Nataranta ang ginang at napatakbo.
"Jose!" sigaw nito sabay takbo papunta sa isang silid. Agad na sinundan ito nila Doming, at ng malapit na sila sa bungad ng kuwarto ay sumalubong sa kanila ang di kaaya-ayang amoy.
"Jose, ano ba'ng nangyayari sa'yo?! Dios ko!" sigaw ng ginang. Napatalon si Tekla ng maramdaman niyang may biglang gumapang na insekto sa kaniyang binti. Dumeretso si Pulgoso sa kuwarto kung saan pumasok ang ginang, at nagimbal siya ng makitang nagsisilabasan sa katawan ng lalaking nakahiga sa papag ang napakaraming insekto. Ilang sandali pa ay nasa likuran na rin ni Pulgoso sina Doming, Tekla at Emilio.
"Mahabaging langit! Ano ang mga 'ýan?!" ang naibulalas ni Emilio. Kaagad na lumapit si Doming para tingnan ang lalaki.
"Dios ko! Kailan pa 'to? Binabarang ang asawa mo misis," saad ni Doming. Maging sina Tekla ay nahilakbot sa nakita nila. Agad-agad na gumawa ng insenso sina Doming at pinakuha ng isang batyang may tubig ang ginang at malinis na pamunas. Si Emilio naman nagsimula na ring magdasal at mag orasyon. Nang bumalik ang ginang sa kuwarto ay siya na ang nagtawas sa lalaki habang si Doming naman ay sinusuri ang mga naging sugat nito sa katawan, nilapitan din ito ni Pulgoso. Nagnanaknak na ang mga sugat nito at nangangamoy na rin gawa ng tila hindi gumagaling. Sa halip na mandiri ay awa ang naramdaman ni Pulgoso habang pinagmamasdan ang buong katawan ng lalaki.
"Pagod na ako, hindi ko na kaya. Mabuti pang mamatay na lang ako kaysa ara-araw na nahihirapan na ako," umiiyak na turan ng lalaki na nanghihina at hirap na ring gumalaw."Sabi ng tatay, kailangang mahuli ang pamaham na pinakawalan ng gumawa ng barang, kapag nahuli at napatay natin 'yon, tsaka pa lang natin mababasag ang barang. Naituro sa'min nang nakaraang ng isa sa mga guro namin kung paano gawin 'yon, ibig kong subukan tay Doming." saad ni Pulgoso.
"Magagawa ba niya 'yon? Bata lang siya, baka di niya kayanin at silang dalawa na ng asawa ko ang mapahamak," ani ng ginang.
"'Wag kang mag-alala misis, naturuan ng maigi ang pamangkin ko at isa pa, nandito kaming lahat para gawin ang lahat ng makakaya namin."
Para basagin ang nagawang pambabarang kailangang basagin ito ng may alam din sa pambabarang."Wala naman tayong alam na marunong sa ganiyan eh, mga antingero lang ang angkan natin," saad ni Doming.
"Ako mayroon," biglang sabi ni Emilio. Napatingin silang lahat sa kaniya.
"Sino?!"" sabay na sabi nila.
"Si Letty, ang asawa ko, dati 'yong mambabarang, nagka-engkuwentro pa nga kami dati. Pero, ayon asawa ko na ngayon," nahihiya pang sabi nito.
"Naks naman, antingerong nainlab sa mambabarang," panunukso ni Tekla.Pinuntahan ni Emilio ang asawa sa kanilang bahay, sa katunayan ay matagal na itong tinalikuran ni Letty mula ng maging asawa niya si Emilio, para magkaroon ng tahimik na pamumuhay.
"Emilio, napag-usapan na natin 'yan di ba? Matagal ko nang tinalikuran ang gawaing 'yan mula ng ikasal tayo," saad nito.
"Oo, naiintindihan ko, pero sa pagkakataong ito Letty, sasagip ka na ng buhay. Hindi na saklaw ng kaalaman namin ni Doming ang kaalamang mayroon ka kaya't pakiusap, tulungan na natin ang mag-asawang iyon."
Kinuwento ni Emilio ang kalagayan ng lalaki at nahabag si Letty habang pinakikinggan ito. Hinanda na ni Letty ang mga kailangan niya at bumalik sa bahay ng mag-asawa. Pagkarating ay inutusan ni Letty sina Pugoso at Tekla na sindihan ang pula at itim na kandilang dala niya, pagkatapos no'n ay kumuha ng ilang insektong nasa dalang garapon si Letty at may nilagay siyang asul sinulid dito habang umuusal ng dasal at orasyon, mataman niya itong pinakawalan para puntahan ang kung sino man ang nagsagawa ng barang kay Jose."Hintayin natin ang ibabalita ng pamaham na pinakawalan ko. kapag hindi 'yon nakabalik, ibig sabihin hindi na mababali ang barang sa'yo Jose."
Napahagugol sa iyak asawa ni Jose sa mga sinabi ni Letty.
"Pero it's prank, 'di ako papayag siyempre,"dugtong ni Letty. Muli ay nagsagawa ng orasyon si Letty. Pinikit niya ang mga mata at sinamo ang pamaham na pinakawalan, at doon ay pinapakita ng insektong pinakawalan niya kung sino ang nagsagawa n barang kay Jose. Isa itong matandang lalaki. Napapaligiran ito ng mga itim na kandila at sa nasa likuran nito ay isang babae na medyo bata pa at nakangiti sa ginagawang ritwal ng matandang lalaki
"Isang matandang lalaki ang nagsasagawa ng barang, at sa likod niya ay isang bata at magandang babae. Nakangiti ito na parang natutuwa sa ginagawa ng matanda," saad ni Letty na nakapikit pa rin.
Napatingin ang ginang sa kaniyang asawa, na tila may bahid ng pagdududa. Pinagpatuloy pa rin ni Letty ang kaniyang ginagawa hanggang sa makausap na niya ang matandang lalaki.
"Itigil mo na ang ginagawa mo tanda! Kung ayaw mong ibalik ko sa'yo ang barang na ginawa mo!" saad ni Letty.
"Wag kang makikialam dito, naghahanapbuhay lang ako! alam kong alam mo rin na hindi ko na maari pang bawiin ang barang na binigay ko!" sagot ng matandang lalaki.
"Kung gayo'n, kung ayaw mong bawiin ito, puwes! Ibabalik ko na lang ito sa'yo!"
Tahimik na inuusal ni Letty ang kaniyang malalakas na orasyon para tapatan ang kapangyarihan ng matanda, inaamin niyang malakas ito at bihasa na sa ginagawa niya ngunit hindi niya ito sinukuan. Tumatagktak na rin ang pawis sa kaniyang noo dahil sa spiritual na enerhiyang nilalaan niya. Napansin na ito ni Pulgoso, gamit ang ilang kaalaman na natutunan niya gayundin mula sa kaniyang ama ay tinulungan niya ang kaniyang tiya Letty sumunod din sina Doming.
Maya-maya pa ay nakaramdam na ng panghihina ang matandang lalaki, ang babaeng kasama naman nito ay nagtaka at nabahala ngunit bumagsak na ang matanda sa kinauupuan nito at nawalan ng malay. Bumalik din ang pamaham na ginawa ni Letty, naibalik niya ang barang na ginawa ng matandang lalaki kay Jose. ng mga sandaling iyon ay wala pang malay si Jose, nanghina ito sa ginawa sa kaniya, matapos non ay sinabihan na ni Letty sina Doming na gamutin na ang mga sugat si Jose. Nanatili pa sila roon hanggang sa magkaroon na ito ng malay.
BINABASA MO ANG
PULGOSO: ANG BATANG ANTINGERO
HorrorNasaksihan ni pulgoso kung paano paslangin ng mga aswang ang kaniyang magulang ng walang kalaban-laban. Ngunit bago pumanaw ang kaniyang ama naihabilin nito ang lahat ng mga kaalaman at kagamitan na ng ama sa kaniya. Ngunit dahil sa bata pa at hindi...