Chapter 10

12 2 0
                                    

Author’s note:
Hi peeps! As promised, mag-uupdate ako today ng at least, 3 chapters. Please don’t forget to vote for this story and follow me here on wattpad, help me boost this story if you guys think this’ll be worth to read. ‘Yun langz, enjoy reading! XOXO

────────────

Adamson-Voire Series #1
Punk Princess of West

Chapter 10

Farrah

I tiptoed to my kitchen, trying not to wake up Ybrahim because he was sleeping on the couch. I suddenly felt thirsty so I went to the kitchen to drink water.

“No...” Someone said that almost made my heart jump.

Agad akong nagtungo sa sala para tingnan si Ybrahim. I turned on the lights and he’s still asleep. Mahigpit ang pagkakahigit nito sa kumot at tagaktak ang pawis sa noo, his body was also shaking.

“You can’t take her...” Pagsasalita nito habang nakapikit.

“Please don’t...” Patuloy ito sa pagsasalita.

What was he dreaming about, at bakit siya nagsasalita?

I touched his forehead, sobrang init.

Dali-dali akong nagtungo sa kusina para maglagay ng maligamgam na tubig sa maliit na batya. I also got a towel and soaked it in the warm water I poured earlier.

Nang matapos na ako sa pagpiga nito, dahan-dahan kong pinunasan ang noo ni Ybrahim. Napatigil ako sa pagpunas nang hawakan nito ang kamay kong may hawak na towel.

Nang tiningnan ko ito, gising na pala siya.

“Nagising ba kita? Sorry. May lagnat ka kasi, kaya pinupunasan kita.” Paghingi ko ng paumanhin sakaniya.

He let go of my hand and let me finish what I’m doing earlier.

“Are you still mad?” His voice sounded so different. Hindi ko alam kung dahil ba sa kagigising lang nito o dahil sa sakit niya.

“No, West.” I answered.

“I’m sorry for hurting you, Farrah.” Sambit niya.

“Wala ‘yun. Makikipagbati ako nang tuluyan kapag magaling ka na, kaya magpagaling ka agad.” I said.

“Okay.” He smiled.

Nagtungo muna ako sa kwarto dahil magbibihis si Ybrahim, basang-basa na kasi ng pawis ang damit niya.

“Farrah...” I heard him calling my name.

Lumabas ako ng kwarto, nakahiga na ulit siya sa couch.

“Punasan mo na ulit ako.” He demanded like a child.

“May lagnat ka, hindi pilay. Kaya mo na ang sarili mo.” I said, pointing at the warm water.

“But I’m sick, Farrah. Hindi ka ba naaawa sa akin?” He pouted.

Nakakainis, ang cute. I never knew Ybrahim could be so childish like this. Sure— I often sees him as an annoying friend that always sticks with Simon which made them the perfect tandem.

Ang buraot at mukhang bura—

Este, ang buraot at ang kuripot.

“May sakit ako oh, nakakaawa ako.”

I rolled my eyes and sat beside him. Kinuha ko ang bimpo at dahan-dahan itong idinampi sa buong katawan niya.

“Kawawa nga.” Sinakyan ko ang trip nito.

Punk Princess of WestWhere stories live. Discover now