Chapter 21

12 0 3
                                    

Adamson-Voire Series #1
Punk Princess of West

Chapter 21

Farrah

Hindi ko na naabutan si Ybrahim the morning after he confessed. Ang sabi ni kuya ay nagpaalam na ito dahil sinundo na ng kaniyang mama. Hindi na rin ako nagtanong kasi baka mang-asar lang din siya.

"Farrah, can I come in?" Nakita ko si kuyang nakatayo sa tapat ng aking silid, bukas ang pintuan nito at hawak niya si Brayael.

"Sure, bakit?" Umayos ako ng pwesto, umupo ako sa kama ko, tumabi su kuya sa akin.

"I have a hunch," Panimula niya. "Feel ko, alam ko kung bakit umalis si Ybrahim." Nangunot ang aking noo sa kaniyang tinuran.

"Ano naman?"

Binuksan niya ang screen ng cellphone niya at nagsalita, "Hala, hindi ka updated?" Tanong niya sa akin.

Marami akong agam-agam pero isinantabi ko 'yon lahat dahil ayaw kong ma-guilty sa sinabi ko kay Ybrahim kagabi. I was ruthless to him, while all this time- he was so gentle with me. Kinakain ako ng konsensya ko, pero hindi ko rin hahayaang masira ang friendship na meron ang barkadahan namin dahil lang sa komplikadong set-up na possibleng mangyari.

Maya-maya pa'y may ipinakita si kuya sa akin na ikinagulantang ng aking buong sistema.

It was CCTV footage, the time stamp written was 11:32 last night.

What the actual fxck, bakit ko nga ba nakalimutang may cctv pala kami sa tapat ng gate?

"Sure kang hindi ka updated?" Ngumisi ito sa akin, ibinaba niya sa aking kama si Brayael na kasalukuyan namang natutulog.

"Anong kinalaman niyan?" Pagmamaang-maangan ko. "He was just asking about something, and that's it." I followed.

"Sure ka?" Tanong sa akin ni kuya.

Tumango ako.

"May audio 'to,"

Naloko na.

"Okay, where is this going?" Tanong ko sakaniya habang naiinis.

"Wala naman, I just want to see you pissed," He shrugged his shoulders.

"Kapatid ba talaga kita?" May halong inis ang pagkakasabi ko sakaniya.

"You told me na ako ang favorite brother mo," He pouted his lips.

"Binabawi ko na, peashooter." I wrinkled my nose.

"Wala ka bang originality?" He mocked me.

"Kaya ka ba nang-aasar kasi ghinost ka ng ex mo?" Natahimik siya sa tinuran ko.

He's been in a relationship with a nursing student before, Ate Shiena. Pareho silang graduating this year, they've been together since their sophomore year yet they broke up four months after their first anniversary. Reason behind their break up? Unknown.

"Foul 'yan!" He yelled at me.

"Mas foul ngang nireview mo pa sa cctv footage 'yung conversation namin ni Ybrahim!" I yelled back.

"Edi sana kung ayaw mong ireview 'yon, sa ibang lugar kayo nagset ng confrontation niyo," He hissed.

"Mukha bang may choice kami ha? Kampon ka talaga ni Hudas," I replied.

"At least 'di ko kamukha si Satanas," He answered back.

"Buti naman, baka bigla siyang umakyat sa langit at magreach sa customer's service para magcomplain kung magkamukha kayo."

Punk Princess of WestWhere stories live. Discover now