakal-sakal ang pinuno ng kulto.

Sige, kapag kumilos kayo ng hindi ko nagustuhan, laslas ang leeg ng pinuno nyo,” sigaw ni Caleb sa mga bataan na papasugod na sana sa kanya. Natigilan ang mga Masurao. Nakiramdam. Sa isang maling kilos lamang nila ay tiyak na tigbak si Shogu.

“ Huwag kayong kikilos ng masama!” pasigaw na turan ni Shogu sa kanyang mga mandirigma.

Utusan mo ang mga Masurao mo na itapon sa sahig ang mga tangan nilang samurai. Bibilang ako ng tatlo. Kapag hindi mo ginawa iyon, patay ka. Mapatay man ako ng mga kolokoy mong mga bataan, at least napatay ko ang pinuno nila, hala, utusan mo sila,” bulong ni Caleb kay Shogu na unti-unti nang nanghhihina dahil sa kanyang mahigpit na sakal at bahagyang nakatusok na samurai sa tagiliran nito.

“ Mga kasama, itapon nyo ang mga hawak nyong samurai, Itapon nyo!” utos ni Shogu sa mga Masurao. Ganun nga ang ginawa ng mga bataan ni Shogu.

At nang maihagis nang lahat ng mga bataan ang samurai ay kumilos si Caleb. Lumakad siya habang karay-karay si Shogu. Papalabas sila ng Buddhist temple. Sa gayun, hindi malagay sa alanganin ang sitwasyon niya. Mahirap na aniyang ma-korner at maabutan ni Ichigaki. Tiyak na wala na siyang ligtas kapag may dumating pang malakas na puwersa mula sa miyembro ng kulto.

Nang nasa labas na sila ng templo ay binalibag ni Caleb si Shogu kung kaya humandusay ito sa loob. Pagkatapos ay mabilis na sinarhan ang pinto at sabay kumaripas ng takbo. Sa matinding pagpapahiya’t pagkayamot at agad na inutos ni Shogu sa mga Masurao na habulin ang binata.

Lingid sa kanila’y may ipinain na bomba si Caleb na nakalagay sa mga paso ng mga halaman at bulaklak na nasa paligid ng templo.

Pagkakita ng binata na hinahabol na siya ng mga bataan ng kalaban ay pinindot niya ang remote control ng denonator na nakatali pakuwintas sa kanyang leeg.

Umalingangaw ang pagsabog sa naturang lugar na ikinabahala na lalo ni Shogu, na agad na nakatakas bago pa sumabog ang bomba.

Nagtungo ito sa isang bunker sa ilalim ng templo nang sunod-sunod na ang mga pagsabog na ikinaguho ng naturang gusali. Si Ichigaki naman ng mga sandaling iyon ay kasa-kasama ni Toshiro.

Nasa bahay sila ng una habang nagliligpit ng gamit. Lalo na ang mga salapi na inilalalagay sa maleta. Tatakas sila bago pa madali ng mga alagad ng batas. Batid ni Ichigaki na hindi na nila kontrolado ang sitwasyon. Magaling ang sumabotahe sa kanila.

Lingid sa kanila’y nakapuwesto na si Caleb sa bubungan ng bahay ni Ichigaki. Pinainan na rin ng kelot ng mga bomba ang buong paligid ng bahay ng kelot.

Alam ng binata  ang bahay ni Ichigaki dahil nasa tapat lang ito ng tahanan o gusali ng mga kinikilalang “ Mga inapo umano ng diyos”. Kung saan, doon siya inaliw ng mga babae.

Yari lang sa pawid, kawayan, at kahoy ang bahay ng kelot kung kaya binutas ni Caleb ang bubungan nito at doon dumaan para makapasok.

Bitbit ang kanyang samurai at iba pang gadget na pampasabog ay naaninag ng binata ang dalawang anino na lumabas sa isang silid. Nakapuwesto siya sa kisame at nakita niyang papalabas ng kubo ang dalawa.

May dalang samurai si Toshiro pero nakasukbit ito sa baywang. May bitbit na maleta. Si Ichigaki naman ay walang armas kundi attache case ang dala. Batid ni Caleb na pupunta ang dalawa sa kotseng nakaparada sa harap ng kubo.

Pumuwesto si Caleb sa kisame sa gawing pintuan at nakaabang sa dalawa. Saktong paglabas una ni Ichigaki ay dumaluhong siya sabay bigwas ng kanyang samurai.

Tinamaan ng paghataw niya si Ichigaki sa dibdib anupa’t napunit ang suot nitong long sleeve na kulay puti. Poporma pa sana si Toshiro pero sa pagkabigla’y binalibag na siya ni Caleb.

Heart of a SamuraiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon