𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 36 : 𝙷𝙸𝚂 𝙱𝚁𝙾𝚃𝙷𝙴𝚁'𝚂 𝙳𝙸𝚂𝙳𝙰𝙸𝙽

3 1 0
                                    

XARIA'S POV:

Several days had passed at medyo magaling galing na ang paa ko.

At sa mga araw na nagdaan bibihira kaming magbangayan ni Denver dahil busy siya sa opisina.

Halos hindi na nga 'yun umuwi kung pu-pwede e.

Uuwi ng madaling araw para matulog babalik sa opisina alasais ng umaga.

Nagpasya akong bumaba dahil nabuburyo na ako.

Hindi ko naman mapapunta dito sila Regie dahil nahihiya ako kay Papá.

Baka kung anong isipin nila, Hindi rin ako masyadong nakakatulong sa gawaing bahay dahil sa tuwing sinusubukan ko ay pinipigilan ako ni Papá at ni Manang Belen ang katulong nila.

"Good morning Hija! Ano maayos na ba 'yang paa mo? At kung hindi pa ay sasamahan na kita sa hospital" sambit ni Papá.

"Hindi na po, Maayos na po ang paa ko 'yun nga lang kailangan ko parin ng saklay para pangsuporta" nakangiting sagot ko.

"Alright, Siya nga pala hija aalis ako ngayon sasamahan ko si Belen mamalengke ng mga kailangan natin dito sa bahay" sambit niya.

"Sasama po ak---

"That won't do Hija, Kami na lang tutal kasama naman namin si Kinn" pagtanggi ni Papá.

"Sige po kung 'yan ang gusto niyo, Mag-iingat po kayo" muling turan ko.

"Yes Hija, 'Wag kang mag-alala nandyan naman si Devon kaya may makakasama ka parin" saad niya.

"Sir tayo na po" sulpot ni Manang Belen.

"Alright maiwan ka na muna namin Hija" paalam ni Papá.

Pinanood ko silang makalabas ng pinto bago ako nagdesisyong pumunta ng kusina.

"What are you doing here?" sulpot ni Devon at halatadong iritado ito.

"Nagtitimpla ako ng kape, Gusto mo rin ba?" malamunay na tanong ko.

"No! Just do your thing and get the hell out of my kitchen!" pagsusungit niya.

Aba! Wala nga si Denver pero nandito naman ang isang 'to.

Akala ko naman magiging okay ako rito dahil wala palagi si Denver pero nagkamali ako.

"S-Sige" napapahiyang turan ko at binilisan ang pagtimpla ng kape ko.

Busy siya sa pagdutdot ng phone niya nang lingunin ko ito sa kinatatayuan niya.

"Pwede bang magpatulong dalhin tong kape ko sa sala?" pakiusap ko sa kanya.

"No way! Problema mo na kung paano mo hahawakan ang baso alam mo namang nakasaklay ka pakape kape ka pang nalalaman" marahas na pagtanggi niya.

Oh kalma! Xaria kalma! Bata 'yan huwag mong patulan.

"O-Okay sige salamat na lang" pilit ngiting saad ko.

"We're not that close so stop or never talk to me!" bulyaw niya.

Kalmado ako sa panlabas pero sa loob loob ko malapit ko na siyang patulan.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang kape ko.

Lalampasan ko na sana siya pero kung minamalas ka nga naman ay dumulas sa kamay ko ang hawak kong baso.

"AHH WHAT THE FUCK! DUMB BITCH!" malakas na sigaw niya at itinulak ako palayo sa kanya.

Tumapon kasi ang kape sa kanya at nabasag ang baso sa paanan niya.

Mafia Lord's Fake Wife (Taglish)Where stories live. Discover now