Adamson-Voire Series #1
Punk Princess of WestChapter 24
Farrah
“Bakla ka, nakakaloka naman ‘yang si Ria,” Singhal ni Stacey habang abala ito sa pagbi-braid ng buhok ko.
“Nalilito na rin tuloy ako,” I complained.
Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang pagkakasalubong namin ni Ria sa department store, dalawang araw na rin akong binubulabog ng sinabi niya.
“Paano mo malalaman kung ‘di mo susubukan?”
Paano ko nga ba malalaman kung takot akong subukan?
Love is all about taking risks, you have to take that specific chance because that may be a chance for once in a lifetime. Although things aren’t certain, I have to be brave enough to face whatever the consequences might be. Dahilan para i-kuwestyon ko ang aking sarili...
Am I brave enough to take the risk?
“Huy!” Bumalik ako sa reyalidad nang marinig kong magsalita si Stacey. “Kanina pa ako putak nang putak dito, ‘di ka naman pala nakikinig letche ka!” Umiling-iling ito.
“Ha? Pasensya na, may iniisip lang ako. Ano ba ‘yung sinasabi mo?” Tanong ko sakaniya.
“Tinatanong kita, curious ako kung may feelings ka na ba kay Ybrahim,” Sambit nito.
Nagpakawala ako ng mahabang buntong hininga at tumingin nang direkta sa mata ni Stacey.
Saglit itong natahimik sa pagtatama ng mga paningin namin.
“Oh my God!” She screamed, “Meron na nga!” Pinaghahampas ako nito dahil sa kilig.
“Finally, dalaga ka na!” Tuwang-tuwang sambit nito. “Kailan mo napagtanto?!” Pangungulit nito sa akin.
“Actually, hindi ko alam.” I honestly answered. “Narealize ko na lang na masaya ako kapag nakikita siyang masaya, nalulungkot ako kapag malungkot at nasasaktan siya, and I low-key wished to be at Ria’s shoe the first time I saw her with West.”
“Dalaga ka na talaga!” Hindi ito tumigil sa paghahampas sa akin.
“Kung kailan siya pinakamasaya, ayun din ang mga panahong wala akong maramdaman bukod sa pagiging kuntento,” Mahina akong natawa. “It’s funny that I hate seeing him hurt but then I suddenly became the one who caused his pain recently.”
“You’re down bad, Farrah.” Umiling-iling si Stacey.
“I maybe am,” I admitted.
“Ybrahim feels the same way too, I bet.” She said.
“After everything I’ve said to him? Impossible,” I replied.
“Hindi mo naman alam, pinangungunahan mo na naman siya. Malala ang tama mo sakaniya kaya nasaktan ka noong nakita mo siyang kasama si Ria pero naalis ba ang pagtingin mo sakaniya?”
Umiling ako.
“Exactly, whatever nor no matter how stupid things he did, said or committed, the feelings is still there. Kaya kahit anong katarantaduhan pa ang sinabi mo sakaniya, o nasaktan mo siya, hindi ganun kadaling mawala ‘yung pagtingin niya sayo. Ikaw lang naman ‘tong manhid na hindi alam ang tungkol sa mga ‘yon,” Pagpapaliwanag niya.
“God, Farrah, he has been so patient with you all this time! Ibang-iba ang treatment niya sa’yo kumpara sa ibang friends natin—”
“That’s just basic human decency—”
YOU ARE READING
Punk Princess of West
RomanceFor Farrah's father, she is nothing more than just a punk princess; well at least, Punk Princess of West. Adamson-Voire #1 On going | Unedited