Chapter 14 Ang Pagkatalo ng Bulaang Propeta

37 3 0
                                    

Mga ilang sandali pa ay narating na ni Caleb ang pintuan ng silid ni Shogu. May dala-dalang tear gas na nakalagay sa kanyang bulsa. Pumorma sa may pintuan na sisipain niya ng malakas. Nang mabuksan ang nasirang pintuan, agad na hinagis ni Caleb ang tear gas sa mga tao na nasa loob ng silid.

Nang kumalat na ang usok ay nagkagulo ang mga lalaki at maging si Shogu ay nabulabog. Ubo-rito,ubo roon ang siste ng mga kumag. Hindi naman pumasok agad sa silid ang binata. Nag-abang lang siya sa labas at ang mga lalabas ay bibigawasan na agad niya sa leeg para makakuha ng samurai, na hawak-hawak ng mga kelot.

Unahan naman sa pagtakbo palabas ang mga kelot. Ang unang lalaking lumabas ay minalas na nakatikim ng siko ni Caleb sa leeg. Nang humandusay ang kelot ay agad na kinuha ni Caleb ang samurai.

Nang humupa na ang usok, gulantang ang natitirang 7 Masurao  ni Shogu nang kung anong patalim ang tumama sa kanilang katawan. Inaatake na pala sila ni Caleb. Hindi na papopormahin ng binata ang kalaban upang makaharap na agad niya si Shogu, at para hindi na masayang ang kanyang oras. Balak niya na matapos na ang lahat bago pa dumating ang responde ng mga alagad ng batas.

Wala nang inaksayang sandali si Caleb kundi tapusin ang 7 lalaki na bataan ni Shogu. Bigwas dito, taga roon, taga rito ang kanyang ginawa. Talsikan ang mga sumisirit na dugo sa dingding sa loob ng Buddhist temple kung saan naroroon ang silid ni Shogu.

Nanglilimahid na sa dugo ang buong katawan ni Caleb. Nanlalagkit na ang kanyang mukha dahil sa sumirit ng dugo mula sa buhay na kanyang tinagpas. Nang matigok na niya ang 7 ay pinasok na niya ang silid ni Shogu.

Pero, pagkapasok niya sa may pintuan habang pumapainlang pa ang usok ay tinaga siya ni Shogu ng samurai. Tinamaan siya sa kaliwang balikat. Daplis lang. Doon na nagkaalaman ng makita ni Shogu ang kanyang mukha.

Caleb! Ikaw ang... anong ibig sabihin ng lahat ng ito?” si Shogu na natigilan habang kaharap ang binata.

“Nandito ako para maningil. Tapos na ang 18 taong paghihintay para isakatuparan ko ang paghihiganti sa lahat ng ginawa mo,” si Caleb na nanlilisik ang mga mata.

Ibig sabihin ikaw ang may kagagawan ng pagsabog at ng lahat ng kalokohang ito! Anong kasalanan ko sa iyo? Itinuring pa naman kitang espesyal sa mga Masurao at ibinilang sa mga inapo ng diyos, ” si Shogu na nagalit na rin.

“Isa kang baliw na bulaang propeta, Shogu. Isang pusakal na nagpapanggap na banal! Kabaliwan ang mga doktrina mo. Hangal ka at matakot ka sa pinagsasabi mo. Bakit pinapantay mo ang iyong sarili kay Jesucristo? Hindi ka anak ng Diyos. Anak ka ng diyablo, ungas!”

“Sa sinabing mong ‘yan. Kamatayan ang hatol sa iyo, Caleb. Hindi ka na makakalabas ng buhay sa pook na ito,” si Shogu na nanginginig na sa galit.

“ Ikaw ang hindi makakalabas ng buhay dito. Papatayin na kita gaya ng pagpatay mo sa aking ama. Ang totoong Masurao at pinuno ng White Lotus, si Tanaka Hideyoshi,” si Caleb sabay atake kay Shogu. Hindi na nakapagsalita si Shogu. Nakatuon ang pansin nito sa atake ni Caleb.

Manaka-nakang umu-opensa din si Shogu gamit ang bilis at kakayahan sa pakikipaglaban gamit ang samurai. Pero, mas matinik si Caleb at mas malakas sa kanya. Nang bahagyang mapagod ay isang mabilis na atake ang pinatama ni Caleb sa braso ni Shogu. Naputol ang  siko ng kaliwang kamay ni Shogu at gayun na lang ang taghoy nito nang makitang tumalsik at lumagapak sa sahig ang kanyang kamay.

“ Magaling ka lang kapag maraming kasama. Pero, ala kang binatbat. Mag-isang lumaban noon sa inyo ang aking ama, pero muntikan pa kayong matigok. Ano, pagod ka na?” si Caleb na inaasar si Shogu.

“At ikaw, hindi ka lumalaban ng patas. Tiyak namang mahihirapan ka kapag sabay-sabay mong nilabanan ang aking mga tauhan. Aaminin ko, ikaw ang pinakamagaling na humawak  samurai na nakalaban ko bukod kay Roman Jutai. Magkapareho kayo ng estilo. Pero lalabanan kita at ikaw ang tiyak na matatalo,” si Shogu na nakangiti at binibigyan ng kumpiyansa ang sarili.

“ Ano ako, bale. Hindi ako lalaban ng sabayan sa 8 o 20 masurao! Sa pelikula lang nangyayari iyon at imposibleng manalo sa ganun. Taktikahan ang labanan dito,” si Caleb na muli na namang umatake.

Panay naman ang depensa at ilag ni Shogu sa malalakas na hataw ng binata. Pero, minalas na namang tinamaan ng talim si Shogu sa tiyan. Kung hindi nga lang siya nakailag ng todo ay wakwak na ang bodega niya. Punit ang suot nitong kimono sa mga tama ng samurai ni Caleb.

Sa isang atake ni Shogu ay na-counter ito ni Caleb kung kaya tumilapon ang tangan nitong samurai. Isang malakas na sipa sa mukha ang natikman ni Shogu. Bumalandra ito sa isang center table at napahandusay sa sahig. Agad na itinutok  ni Caleb ang samurai sa leeg ni Shogu at pinadampi ito ang pinakadulo ng talim.

Caleb... huwag mo akong papatayin. Ibibigay ko sa iyo ang aking salapi at ipamumuno sa iyo ang White Lotus. Total, ikaw naman talaga ang ay karapatang mamuno dahil anak ka ni Tanaka. Ang nangyari sa iyong ama ay hindi ko sinasadya. Naghara-kiri siya sa pamamagitan ng suicide bombing sa amin,” si Shogu na nakikiusap.

Heart of a SamuraiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon