Chapter 18 Paghaharap ng Dalawang Samurai

23 2 0
                                    

"Hindi ko akalaing mangyayari pa ang hinagap ko sa matagal nang panahong nakalipas. Di ko rin matanggap na ang isang itinuring na espesyal sa samahan ng aking kinikilalang amang si Shogu ang siyang tatapos sa akin. Ang lagay ba ay papatayin mo ako ng walang kalaban-laban?" ani Ichigaki na nakangisi.


"Pangahas! Hindi dahilan ang pagkakataong ito at ang kalagayan mo ngayon sa kamay ko ang hahadlang sa pagpatay ko sa iyo. Ang nakaraan ay hindi patas. Anong laban ng 5-anyos na bata noon sa 20-anyos na bihasang pusakal? Ngayon, patas na tayo. Ang pagkakamali mo lang, naunahan kita," ngitngit na sambit ni Caleb.


Sa narinig na tinuran ng binata ay pumihit si Ichigaki. Ginamit ang angking kakayahan para makawala sa gipit niyang kalagayan. Inipit bigla ng kanyang paa ang balakang ni Caleb sabay siko ng nakauma niyang kaliwang kamay sa mukha ng binata. Malakas ang bigwas na iyon kung kaya napa-atras si Caleb.


Lalapit sana ang nakabangon nang si Toshiro para sugurin si Caleb. Pero, sinaway siya ni Ichigaki.


"Huwag kang maki-alam sa labang ito, Toshiro. Kamatayan lamang ng isa sa amin ang tatapos ng labang ito. Tatapusin na namin ang sigalot ng nakaraan. Ibato mo sa akin ang tangan mong samurai," wika ni Ichigaki.


Nagtataka man si Toshiro'y sinunod niya ang utos ng kinikilalang panginoon. Dismayado siya kay Caleb, dahil sa kabila ng kabutihang ipinakita nila rito ay nakuha silang gawan ng masama. Na nagawang pagtaksilan ang samahan. Iyon ang nagawa niyang panunumbat sa kinilalang kaibigan.


" Hindi kita masisisi Toshiro. Batid kong masama na ako sa iyong akala. Pero, igagawad ko lang ang katarungang hinihingi ng aking ama't- ina sa kanilang pagkamatay. Labing-walong taon kong hinintay ang sandaling ito. Sumisigaw na ang dugong dumanak mula sa aking mga magulang. Na-- humihingi ng hustisya at ang kamatayan ng taong ito ang kapalit," ani Caleb habang binalingan si Toshiro.


Habang nagsasalita pa ang binata ay sumugod na bigla si Ichigaki. Mabilis ang atake nito at nanlilisik ang mata. Tulo laway pa. Parang sinaniban ng demonyo ang mukha habang nagpapamalas ng angking kahusayan sa paghawak ng samurai. Palitan sila ng hataw ni Caleb.


Pero, dahil sa ang mga ginawang galaw at estilo ni Ichigaki ay hindi pamilyado kay Caleb ay natamaan siya sa balikat at sa kaliwang braso. Daplis lang. Kung hindi siya nakailag sa huling taga ng kelot, putol na sana ang kaliwang braso niya.


" Ha,ha,ha!, kulang ka pa bata. Hindi ka mananalo sa akin ng patas. Buwenas ka na lang kung makatagal ka pa ng 5 minuto," pagmamayabang ni Ichigaki habang minamasdang tumutulo ang dugo sa mga sugat ni Caleb.

Bago pa muling nakaporma si Caleb ay umatake na naman ang kalaban. Sa bilis ng kamay ni Ichigaki ay tila lumalaban si Caleb sa 5 hanggang 8 tao. Hindi niya akalaing ganito katindi at kagaling sa samurai ang mongoloid sa tingin niyang kelot.


Panay ilag muna ang ginawa niya at sangga sa opensa nito. Iniinda kasi niya ang sugat sa kaliwang balikat. Habang inaatake siya ng kelot ay pinag-aaralan ni Caleb ang estilo nito. Tititingnan niya lahat ng ilalabas na teknik nito. At kapag ubos na o pare-pareho na lang, saka siya oopensa.


Nailabas ang lahat ni Ichigaki ang estilong Chudan, Jodan, Hasso, Waki, at Gedan Gamae. Kung kaya, pagkatapos gawin ang estilong Gedan Gamae ay si Caleb naman ang umopensa.


Pero, nasasanga lang ni Ichigaki ang kanyang mga patama. At nang ito naman ang umatake, biglang pumihit paikot si Caleb mula sa kaliwa sabay iwan ng samurai sa ibaba.


Ang siste, nasa likuran siya ni Ichigaki na nakaumang ng diretso ang samurai. Sa ganoong posisyon ng kelot ay kinabahan ito. Batid na niya kasi ang gagawin ni Caleb at huli na para umiwas.


Pagpihit paharap ni Ichigaki ay tumambad sa kanya ang pumainlang na taga paitaas si Caleb tangan ang samurai. Agad na umilag si Ichigaki kung kaya sa halip na mataan siya ng buo mula ulo hanggang dibdib, nahiwa ang kanyang kanang mukha. Ikinagulat ni Toshiro ang nasaksihang atake ni Caleb.


"Gumagamit siya ng estilong "Jigen ryu at Onno ha- Itto ryu". Bibihira lang ang nakakagawa nun. Hindi ito gaanong napag-aralan ni Ichigaki. Pero siya... ibig sabihin, isang batikang samurai ang kanyang guro. At kung magkagayun, lagpas na ang kanyang kakayahan sa alam ni Ichigaki. Walang itong panama sa kanya kapag inilabas pa niyang lahat ng kanyang nalalaman sa samurai," ani Toshiro sa sarili habang matamang tinitingnan ang laban ng dalawa.


Habang lumong-lumong hinahawakan ni Ichigaki ang napilat na mukha ay ginamit ni Caleb ang estilong "Yagyu Shinkage-ryu" upang dis-armasan si Ichigaki. Sa kanyang malakas na opensang pawasiwas, tumilapon ang tangang samurai ni Ichigaki.

Heart of a SamuraiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon