Chapter 8 " HIKARI NO WA"

41 2 0
                                    

Alam ni Caleb ang lahat at iyon ang dahilan para maisagawa niya ang malaon na niyang hangad na paghihiganti at mawasak ang samahan. Tadhana na ang naglalapit sa kanya at sa grupo na hirap na hirap masawata ng gobyerno.

Gaya ng kanilang napag-usapan ni Toshiro ay nagkita sila sa Baywalk. Gabi na iyon. Nang magkita ay nakipagkamay sa kanya si Toshiro ng buong kagalakan. Pagkatapos nun ay dumiretso sila ng Antipolo at dumaan sa gilid ng bundok na may lagusan.

May bakal na gate iyon na nababalutan ng mga punong kahoy at matataas na talahib. May nakakabit na tila ATM sa gilid ng gate at may isinuwayp doon si Toshiro anupa’t nabuksan ang gate at nakapasok sila sa lagusan.

Diretso iyon sa isang tila maliit na barangay na kung saan doon nakatirik ang isang Buddhist temple, condo unit, at ilang kabahayan.

Bagamat moreno ang kutis ay medyo singkit ang mga mata ni Caleb. Mataas na lalaki. Sinalubong sila ng kapatiran ng kulto na naka-puwesto sa bungad ng templo. Binati si Toshiro ng ilan at kinausap sa wikang Hapones. Lahat ng usapan ay dapat wikang Nihonggo. 

Ikaw pala. Toshiro. May kasama ka,” tanong ng isang lalaki na nakasuot ng kulay lilang toga na kabilang sa mga ceremonial monks.

Mga kasama, pinaki-kilala ko sa inyo si Caleb Hideyoshi, isang Ja-Pinoy na gustong sumama sa ating kapatiran. Siya ang sinasabi ko sa inyong nagligtas sa akin sa tiyak na kapahamakan,” ani Toshiro.

Kinagagalak ka naming makilala, Caleb. Salamat sa pagtatangol mo sa aming kasama,” wika ng mga kaanib. Pagkatapos nun ay dumiretso sila sa loob ng templo.

Na bagamat nasa anyong templo ng mga Budista ay nakapaloob roon ang mga rebulto ng mga santo at imahe ng Cristo, mga apostol, at ni Birheng Maria.

Nandoon din ang mga rebulto ni Gautama Buddha na nakaumang ang mga kamay na tila dudurog sa ulo ng mga imaheng patungkol sa Kristiyanismo. Nagsama ang karakter ng Budismo at Kristiyanismo sa samahang HIKARI NO WA na kulto ng White Lotus.

Naa-alibadbaran si Caleb sa nakikita. Sumusulak ang kanyang dugo. Pagdating sa isang pintuan na nasa harap ng dambana ng templo ay nagbukas iyon. Pumasok sila sa silid at doon naabutan si Shogu na nakaupo sa isang trono na mimamasahe ng sandosenang mga babae na pawang nakasuot ng togang pula.

Kamahalang anak ng diyos. Narito na po si Caleb. Ang sinasabi kong nagligtas sa aking buhay,” pagbibigay galang ni Toshiro na nakaluhod sa harap ni Shogu. Sinambit niya ang mga kataga sa wikang Hapon.

Ikaw pala ang butihing lalaki. Salamat sa iyong ginawa. Ika’y pararangalan dahil inapo ng diyos ang iyong niligtas. Ikaw ay bahagi na ng samahang ito ay matatamasa mo ang kasaganaan sa  buhay na ito,” wika ni Shogu na maamo ang boses kay Caleb sa wikang Hapon.

Bagamat nakakaintindi ng wikang Hapon ay hindi iyon sinagot ni Caleb. Wala siyang pakialam sa papuri ni Shogu. Idol niya si Rizal at hindi si Jimmo Teno.

Pagkatapos sambitin ni Shogu ang katagang iyon ay sumenyas siya sa mga babae na may tangan ng langis. Pinaupo ng pa-ekis si Caleb na binihisan ng lilang toga na nakapuwesto sa higanteng palad sa rebulto ni Buddha. Binuhusan siya ng mga babae ng langis ay pinatungan ng kamay ni Shogu sa ulo. Binasbasan siya.

Pagkatapos ay dinala sa isang silid na kung saan ay may jakuzi at malaking bath tub. Nag-aabang doon sa kanya ang 12 babaeng magaganda. May Filipina, Haponesa, Intsik, Thai, Kana, at Aprikana na tisay. Nakahubad ang mga ito. Nagtaka si Caleb.

Mapalad ka tol, dahil bibihirang magbasbas ng ganoon ang kamahalan sa mga miyembro. Kapag ganyan, itinuturing kang inapo ng diyos at iyan ay hindi natatamasa ng karaniwang kaanib. At dahil apo ka ng diyos, matatamasa mo rin ang pagpapala at mana ng mga anak ng diyos gaya ni Ichigaki,” turan ni Tishiro sa wikang Tagalog ng pabulong.

Sinakyan ni Caleb ang ritwal ng samahan ng kulto. Pagsampa niya sa kama sa silid ay hinubaran siya ng mga babae. Walang itinira. Minasahe, hinaplos, at pinaliguan ng pabango na parang sanggol. Niyayang lumusong sa bath tub. Sinabunan at pinaliguan. Nang iniahon siya saglit  at pinahiga sa kama, pinaligiran siya ng 12 babae.

Pinaghahalikan ang matipuno niyang katawan. Sinayawan siya. Pagkatapos ay isa-isang sinubo ng mga babae ang kanyang pagkalalaki. Salit-salitan kada 2 minuto. Mga 4 na ikot iyon.

Pagkatapos nun ay sumampa sa kanya ang isang tsinitang babae at paupong ipinasok ang kanyang ari sa kaselanan nito.

Paharap iyon at nasa ilalim siya. Habang gayun ay pinaghahalikan ng natitira pa ang ilang parte ng kanyang katawan. Buhok, mukha, labi, kamay, paa, tuhod, tiyan, puson, dibdib, at balikat.

Heart of a SamuraiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon