MD 035: WOE
Viper's POV
Kakaalis lang ng sasakyan nila Jayshin ng biglang may pumarada na namang sasakyan sa labas, pero instead na tao ang lumabas ay ang mga baril ang inilabas nito at agaran kaming pinaulanan ng bala.
Mabilis akong gumapang palapit kay Hasuka na siyang kasa-kasama ko at siyang may hawak ng baril na kanina ay nililinis ko at inihagis niya ito sa gawi ko. malapit ko ng mahawakan ito ng bigla na lang ay barilin ako ng isang lalaki sa may likuran, napatigil ako sa pag gapang lalo na ng bigla akong sipain nito na naging dahilan para sumuka ako ng dugo..Tumingin ako sa lalaking sumipa sakin at gayon na lang ang gulat ko ng mapag sino ko ito
"pa-paano mo nagawa saakin ito?"
tanung ko dito habang pilit na inaabot ang baril na kanina lang ay inihagis sakin ni Hasuka..
"People like you should rot in hell, i don't want to see you anymore, and i'm tired of all your drama, you are not the same Viper that i have known mula ng kupkupin mo ang batang iyon, and now is the right time for me to take my actions, lalo na ngayong alam na niya na isa ka sa pumatay sa mga magulang niya, sayang ka Viper, sayang"
Umiiling na sabi ng lalaking mas ikinagulat ko, naglalakad siya papalapit sakin at saka itinutok sa ulo ko ang baril na hawak niya..
"ahas ka!"
sigaw ko, hindi ko sukat akalain na ang isang katulad niya ang mag ta-traydor saakin, sa amin ng pinakamamahal kong anak na si Winter. Nakarinig ako ng putok ng baril bago tuluyang nagdilim ang paligid ko..
Xavier's POV
Hindi pa kami gaanong nakakalayo sa bahay na pinag tataguan ni Viper ng may matanaw akong isang Van na mabilis ang pagpapatakbo at kulang na lang ay mahampas nito ang sasakyan namin ni Jayshin. Tinitigan ko ang plate number ng van at nagtaka ako ng wala akong Makitang plate number na nakakabit dito kaya agad akong nagmaniobra pabalik ng bahay kung saan nagtatago si Viper. Malakas ang hinala ko na may hindi magandang nangayri.
"What are you doing?"
Tanung sakin ng naguguluhang si Jayshin, mula pa kanina ay tuliro na ito after nilang mag usap ni Viper, matagal tagal ding nag usap ang dalawa kaya alam kong importanteng bagay ang pinag usapan ng mga ito dahil hindi ugali nito ang makipag usap ng matagal sa isang tao lalo na kung hindi naman importante.
"We need to go back, may hindi atang magandang nangyari kay Viper at Mr. Hasuka"
Saad ko dito na nag paayos sa kaniya ng upo. Malayo pa lamang kami ay tanaw ko na ang halos mabutas na dingding ng bahay na tinutuluyan ni Viper, halatang pinaulanan ito ng bala.
Dali dali kaming umibis ng sasakyan ni Jayshin at sabay na bumunot ng baril. Dahan dahan kaming naglakad papalapit sa bahay, agad na sinipa ni Jayshin ang pinto and to our surprise isang hindi magandang tanawin ang aming nasaksihan.."Damn!"
Mura ni Jayshin at dali daling nilapitan nito ang katawan ng lalaking nakabulagta at naliligo sa sarili nitong dugo. Tadtad ng bala ang katawan nito mula ulo hanggang sa paa, dilat na dilat rin ang mga mata nito na ikinalumo ni Jayshin.
"Call my sister, now!"
Sigaw nito na agad ko namang sinunod, hindi namin inaasahan na magtatapos sa ganitong sitwasyon ang buhay ni Viper. Ang isa sa pinaka magaling na assassin ng mga Phoenix ay nalagutan ng hininga ng ganun ganun lang..
Nakailang ring ang cellphone ni Winter bago nito sinagot ang tawag ko."Hey, bumalik kayo ni Snow ngayon din, you need to see this."
Yun lang at ibinaba ko na ang aking tawag, nagikot pa ako sa bahay at inaasahan kong may isang katawan pa ang nakabulagta sa kung saang parte ng bahay pero wala akong nakita. Tanging ang katawan lang ni Viper ang nakita ko..
BINABASA MO ANG
Blood, Gun's and Bullet
Avventuramy family is just a history, they were killed and i survive.. . justice... family... subordinates... vengeance and trickery...