Chapter Eight - Sweetest Downfall: Love and Lies
Ring Ring Ring...
*The subscriber cannot be reach, please try again later.*
Saka dinial uli ang number ni Den, pero wala pa ring sumasagot. Den naman...
"Den, answer please..."
*The subscriber cannot be reach, please try again later.*
"Hey, Ly," napatingin naman ako nun sa kanan ko.
"Mowna," saka sinalubong siya at yumakap sa kanya.
"Sssshhh... ok lang yon, ano ba?" sabi nito sabay hagod sa likod ko, kakatapos lang nun ng post press con namin.
"Pero kasi," saka suminghot.
At napalingon kami sa likod namin ng marining namin ang maingay na hiyawan ng Team Chinese Taipei na dumaan sa kabilang exit, hindi namin maintindihan ang sinisigaw ng mga ito, syempre, mandarin kasi. Napabuntong hininga naman ako nun.
"Let's go," sabi nito at nagsimula na kaming maglakad palabas.
Pagkarating namin sa harap ng bus ay parang nanibago pa ako sa katahimikan ng mga teammates ko, di man lang nag iingay ang mga ito, puro mga pagod at stressed pa ang itsura,
Sighed. This is my fault. Pinabayaan ko sila kanina, wala akong nagawa, wala akong naitulong. Fudge! Nangako ako sa kanila at sa mga taong umaasa samin na ipapanalo ko ang game na tu para makapasok sa Semis, pero wala eh, sadyang wala lang talaga samin ang swerte ngayon.
I searched for Ella, pero wala ata siya sa loob.
"Si Ella ba?"
Tumango ako.
"Nauna na siya, dinig ko may family dinner daw."
"Aw ganun ba,," sigh. Hai, pati si Ella wala. Wala talaga. Oh besh, I need you right now.Si Den wala na nga rito, pati ba naman ikaw?
Then maya maya ay dumating na si Coach Roger. "Tara na," sabi nito. "Baldo, kita kita nalang tayo sa dining area sa hotel ha," sabi nito.
"Opo, Tay," sabi ko.
"Sige," saka pumasok na ito sa loob. Ako naman pumunta na sa kotse ko. Mag isa lang ako ngayon dun, syempre wala si Ella eh, lagi lang naman kasing sina Amy, Ella at Den ang pasahero ko run eh. And lahat wala, so solo ako ngayon.
"Putik!!!" sambit ko nang makailang beses ko nang tinatry na buksan ang pinto sa kotse ko. Di ko kasi mabuksan at mapwersahan yon dahil nangangalay ang right arm ko, and yong wrist ko di ko halos magalaw, namamaga. Di ko rin naman magamit yong kaliwang kamay ko kasi hawak ko run yong ilang papers na binigay sakin kanina at box ng cupcakes at ilang cards na binigay ng mga fans kanina, Di ko naman mapatong yon sa bubong ng sasakyan kasi basa. "Putik na buhay tu..."
At may biglang sumulpot na kamay sa gilid ko at binuksan ang pinto. Napatingin naman ako nun sa right side ko, dun sa may ari ng kamay na yon.
"Panay kasi ang mura mo." sabi nito saka kinuha sakin ang mga dala ko at nilagay yon sa loob ng kotse, "Tara, Ako na mag dadrive."
Napasandig naman ako nun sa kotse sabay labas ng buntong hininga.
"Hey, ok lang yon, masyado mo naman atang sineryoso ang laro kanina,"
"We lost, Jovs, at wala man lang akong nagawa."
"Normal lang ang matalo sa laro, Ly, at alam mo yan."
BINABASA MO ANG
Love and Lies
FanfictionSweetest Downfall Book 2 #NeverShallWeSink Sa AlyDen lang may forever. hahahaha enjoy!!! :) Hi! Pag May time extrang time kayo, read niyo din po yung isa ko pang story... "UNDENIABLY YOURS"... not an AlyDen pero GXG.... thank you! God Bless us all...