Excited na ko na makita si Moks , alam ko miss na miss na ko nun at panigurado kukulitin na naman ako ng kung anu anu , alam nyu naman si mokong hindi yun tatahimik hanggat hindi ako mag kukwento ..
Ang alam kasi ni Moks nasa bakasyun ako pero ang totoo malala na ang kalagayan ko , ayukong panghinaan ng loob gusto ko makita nya sa kin na masaya ako , ayuko munang isipin na may malalang sakit ako , alam ko darating ang araw na malalaman nya na may sakit ako , bahala na kung dumating man ang araw na yun , ang importante yung ngayun..
Inayus ko yung sarili ko , actually maaga akong nagising ngayun dahil gusto ko ng pumasok , ayukong mag mukmuk sa kwarto ko feeling ko kasi lumala ang sakit ko kapag sa bahay lang ako , dala ko naman ang mga gamot ko kapag inatake ako ..
Lumabas ako ng kwarto ko at nag umpisa na kong mag lakad palabas ng bahay , nagulat ako ng makita ako ni Mama kaya naman huminto ako sa pag lalakad .
"Isabel , san ka pupunta ?? Papasok ka ?? " Mama
Tumango ako
"Opo Ma , Papasok na ko " sabi ko
"Pero diba alam mo naman ang sitwasyun mo ?? " Mama
"Ma , kaya ko naman ang sarili ko eh , hindi ko kayang nag mumukmok sa kwarto ko , feeling ko kasi hihintayin ko na lang ang kamatayan ko Ma , wag kang mag alala kaya ko naman Ma eh ,saka dinala ko na yung mga gamot ko " sabi ko
Lumapit sya sa kin at hinawakan nya ko .
"Basta wag kang mag papagud ha , yung gamot mo wag kang mag papalipas ha , gusto mo ihatid na kita " Mama
"Ma hindi pa ako baldado kaya ko pa ang sarili ko " sabi ko
"Mag iingat ka anak ha " Mama
"Oo Ma , alam ko na yan , malakas pa ko " Sabi ko
Niyakap ako ni Mama at lumabas na ko ng gate , mag tataxi na lang ako maaga kasi ang pasok ni Moks kaya hindi nya ko na daanan , alam ko masyado na yung excited sa kin na makita ako , ako din naman eh excited na kong makita sya , alam nyu naman isang linggo din kaming hindi nagkita ..
Nasa school na ko , inabangan ko sya malapit sa may elevator mamaya pa kasi yung class ko kaya gusto ko muna syang makita , alam ko malulungkot yun kapag nalaman nya na may sakit ako , ayukong mag alala sya sa kin ..
Nakita ko syang nag lalakad sa hallway nakatingin sya sa may phone nya , siguro tatawagan nya ko , ni hindi nya pa nga ako nakikita kasi busy sya sa phone nya , habang nag lalakad sya pinag masdan ko sya , ganun pa din yung itsura nya , ang gwapo nya pa ring tingnan ..
"Moks ?? " sabi ko
Huminto sya sa pag lalakad at dahan dahan lumingon sa kin , kitang kita ko sa mga mata nya yung sobrang miss nya ko
"Bru ?? " gulat nyang sabi
Agad syang lumapit sa kin at niyakap nya ko ng mahigpit , niyakap ko din sya , alam mo yung moment na parang tumigil ang mundo naming dalawa , hindi ako makagalaw kung hindi ang yakapin sya ..
Humiwalay kami mula sa pag kakayakap .
"I miss you Bru" nakangiting sabi ni Moks
Ngumiti ako
"Ako din eh. Nakakamiss ka " Sabi ko
Niyakap nya ulit ako , sobrang miss na miss namin ang isat isa ..
"Akala ko hindi na kita makikita eh " Moks
"Bakit gusto mo ba na hindi na ko makita ?? " biru ko pero ang totoo bigla na lang nalungkot ako pero hindi ko pinahalata sa kanya
BINABASA MO ANG
My Freaking Girlfriend ( Complete )
Lãng mạn" Hindi kita iiwan dahil hindi ko kaya kapag nawala ka , lagi mong tatandaan na ikaw ang dahilan kung bakit nag mamahal ako " - Moks Hanggang san ang kaya mong gawin para sa pag mamahal ?? Paano kung wala ng dahilan ang lahat ?? Hanggang kailan mo...