Chapter 7 Pagdaramdam at Muling Pagtarak ng Talim

39 3 0
                                    

Agad na umalis sina Caleb sa pinangyarihan ng insidente bago pa dumating ang mga operatiba. Nang mag-imbestiga ang mga ito at nagtanong sa mga tao,   sinabing may sumabog na bomba sa simbahan na naging sanhi ng pagkasunog nito. Ito din ang tinuran ni Padre Francisco nang makapanayam ng mga mamamahayag.

Dahil sa mga sunod-sunod na insidente ng mga pagsabog, nagpasya ang operatiba na kapag may pagtitipong kongregasyon ay  may nakatambayna  kapulisan sa harap ng simbahan,  para sa seguridad ng mga deboto’t mananamba.

Sa muli namang paghaharap nina Caleb at Sandra ay nailang ang dalaga sa binata. Bagama’t humahanga sa kakaiba nitong husay sa pakikipaglaban, hindi maatim ni Sandra na ang lalaking hinahangaan ay sanay na sanay pumatay ng tao. Iniiwasan ng dalaga si Caleb.

Na-trauma ito dahil sa pagkakasaksi niya sa mga dugo’t mga taong pinatay ng binata sa pamamagitan ng samurai. Inunawa na lamang ni Caleb ang dalaga. Ikinatuwa naman ni Natalie ang pag-iwas ng kanyang pinsan sa binata. Masosolo niya kasi ang atensiyon ni Caleb.

Batid ni Natalie na mas matimbang si Sandra sa binata. Na may pagtatangi si Caleb sa kanyang pinsan. Marahil ay dahil alam ni Caleb ang mga kalokohan niya. Maharot kasi siya at mahilig sa disco, nightlife, at tomaan. Turn-off siguro noon pa man sa kanya ang binata kaya iba ang trato nito kay Sandra.

Sa hide-out naman ng White Lotus sa isang underground bunker sa gilid ng isang bundok, ipinagtataka ni Shogu kung papaanong hindi nakabalik ang kanyang mga tauhan sa kanilang misyon. Duda siyang may pumaslang sa mga ito at kasamang natupok sa simbahan. Galit na galit siya.

Kung kaya, isang pag-atake na naman ang kanyang iniutos. Nagsagawa ang grupo ng sarin gas attack sa isang istasyon ng MRT isang gabi na ikinamatay ng 300 katao. Hindi matukoy ng awtoridad kung sino ang maygawa. Nababahala na sila sa mga nangyayari.

Nang gabi ring iyon, nagtungo si Caleb sa isang night club. Uminom. Dinamdam ang pag-iwas sa kanya ni Sandra. Iniibig niya kasi ang babae. May ka-table siyang bebot pero dedma lang ito sa kanya. Nagpamasahe na lang siya sa bebot sa likod.

Habang gayun ang ginagawa sa kanya ng GRO ay may nakita siyang isang tsinitong lalaki o Ja-Pinoy ang ginulpi ng apat na lalaki. Babae ang dahilan. Selos dahil lumipat ang ka-table ng isa sa kelot dahil wala na itong pang-ladies drink.

Naaali-badbaran si Caleb sa nakikita. Sumulak ang galit sa utak niya. Ayaw na ayaw niyang nakakakita ng ganung eksena. Tumayo siya at tinulungan ang Ja-Pinoy.

Mabibilis ang kamay at paa niyang tumama sa apat na kelot. Parang si Bruce Lee kung umupak. Ang isa niyang napatumba’y nagbasag ng bote at isinaksak sa kanya. Pero nakailag siya at hinawakan ang braso ng lalaki at pinilipit. Lalapit pa sana ang isa pero tinadyakan niya ito sa mukha at tumurit.

Nakuha ni Caleb ang basag na bote at ikinaskas sa mukha ng lalaki. Aray sa sakit ang kelot. Natakot na ang ibang kasama nito pero nagbanta sa labas na reresbak.

Ganun ba? Sige, hintayin nyo ako!” galit na ani Caleb. Bago lumabas si Caleb ay binayaran muna nito ang atraso sa mga naimon na alak at ladies drink ng ka-table niya.

Hoy pogi, kala ko ba kakartehan mo ako sa malamig na lugar. Ba’t aalis ka!” tanong ng GRO na si Ashley.

Next time na lang. Kailangang maunahan ko sa pagba-blotter ang mga kumag na naka-away ko,” sagot ni Caleb.

Paglabas ni Caleb ay sinundan siya ni Toshiro, 25-anyos na tinulungan niya.

“ Tulungan kita bro. Apat yun saka malalaki ang kaha. May mahaba ako diyan sa kotse ko!” ani Toshiro.

“ Salamat. Pero, hayaan mo na akong magsentinsiya sa mga demonyong yun. Matagal na kasi akong di nakakasaksak,” ani Caleb.

Sige, ikaw ang bahala. Pero, kapag alanganin ka na, sasaklolo ako pre,” si Toshiro na naglalakad na patungo sa nakaparadang tsekot na kulay berde.

Sinalubong ng apat na kelot si Caleb sa parking area na may mga hawak na patalim, maso, at tubo. Napapangiti lang siya sa ayos ng mga ito na nagtatapang-tapangan dahil marami at akala’y dehado siya.

“ Sige, tingnan natin ang tapang at pagka- Bruce Lee mo! Sige sugod. Suwete mo pa nga dahil hindi ka namin gagamitan ng de boga. Mahirap nang matimbog. Kaya lulumpuhin ka na lang namin para magtanda ka,” sabi ng lider ng apat na tadtad ng tattoo sa braso.

“ Lulumpuhin lang? Alam nyo ba ang gagawin ko sa inyo? Ididiretso ko na kayo sa purenarya. Ayaw ko nang nakakarinig ng resbak-resbak. Mga hangal lang ang nagsasalita nun. Reresbak dahil nakatawag na ng tropa? Ako, mag-isa ko lang kayong lalabanan. Para patas naman ang laban, kailangang meron din ako,” natatawang turan ni Caleb.

“ Ang yabang mo! Sige, kunin mo, total di ka rin naman namin pa-popormahin.”

Naglakad si Caleb papunta sa kotse niya. Kinuha ang isang samurai na nakalagay sa ilalim ng upuan sa back seat na nababalutan ng aluminum foil.

Gulantang ang mga kelot nang makita siyang humarap sa kanila na may tangang samurai. Natawa ang mga kelot.

“ Ano ka? Si Batusai. Si Kenshin Himura?”

Puwede na rin. Idol ko iyon nung bata ako! Pero ang makalaban nyo ay si Hideyoshi Masurao,” si Caleb sabay atake sa mga kalaban. Litang-kita ni Toshiro ang mga galaw niya. Napapa-nganga na lang nang makitang sa bawat wasiwas ng samurai ni Caleb ay tagpas ang mga braso at tainga ng mga kalaban.

At ang malupit, tinutuluyan niya sa pamamagitan ng pagsaksak sa leeg ng tagos-tagusan. Walang awa sa kalaban.

 

 

 

Heart of a SamuraiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon