Chapter 18 : The Letter

523 10 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit ang saya saya ko kahapon , hindi ko alam pero lagi ko syang hinahanap , pag naaalala ko yung mga sinabi nya hindi ko mapigilang mapangiti kasi naman kahit pakipot ang Lola nyu syempre marunong din akong kiligin ..

Hayss hindi pa rin ako maka get over sa nangyare kahapon , alam mo yun , yun bang sa bawat kanto ng bahay sya yung nakikita ko , hayss tinamaan yata ako kay mokong hindi ko alam kong paano ko sasabihin sa kanya na pwede akong mag paligaw sa kanya ..

°°°°°° Edward POV°°°°°

Hindi pa rin ako makapaniwala sa natuklasan ko , hindi ko alam pero ang saya saya ko hawak ko yung sulat at diary ni bru , nabasa ko lahat ng secrets nya tungkol sa kin , nalaman ko din na wala pa syang boyfriend pinalabas nya lang yun dahil nahihiya syang sabihin sa kin na gusto nya ako ...

Alam ko natatakot lang si bru na masaktan na kahit alam nyang gusto nya ako mas pinipilit nya na lang na itagu parang ako din si bru , parehas naming tinagu ang nararamdaman namin kaya wala na akong makitang dahilan para hindi sya ligawan lalo na ngayun alam ko na na gusto nya ako , magiging madali na to para sa min ..

Paano ko ba nakuha yung letter at diary nya ?? Ganito kasi yan ..

.

^^^^^ FLASHBACK ^^^^^

After namin manuod ng sine dumiretsu kami sa restaurant para kumain ang totoo talaga nyan gusto ko lang talaga syang makasama ng matagal lalo na ngayun nasabi ko na kung anu ang nararamdaman ko kaya kahit alam kong naiilang sya sa mga nangyayare gusto ko pa din na maging kumportable sya pag ako ang kasama ..

Bakit ba kasi huli na ng makilala kita bru , hindi sana ako mahihirapan ng ganito , Ewan ko ba kung bakit sa dami dami ng babae dyan sayu pa ako nag kagusto , Ewan ko ba kung bakit ang saya saya ko pag nakikita kita , pag kausap ka , pag nakikita kitang napipikon dahil sa pang aasar ko sayu , I admit ngayun ko lang to naramdaman , ngayun lang ako na inlove ng sobra ..

"Hoy moks , thanks dito ha , dito mo pa talaga ako dinala , alam mo ba nahihiya na ko sayu " bru

"Meron ka pala nun ?? Haha okay lang yun sanay na ko sayu " biru ko

"Grabe ka talaga moks haha " bru

Pag tinitingnan ko sya hindi ko mapigilang mapangiti ewan ko ba kung bakit patay na patay ako sa kanya akala ko noon hanggang friend lang kami pero sadyang nag babagu talaga ang panahon , dati gusto ko lang syang pag tripan pero ngayun gusto ko na sya ...

"Bru , yung sinabi ko kanina wag mo na lang pansinin yun , alam ko naman na malabong mangyare yun " sabi ko

Tiningnan nya ako pero agad nya ding iniwas yung tingin nya..

"Ang drama ha ?? Hindi bagay moks , hindi ako sanay ng ganyan ka " bru

"Kung kinakailangan kong mag drama araw araw para paniwalaan mo yung sinasabi ko gagawin ko " sabi ko

"Weh di nga ?? Haha alam ko naman yun moks kaya hindi muna pwedeng i remind sa kin " bru

" bru , kung wala ka bang boyfriend mag papaligaw ka ba sa kin ?? " sabi ko

"Huh ?? " bru

"Ah .. Wala kalimutan mo na lang yun " sabi ko

Parehas kaming tumahimik at binalik ko na lang yung tingin sa pag kain , hayss bakit ba ang hirap ipilit ang ayaw , at bakit ba ang hirap gawing tama ang mali ..

"Hindi ko alam .. " tumingin ako sa kanya " siguro oo .. Siguro hindi ... Depende " bru

"Bakit depende ?? Hindi ka sure ?? Bakit ?? " sabi ko

My Freaking Girlfriend ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon