Chapter 22

11 0 0
                                    

Adamson-Voire Series #1
Punk Princess of West

Chapter 22

Farrah

“‘Wag kang gagawa ng katarantaduhan, Simon ah. Kasama ko mamaya si Malaya,” Seryosong sambit ni Levi na siyang ikinangiti naman ni Simon.

Nandito kami ngayon sa mansyon nina Chanler, napagdesisyunan naming magkakaibigan na tumambay bago tuluyang magstart ang second semester. Kailangan naming magrelax muna for the last time bago muling sumabak sa madugong laban ng akademiya.

“Papa-goodshot ako, yaw.” Malawak ang ngiti ni Simon na bakas ang excitement sa mukha.

“Really? Lahat na lang talaga,” Napairap si Stacey.

“Tell me if you’re jealous, baby.” Ngumiwi si Stacey nang marinig niya ang sinabi ni Simon.

Tahimik akong nagbabasa sa tabi nang biglanng lumapit sa akin si Leticia, “Hey, why so silent?” After ilang days ng pag-iwas, bumalik din kami sa dati. She already apologized and recognized her mistakes. Hindi rin naman ako nagtanin ng sama ng loob sakaniya kaya mabilis lang kaming nagkaayos.

“Don’t mind me, may iniisip lang naman ako,” Ngumiti ako sakaniya.

“Okay, but if something is bothering you— you tell me.” I nodded as an answer.

Masaya akong bumalik na sa dati ang lahat, bukod sa closeness namin ni Ybrahim. Palagi itong nagpa-pass kapag niyayaya ng gala; nawiwili rin siguro kasama ang ex niya, ayun ang sabi ng mga kaibigan ko base raw sa mga story niya— hindi ko rin alam, I never viewed those since the day that Stacey told me about his ex’s sudden appearance in his story.

Isang malamig na bagay ang dumapo sa pisngi ko, dahilan upang bumalik ako sa reyalidad. When I looked up, I saw Chanler, holding a bottle of Vitamilk, idinikit niya ito sa aking pisngi.

Napangiti ako sa ginawa niya, kinuha ko ang inaabot nitong inumin sa akin, “Ikaw dapat ang tinatanong ni Let kung bakit tahimik e.” Saad ko sakaniya.

“Ano bang bago? I’m usually quiet,” Sagot nito sa akin bago nilagok ang isa pang bote ng Vitamilk.

“Kaya nga dapat mas nagsasalita ka,” I replied.

“Bakit? Kailangan mo ba ng kausap?” Ngumiti ito sa akin.

“Kailangan ba na kailangan ko ng kausap para magsalita ka?” Tanong ko rito.

“Sabi nila kung wala namang magandang sasabihin, manahimik na lang,” Tumingin ito sa kawalan.

“Anong connect?” I wrinkled my nose.

Kapag nagsalita ako, mata-trashtalk ko lang si Simon.” Mahina akong napatawa sa sagot niya.

“Baliw,” Saad ko sakaniya.

“Ayos ka lang ba talaga?” Nag-aalalang tanong nito sa akin.

Ano bang meron? Bakit halos lahat sila’y parang concerned sa akin, wala naman masyadong nangyari sa akin nitong nakaraang araw.

“Bakit naman hindi?” Tanong ko sakaniya pabalik.

“You know, parang iniiwasan tayo ni Ybrahim e.” Napakibit-balikat na lamang ako sa tinuran niya, halata naman pero ayokong aminin.

Mahirap tanggapin pero kailangan, kasi kasalanan ko naman.

Tama rin si Stacey na pwede ko naman siya ireject nang hindi ganon kalala, pero pinili ko pa ring gawin ang bagay na alam kong mas masasaktan siya.

Punk Princess of WestWhere stories live. Discover now