Chapter 16

943 17 10
                                    

"So, anong gagawin mo jan?"

Tumingin ako kay Ella. Nandito siya ngayon sa condo ko, pano eh, sya pala tung pag rereceivan ko ng  isang box na Sansribolas, blue berry cheesecake, at dalawang ghirardelli. Tawang tawa panga ito nang pinagbuksan ko sya ng pinto kanina.

"Lalagay sa ref?" sabi ko.

Tumawa ito.

"Bigay mo nalang sakin yung iba." Saka kumuha ng Sansribolas. "Uy, masarap nga." Saka bumaling dun sa sansrival na silvanas. "Patikim din niyan," saka kumuha dun at kumain. "HMMMM... masarap din." Saka tumingin sakin. "Ikaw, alin yong pipiliin mo? Yung Mr. SanSrival ba ng Dumaguete o Ms. Sansribolas ng Roxas?"

Tumingin ako sa kanya. Alam kong manunukso lang ito.

"Wala." Saka pumutol ng isang pirasong ghirardelli. "Loyal ako." Sabi ko.

Tumawa ito. "ALAM KO!!!"

"I mean, loyal ako sa ghirardelli, first love ko tu eh,"

"AH ..kala ko one great love mo....parang si Ly lang." mahinang sabi nito pero dinig ko parin.

"May sinasabi ka?"

"Waaalaaaa poooo...." saka tumayo ito at kumuha ng tubig. "Invite kaya natin kina Baby Besh? Para maubos tu lahat."

Tumayo ako saka kinuha yung tatlong box ng sansrival at pinatung yon sa harap ni Ella.

"Ano yan?"

"Diba iinvite mo sila? So ayan..."

Tumawa ulit ito. "Ba't di yong yon?" sabay nguso sa mga binigay ni Alyssa.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Wag mong galawin bigay ni Ly." Saka niligpit ang mga ito at nilagay sa ref.

At tumawa nanaman ito, "Edi alam na kung sino panalo."

"Shuttup, besh." Saka umupo sa sofa ko. "Parang gusto kong mag street foods ngayon, puro sweets yong kinain ko, di pa ako nakakapaglunch." Sabi ko nung mapansing alas dos na pala ng hapon ngayon.

"Gusto mo, malling din tayo? Sundan natin ang KiefLy?"

Tumingin ako sa kanya. "Para ano pa, para masaktan ako? Umiiwas nga ako diba..."

Umiling iling ito saka umupo sa tabi ko. "Move on kana kaya, besh?"

And I sighed. "Pano ba? Pano ba mag move on kung hanggang ngayon eh sya parin dito?" saka humiga sa balikat nito.

"Don't worry, lilipas din yan."

**Phone Rings

"Is that yours?" Tanong ko kay Ella.

"Yep, teka ha." Saka tumayo ito at sinagot ang phone call.

Tumayo narin naman ako saka lumabas ng terrace para magkarun sya ng privacy.

"Besh, i gotta go na ha, may meeting pa kasi ako... mag me meet ako dun sa may ari ng rerentahan kong space para sa cafe..." sabi nito.

"Ok, besh, no problem, ingat kaha." Saka hinatid ito sa pinto.

Hai... And I'm alone again... Hanggang sa di ko nanamalayan nakatulog na ako.

1 hour later...

**Phone Rings...

Napadilat agad ako nun.

Dr. Mendez calling...

Love and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon