Chapter 8

17 3 2
                                    

Adamson-Voire Series #1
Punk Princess of West

Chapter 8

Farrah

When Ybrahim went out of the shower, agad nitong chineck ang kaniyang phone.

"Leticia messaged." He calmly said.

"I see." I answered.

"Aren't you wondering what her message is about?" Tanong nito sa akin.

"Hindi, wala naman akong pakialam sa lovelife niyo." I bluntly said. Totoo naman eh, dapat nga hindi ko sinilip ang phone ni Ybrahim. Baka may pinag-uusapan sila ni Leticia na hindi pwedeng malaman ng ibang tao.

Napatingin ako sa gawi niya nang tumawa ito.

"I don't have a lovelife, Farrah." Sambit niya. "Yet." He added.

Napakunot ang noo ko sa tinuran nito. May plano rin naman pala siyang magkaroon ng lovelife kay Leticia, hindi niya pa ginagawa- may gusto rin naman ito sakaniya.

"Bakit ba kasi hindi mo pa ligawan?" Tiningnan ko ito habang tinutuyo niya ng tuwalya ang kaniyang buhok.

"I'm not yet sure if she likes me."

"Neknek mo! Umamin na siya sa'yo 'di ba? Narinig ko pa nga." Panunukso ko rito.

"I'm not talking about Leticia, Farrah."

Napako ako sa kinatatayuan ko.

Kung hindi si Leticia, edi sino?

Ako?

Ilang beses akong napakurap-kurap dahil sa dami ng pumapasok sa aking isip. Pero ayaw kong pag-isipan siya, unless siya mismo ang magsabi sa akin nito. I can't afford to make myself a fool for the second time.

Once is enough, twice is stupidity.

One thing I learned about being infatuated with someone? Nakakasira ng ulo ang pag-aassume, parang inilalagay mo ang sarili mo sa pampang ng mataas na bangin- kaunting tulak pa'y pagbagsak ang kahihinatnan at syempre, sakit ng katawan.

"Paaraw tayo, Farrah." Nagpalit muna ako ng damit bago sumunod kay Ybrahim sa labas ng aking unit. Minsan na lang ako makapagpaaraw dahil sa Manila, sobrang init na kapag ganitong oras tapos kalat pa ang polusyon sa daan.

"Ang payapa ng dagat sa umaga." He commented.

I just nodded, I love seeing the ocean every morning. Napakabanayad, dahilan kung bakit gusto kong manirahan sa tabi ng dagat. Ang problema lang ay kung may bagyo.

"The ocean reminds me of you." Natigilan ako sa kaniyang sinabi.

"What do you mean?" I asked.

"Maganda pagmasdan, malalim." He looked away.

"Baka malunod ka, West." I joked.

"Ayos lang, nakangiti akong magpapalunod sa agos ng alon kung alam kong ikaw ang may gawa nito."

I tried to hide my smile, dahil hindi ko alam kung saan patungo ang magiging usapan namin.

"Bibisita ako kay Lola." I changed the topic.

"Samahan kita, Farrah." Saad nito.

"Hindi naman kailangan." Sagot ko.

Sinubukan pa nitong mag-protesta pero nagmatigas ako, wala naman siyang magagawa.

Punk Princess of WestWhere stories live. Discover now