Chapter 1 Sinagip sa Tubig

69 4 0
                                    

Nahabag si Eula sa bata at kinuha niya ito. Sa Tantiya niya, nasa tatlong buwang gulang na ang bata.

“ Kawawa ka na naman. Sinong kayang walang pusong ina ang nag-iwan sa iyo rito?”si Eula na kalong-kalong ang sanggol habang tinitingnan.

At dahil sa nagtagal pa ang babae ay lumapit na ang kanyang asawang si Tanaka. Nagulat ito nang makitang may kalong-kalong na sanggol ang esposa. Natuwa naman ang lalaki nang makita ang bata. Kinarga niya rin ito.

Alam ng kasamahan nilang sina Rogelio at Petro ang nangyari at ang lihim na iyon. Dinala ng mag-asawang miyembro ng White Lotus ang bata sa kanilang magarang bahay.

Ang White Lotus ay isang underground organization na galamay ng Yakuza sa bansang Japan. Ang naturang grupo ay binubuo ng 200 miyembro na ang gawain ay nangingikil sa mga negosyante kapalit ng proteksiyon. Ang iba ay nagbebenta ng pekeng produkto, nagnanakaw ng mga kargamento para muling ibenta sa merkado.

Sa lagay ng mag-asawang Tanaka at Eula, sila ay kabilang sa tinatawag na Oyabun. Silang dalawa ay kabilang sa limang pinuno. Si Tanaka ay mula sa angkan ng mga Yakuza sa Japan. Ito ay ang Inagawa Kai. Kabilang sa aktibidades ng dalawa ang pag-o-operate ng illegal gambling at binabayaran din para pumatay. Nang nasa Japan pa si Tanaka noong ay nakilala niya si Eula sa isang night club sa Shinjuko bilang cultural dancer.

Umibig si Tanaka kay Eula at pinangakuan ng magandang buhay. May pag-ibig ding nararamdaman si Eula sa binatang Hapon. Subalit dumating ang masaklap na pangyayari sa buhay ni Eula nang ma-gang rape siya ng 6 na customer na Hapon na miyembro ng isang gang sa Shinjuku.

Para makamit ang katarungan ay sinabi ni Eula kay Tanaka ang kalunos-lunos niyang sinapit. Dahil dito, Inabangan ng grupo ni Tanaka ang mga salarin at dinukot. Dinala sa isang warehouse at pinutol ang mga daliri’t ari gamit ang samurai.

Pagkalipas ng limang buwan, umuwi ng Pilipinas si Eula kas ama na si Tanaka. At sa basbas ng lider ng Inagawa Kai na si Yoshio Tsunoda, itinatag ni Tanaka ang White Lotus- Ninkyo Dantai sa Pilipinas bilang bahagi ng naturang Yakuza Family. Subalit, dahil kay Eula, naging makatarungan ang pamamalakad ni Tanaka na hindi nagustuhan ng ilang taga-White Lotus.

Kung kaya bumalik ang mga ito sa Japan. Niyakap na rin ni Eula ang katauhan ni Tanaka na yumakap sa kulturang Pilipino alang-alang sa pag-ibig sa kanya. Ang masakit na katotohanan, sa loob ng 4 na taon nilang pagsasama buhat nang ikasal sila ay hindi sila nagka-anak. Baog si Tanaka.

At tungkol sa sanggol na nakuha nila sa ilog Pasig ay napagpasyahan nilang alagaan at ituturing na tunay na anak.

“Ano ang ipapangalan natin sa bata,darling?” tanong ni Tanaka.

Moises. Hideyoshi Moises ang ipapangalan natin sa kanya dahil sinagip natin siya sa tubig,”sagot ni Eula.

 “ Ganun ba? Pero gusto kong dagdaan pa ang pangalan niya. Para kasing karakter sa Biblia ang pangalan ng baby natin ‘e. Si Propeta Moises,” natatawang si Tanaka na niyakap na ang pananampalatayng Kristiyano at iniwan ang paniniwalang Budismo.

“ E ano ba? Ano pa ang isisingit mong pangalan,” si Eula na natatawa rin habang kalong-kalong ang sanggol.

“ Teka, nag-iisip pa ako. Nakalimutan ko ang nasa isip ko na kanina,” si Tanaka na napakamot ng ulo.

“  Alam ko na, Caleb, yung isa sa mga tiktik na pinadala ni Moises sa Canaan. Warrior yun di ba? Kasi over na kapag Joshua ang ipapangalan ko sa kanya. ‘Kala mo ikaw lang may alam sa Bible ha!,” ani Tanaka.

“ Sige na nga. Iyan ang ipapangalan natin sa kanya. Idadaan natin sa lugar ang pag-ampon kay Caleb. Makikipag-ugnayan tayo sa DSWD para maging legal ang pag-ampon natin sa kanya,” turan ni Eula.

“ Okey. Palalakihin natin siya at imumulat sa payapang buhay. Ayokong malaman niya ang ating mga naging kasalanan. Ayokong kalakihan niya ang karahasan,” ani Tanaka. Pagkatapos na maasikasong lahat ng mag-asawa ang legal na pag-ampon sa sanggol at iba pang patakaran tungkol dito ay naging maayos na ang lahat. Pinangalanan ang sanggol na Caleb Moses Hideyoshi. Pero, kadalasang tinatawag siya ng mag-asawa na Caleb.

Pagkalipas ng 5 taon, ay may bumangong grupo ng White Lotus na lingid sa kaalaman ni Tanaka. Nang malaman niya ito ay nagalit siyang mainam. Ipinatigil na niya kasi ang mga masamang gawain ng samahan sa San Quintin at namuhay na ng mapayapa sina Rogelio at Petro. Ang pasimuno ng bagong tatag na White Lotus ay si Shogu Aumrinko, 45-anyos na naglalayung patayin si Tanaka upang makuha na nito ang basbas ng Inagawa Kai na mag-operate ng mga iligal na aktibidades sa Pilipinas.

May 900 na miyembro ang bagong White Lotus. Halong Hapones, Thai, Filipino, Intsik, at Briton ang mga kaanib.

Subalit, ang 40-anyos na si Roman Jutai, isang Italian-Japanese na Yakuza ay tapat kay Tanaka. Isinumbong niya rito ang masamang balak ng grupo. Tinawag ni Tanaka ang White Lotus na Black Lotus dahil pawang kasamaan ang ginagawa nito.

Si Roman Jutai ay napakagaling sa paghawak at paggamit ng samurai at espada. Isa ring dugong assasin. Marami na siyang pinatay gamit ang kanyang samurai. Siya ang pangunahing pusakal ni Tanaka.

Inilihim ni Tanaka kay Eula ang paanyaya ni Shogu na iniimbitahan siya ng grupo sa isang pagtitipon. Lingid sa huli, may mga back-up nang mga bataan si Tanaka dahil alam niyang tra-traydurin siya ni Shogu.

Heart of a SamuraiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon