Ang Simula: May Anghel sa Gitna ng Unos

170 5 0
                                    

Madilim ang paligid at bumubuhos pa ang ulan ng gabing iyon. Apat na anino ang nagmamadaling pumihit pababa ng kotse . Nakabihis sila ng pawang itim na kasuotan. Ninja ang gayak nila. Tatlong lalaki at isang babae. May dala ang dalawang kelot na isang sako. Binabagtas nila ang pababa ng ilog. Ang mag-asawa naman ay may bitbit na pabigat.

Ihahagis nila sa ilog ang bangkay ng kanilang biktima. Bumulusok sa ilalim ng tubig ang itinapong labi. Waring tumulong pa ang nangangalit na agos ng tubig sa paglubog nun.

“ Yan ang bagay sa mga manyakis na tulad mo, Ichiro. Sagad hanggang buto ang kahayupan mo, sambit ng babae na nasa 30-anyos ang edad habang minamasdan ang paglubog ng bangkay.

“ Tara na, Eula. Baka may makakita pa sa atin dito,” pasigaw na sabi ng lalaking si Tanaka,25-anyos .Esposo siya ni Eula.

Hahakbang na sana paalis ang babae nang makarinig ng iyak. Iyak ng isang munting nilalang. Si Eula lamang ang nakakarinig nun dahil nasa highway na ang kanyang mga kasamahan. De-dedmahin sana ng babae ang hibik na iyon ngunit nako-konsensiya siya.

Hinanap niya kung saan nagmumula ang iyak. Hanggang sa makita niya ang isang basket na nasa pampang ng ilog na unti-unti nang naabot ng lumalaking tubig. Nilapitan niya iyon at nakita niya ang isang kawawang sanggol na lalaki. Tumigil ang iyak ng sanggol nang makita si Eula.

Nahabag si Eula sa bata at kinuha niya ito. Sa Tantiya niya, nasa tatlong buwang gulang na ang bata.

“ Kawawa ka na naman. Sinong kayang walang pusong ina ang nag-iwan sa iyo rito?”si Eula na kalong-kalong ang sanggol habang tinitingnan.

At dahil sa nagtagal pa ang babae ay lumapit na ang kanyang asawang si Tanaka. Nagulat ito nang makitang may kalong-kalong na sanggol ang esposa. Natuwa naman ang lalaki nang makita ang bata. Kinarga niya rin ito.

Alam ng kasamahan nilang sina Rogelio at Petro ang nangyari at ang lihim na iyon. Dinala ng mag-asawang miyembro ng White Lotus ang bata sa kanilang magarang bahay.

Ang White Lotus ay isang underground organization na galamay ng Yakuza sa bansang Japan. Ang naturang grupo ay binubuo ng 200 miyembro na ang gawain ay nangingikil sa mga negosyante kapalit ng proteksiyon. Ang iba ay nagbebenta ng pekeng produkto, nagnanakaw ng mga kargamento para muling ibenta sa merkado.

Sa lagay ng mag-asawang Tanaka at Eula, sila ay kabilang sa tinatawag na Oyabun. Silang dalawa ay kabilang sa limang pinuno. Si Tanaka ay mula sa angkan ng mga Yakuza sa Japan. Ito ay ang Inagawa Kai. Kabilang sa aktibidades ng dalawa ang pag-o-operate ng illegal gambling at binabayaran din para pumatay. Nang nasa Japan pa si Tanaka noong ay nakilala niya si Eula sa isang night club sa Shinjuko bilang cultural dancer.

Umibig si Tanaka kay Eula at pinangakuan ng magandang buhay. May pag-ibig ding nararamdaman si Eula sa binatang Hapon. Subalit dumating ang masaklap na pangyayari sa buhay ni Eula nang ma-gang rape siya ng 6 na customer na Hapon na miyembro ng isang gang sa Shinjuku.

Para makamit ang katarungan ay sinabi ni Eula kay Tanaka ang kalunos-lunos niyang sinapit. Dahil dito, Inabangan ng grupo ni Tanaka ang mga salarin at dinukot. Dinala sa isang warehouse at pinutol ang mga daliri’t ari gamit ang samurai.

Pagkalipas ng limang buwan, umuwi ng Pilipinas si Eula kas ama na si Tanaka. At sa basbas ng lider ng Inagawa Kai na si Yoshio Tsunoda, itinatag ni Tanaka ang White Lotus- Ninkyo Dantai sa Pilipinas bilang bahagi ng naturang Yakuza Family. Subalit, dahil kay Eula, naging makatarungan ang pamamalakad ni Tanaka na hindi nagustuhan ng ilang taga-White Lotus.

Kung kaya bumalik ang mga ito sa Japan. Niyakap na rin ni Eula ang katauhan ni Tanaka na yumakap sa kulturang Pilipino alang-alang sa pag-ibig sa kanya. Ang masakit na katotohanan, sa loob ng 4 na taon nilang pagsasama buhat nang ikasal sila ay hindi sila nagka-anak. Baog si Tanaka.

At tungkol sa sanggol na nakuha nila sa ilog Pasig ay napagpasyahan nilang alagaan at ituturing na tunay na anak.

“Ano ang ipapangalan natin sa bata,darling?” tanong ni Tanaka.

Moises. Hideyoshi Moises ang ipapangalan natin sa kanya dahil sinagip natin siya sa tubig,”sagot ni Eula.

Heart of a SamuraiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon