Chapter 11

10 2 0
                                    

Adamson-Voire Series #1
Punk Princess of West

Chapter 11

Farrah

I decided to ignore Ybrahim for the sake of my peace of mind. Hindi ko kayang i-torture ang aking sarili sa pag-iisip ng kung anu-ano— hindi ako gagawa ng kahit na anong ikasasakit ko.

I’m done being the stupid, average, worthless Farrah Rosanario.

Being my father’s biggest regret is more than enough— his Punk Princess.

“Farrah have you seen my jacket?” Ybrahim asked.

“Hindi.” Maikli kong sagot bago magtungo sa lababo upang hugasan ang pinagkainan ko.

“But I saw you holding it earlier.” Muli niyong sambit.

“Sinabi na kasing hindi eh.” Galit kong sagot.

“You don’t have to say it like that, Farrah.”

I rolled my eyes and started washing the dishes.

I know I’m irrational for acting like a bitch around Ybrahim, sobrang unreasonable din ng dahilan nito.

Wala namang masama kung may magustuhan si Ybrahim,  hindi rin naman ibig sabihing dapat i-reciprocate niya ang pagka-crush ko sakaniya.

I admit, crush ko siya— pero 25% lang.

And before falling deeper, I decided to distance myself from him. Hindi ko naman pwedeng hayaang masaktan ang sarili ko sakaniya, hindi naman ako tanga.

Konti lang.

“Bakit ba ang init ng ulo mo recently?” Nagulat ako nang magsalita ito sa likod ko.

“Hindi naman.” Sagot ko.

“May dalaw ka ba?” Nabitawan ko ang sinasabon kong kutsara nang magtanong ito.

“Ano naman sa’yo?” Pagsisunungaling ko.

Just please let me wash the dishes in peace.

“Pwede bang doon ka na lang sa sala?” Tanong ko rito, hindi ko ito hinarap.

“Ayoko.” He answered.

“Bakit?”

“Maghuhugas din ako ng pinggan ko pagtapos mo.” Sagot nito.

“Ako na maghuhugas niyan, lumayas ka lang dito sa kusina.” Pgmamatigas ko.

“Pero may dalaw ka, baka kung ano pang mangyari.”

Hindi ko mapigilang matawa. He was so clueless.

“Bakit ka tumatawa? Concerned lang naman ako.” Tinaasan niya ako ng kilay.

“Hindi naman masamang maghugas ng pinggan kahit may regla, umalis ka na lang dito sa kusina.” Sagot ko sakaniya.

“Ganiyan ba ang mga babae kapag may dalaw? Masungit talaga?” Tanong nito sa akin na parang bata.

“Just go, West.”

“Pero baka nga sumama pakiramdam mo.”

My conscience bugged me. Wala naman talaga akong dalaw, naghahanap lang ako ng excuse sa pagsusungit ko para hindi ako mabuko— na pinipilit kong umiwas sakaniya.

Punk Princess of WestWhere stories live. Discover now