Chapter 19

642 21 2
                                    

Chapter 19

"Baloooot!!! Peenoooy!!!  Baloooott!"

"Kuya! Pabili."

Napatigil naman ako nung marinig ang boses na yun.

Labdablabdablabdab

"Balot po ba o Penoy?"

"Penoy."

"Eto po."

Saka dahan dahang lumingon.

Si Alyssa.

Napahawak nalang ako bigla sa dibdib ko.

I am not expecting to see her here. Di rin ba tu inaantok kaya nandito tu ngayun?

At napatingin ito bigla sa gawi ko.

Akmang iiwas sana ako ng tingin kunwari di ko sya nakita pero bigla syang ngumiti. Yung ngiting nakakatunaw, nakakarupok. Tang ina! Ang puso ko!

"Den... jan ka pala." Sabi nito, saka itinaas ang kamay niya na may penoy. "Penoy?"

Nahihiyang ngumiti ako sa kanya.

"Oh. Gabi na ah, kakain ka pa ng penoy..." sabi ko. Parang wala lang tension ah, wala lang nangyari, parang ok lg kayo ah. Sa loob loob ko. Alangan naman awayin ko sya rito.

Tumawa ito. "D ha.. its just that... di ako makatulog... "

Ah so pareho kami.

Pero.. Di rin kaya sya makatulog kakaisip sakin... ?

Shut up, Dennise!

"Dagdagan niyo nalang po ng dalawa." Sabi nito.

"Hala, di naman ako nag sabi ng oo ah."

Ngumiti ito sakin.

Damn...

Napangiti nalang din ako.

"Eto bayad, kuya." Sabi nito kay manong. 

Saka lumapit sakin.

"Can I?"

Mahina akong ngumiti. "Sure." Saka umayos ng upo, nakaharap na ako ngayun sa dagat.

"Here." Saka binigay sakin yung penoy na binalatan na niya.

Napangiti naman ako nun.

Nakakamiss yung ganun niyang gesture.

"Thanks." Sabi ko saka kinuha yun.

Saka nilagay nito sa gitna namin ang suka na may asin.

Sigh.

Hai naku, Alyssa..

Nandun ako lagi sa puntong hindi ko alam kung iiwas ba ako sa kanya o hindi at hayaan nalang ang damdamin ko.

Love and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon