Adamson-Voire Series #1
Punk Princess of WestChapter 20
Farrah
“Wala ka bang balak kumain?” Tinanggal ko ang kumot na nakatalukbong sa aking ulo nang marinig na magsalita si Kuya.
“I’m not in the mood, Kuya.” I stared at him blankly.
“Kung lq kayo ni Ybrahim, ‘wag mo naman gutumin sarili mo. Para kang tanga.”
“We’re not even lovers!” I hissed.
“Pero pareho kayong walang gana kumain? Coincidence ba ‘yan? Pati si Mama nagtataka na bakit ayaw niyong dalawa kumain.” Umiling-iling si Kuya.
“Kuya, I just want to be alone.” I pouted my lips.
“Kadiri,” And he left.
Ang daming bumabagabag sa isipan ko, gusto kong puntahan si Ybrahim at bawiin lahat ng sinabi ko pero hindi ko naman kayang saktan si Leticia, that’s the basic rule of feminism.
Dalawang araw na rin ang nagdaan matapos ko i-confront si Leticia. Things are still miserable as of the moment kaya hindi ko magawang makapagdecide kung babawiin ko ba ang sinabi ko at hahayaang mapunta sa wala ang barkadahan namin o huwag na ungkatin ang nangyari at masira naman kami ni Ybrahim sa isa’t isa.
Chanler Angelo Suarez
2 new messagesI opened Chanler’s messages.
7:00 p.m.
Chanler:
Hey.
U there?Farrah:
yep, why?Chanler:
Labas ka.Farrah:
?Chanler:
Bilis.Umiling-iling ako bago lumabas ng pintuan. To my surprise, iniluwa rin ng pintuan ng guestroom si Ybrahim na may malaking bagahe sa ilalim ng mata niya.
Halatang walang tulog nang maayos.
Saglit kaming nagkatinginan at umalingawngaw ang katahimikan ng kapaligiran. Agad akong nag-iwas ng tingin at lumabas nang maalala ko ang sinabi ni Chanler sa akin.
Bumungad si Chanler katabi ang kaniyang big bike sa aming gate.
“G ka ba sa rides?” I blinked several times.
“Seryoso ka? Nanggugulantang ka naman masyado, Chanler Angelo.” I replied.
“You seemed so stressed recently, I think this will help.” He shrugged his shoulders.
“Magpapalit lang ako,” Sagot ko sakaniya.
“Bilisan mo,”
Patakbo akong umakyat sa itaas at nagpalit ng leather pants at sleeveless fitted white tshirt naman sa itaas bago ito pinatungan ng leather jacket.
Pagkababa ko’y nakita ko si Chanler katabi ang isang itim na kuting na kasalukuyan niyang pinapakain.
“Dala mo ‘yan?” Tanong ko rito.
“Nope, just saw her hiding in that bush earlier.” Itininuro nito ang bakanteng lote kalapit lamang ng aming bahay na may umpok ng damo sa gitna. “I just happened to carry treats with me all the time. Marami kasi akong nadadaanang ligaw na pusa kapag aalis ng bahay.” Napangiti ako sa sagot nito, Chanler being the big-hearted person as always.
YOU ARE READING
Punk Princess of West
RomanceFor Farrah's father, she is nothing more than just a punk princess; well at least, Punk Princess of West. Adamson-Voire #1 On going | Unedited