“Love is a game, wanna play?”
“Huh? What do you mean?” Tanong ko, naguguluhan.
“I want you. I want us.” He said.
“Naguguluhan pa rin ako.”
“Love is like a game. You need to take risks.”
“Love is never like a game, Rayzen. Hindi lang basta laro ang pagmamahal.”
“Love is a game. Hindi ko sinasabing basta lang laro ang pagmamahal. Hindi lahat ng laro ay nilalaro. Sineseryoso rin lalo na kung may kalaban ka. Love may be competitive, almost like a game. At sa laro, mapapamahal ka kasi hinahanap-hanap mo at nasanay ka.”
Hindi ako makapagsalita. Ano ang ibig-sabihin niya sa sineseryoso rin lalo na kung may kalaban ka? I don’t get it!
“Love is a game where hearts bet everything.” He added.
Naguguluhan ako!
“Parang pagmamahal lang ‘yan, matagal kung seseryosohin. Tayo ‘to, Chelseah. Mamahalin kita at mamahalin mo ako. Susugal ka at susugal ako.” He said. “You’re a gamer, so I’m sure you’d understand.”
I’m a gamer, yes! But I really don’t understand!
“May kalaban?” Nagtatakang tanong ko. Nandoon pa rin ‘yong utak ko sa sinabi niya kanina. Ang gulo, sobra!
“Yes. Marami,” seryosong usal niya.
“What do you mean?”
“Manhid ka, Seah…”
“What?! I’m not!”
“You are,” ngisi niya. “Hmm…what’s your answer?”
“What?”
“Love is a game, wanna play?”
“No. Hindi tayo maglalaro. Hindi kita paglalaruan.” Seryosong usal ko.
Napamaang siya sa sinabi ko. “Okay. Ganito na lang para mas maintindihan mo.” Tumingin siya ng diretso sa akin.
“What?”
“Can I court you?”
Hindi ako nakagalaw sa sinabi niya.
“I like you. Matagal na. At dahil nasa legal age ka na, I think I can court you, hmm? If that’s okay with you,” he said.
Matagal na?! Seryoso ba siya? E, mukhang ako nga ang naghahabol sa kaniya! Hilong-hilo na ako at hindi ko siya maintindihan! Gulong-gulo na ako!
“I think that’s enough, Mr. Valencia,” sabi ng emcee.
Akmang aalis na sana si Rayzen nang hatakin ko siya pabalik.
“Oh…mukhang ayaw pa ng celebrant natin. Ine-enjoy pa nila ang moment na ‘to. Give them a second.”
Tiningnan ko sa mata si Rayzen. Tiningnan niya rin ako, nanghahamon.
“Yes. I wanna play with you, Valencia.”
Natigilan siya at biglang nag-iwas ng tingin. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinarap sa akin.
“Okay, then,” aniya at tinitigan niya ako. Naglaro naman ang ngiti niya sa labi.
Hala, kinilig!
Nakita ko ang malaking ngiti niya sa labi habang paalis siya sa harap ko. At ako naman ay ngiting-ngiti rin at hindi maalis ang ngiti sa labi ko dahil sa nangyaring ‘yon.
Nang matapos ang 18 roses ay sumunod naman ang 18 candles.
Unang tinawag si Shin. Ang tagal niya rin pumunta sa harapan at mukhang napilitan siya dahil nahihiya siya.
