Chapter Seven
"Oh! Hala! Pareng Jovee, nandito ka pala?!" Si Ella yon.
"Ah, yeah, nag twit twit kasi yong Phenom Radar ko," sabay sulyap sakin, napailing naman ako nun,
"Awsus! phenom radar pa jan! Destiny lang talaga kayo eh,"
Nagkatinginan naman kami nun ni Jovee sabay smile.
"Ly! Pwede umalis na tayo?" si Den naman yon na nasa loob na ng kotse na dumungaw pa talaga para lang sabihin yon.
Tumingin naman sakin nun si Ella sabay bigay ng Patay-Ka-at-Merong-Nagseselos-dito-look sakin.
Napailing naman ako nun, manunukso nanaman ata si Madam.
"So, mukhang mapapaaway ka nanaman ata jan," biro ni Jovee.
"Sorry talaga,"
"Ok lang," then binuksan nito yong sa driver's seat. Pumasok din naman agad ako run. "May next time pa naman," saka tumingin ito kay Ella. "Els, ingatan mo tung Miss MVP ko ha,"
"Sure!"
Ngumiti ito. "Thanks," saka tumingin sakin, "Ingat ha..."
"Opo, Mr. Jovee Avila,"
"Ok..." saka tumingin ito kay Den na nakatingin sa labas.
"Jovs," sabay hawak sa kamay niya. Hai, gusto ko talagang humingi ng paulit ulit na sorry sa inaasal ni Den Den ngayon eh.
"Ay, sorry," sabi nito nang namalayan nitong nakahawak pa rin ito sa pinto. Inalis na rin nito agad ang kamay nito run. "So, ingat ha... baka mahulog ka," sabay sulyap kay Den,
Napakunot noo naman ako nun.
"Sa kanal.." saka ngumiti ito. "Ingat ha," at sinarhan na nito ang pinto.
"Ok."
At umalis na kami, alam kong may ibang ibig sabihin nun si Jovee, nakikita ko rin kasi ang pag aalala sa mukha nito. At napangiti ako, tunay na kaibigan nga naman.
"At ngumingiti ngiti ka pa jan?" -Si Den yon.
"Ha... bakit?"
Umiling ito saka tumingin na sa labas.
"EHERM! May naaamoy akong---" Agad kong tiningnan ng masama nun si Ella, alam ko kasing mang aasar nanaman ito. "O, bakit? Yong sasabihin ko lang naman eh, may naaamoy akong fried chicken eh!" sabay turo sa labas, and dun nakita ko ang Jollibee.
At napailing nalang ako. Ang galing talagang magpalusot ng isang tu.
Maya maya...
While driving... 15 minutes after nung kay Jovee.
"Bakit ka ba ganun kay Jovee, Den?" sabi ko kay Den.
Di ito sumagot.
"Bakit kelangan mong maging ganun sa kanya? Mabait naman yong tao ah?!"
Di pa rin ito sumasagot.
"Sana naman pinakitunguhan mo naman ng--"
"Problema mo ba sa pakikitungo ko sa EX mo?!"
"Wala naman... pero parang ang unfair lang, wala namang ginagawa yong tao eh ginaganun mo?"
"Wala bang ginagawa yong parang nilalandi ka na nga nun?! Tapos ikaw parang nasasarapan pa!"
BINABASA MO ANG
Love and Lies
FanfictionSweetest Downfall Book 2 #NeverShallWeSink Sa AlyDen lang may forever. hahahaha enjoy!!! :) Hi! Pag May time extrang time kayo, read niyo din po yung isa ko pang story... "UNDENIABLY YOURS"... not an AlyDen pero GXG.... thank you! God Bless us all...