Nagising ako sa isang hindi ko alam kung san ako , wala akong maalala kung bat ako nasa lugar na to , basta ang natandaan ko lang nag uusap kami ni Moks at hindi ko na alam kung anu na yung mga sumunod na nangyare ..
Inikot ko yung mga mata ko at nakita ko si ..
Nakita ko si Mama , gaya ng dati umiiyak na naman sya , pinag alala ko na naman sya ..
"Mama ?? " tawag ko
Nagulat sya ng tinawag ko sya , hindi nya maikubli ang sakit na nararamdaman nya , tinitingnan ko lang sya habang lumalapit sya sa kin .
"Mama anung nangyare ?? " malungkot kung sabi
Pinunas nya yung luha nya at umupo sa tabi ko , hinawakan nya ang noo ko at nakita ko na naman na tumulo ang mga luha nya , alam ko sa mga luha , hindi maganda ang nangyare ..
"Nawalan ka ng malay sabi ni Edward, buti na lang anak , nadala ka agad dito " Mama
"Asan si Edward Ma ??? Alam na ba nya na may cancer ako ??? " sabi ko
Tumango si Mama
"Oo anak , alam na nya kung anu ang nararamdaman mo " Mama
Iniwas ko yung tingin ko at tumingin ako sa kawalan .
"Galit ba sya sa kin Ma ??? " sabi ko
Pinipigil ko yung luha ko , ayukong ipakita kay Mama na nahihirapan na ko ..
"Hindi na anak, hindi sya galit sayu " Mama
"Kasalanan ko to eh , kasalanan ko kung bakit nangyare to " sabi ko
"Isabel , anak , wag na wag mong sisihin ang sarili mo , dahil kahit kami ay nahihirapan din sa nangyare sayu , kaya wag na wag mong sisihin ang sarili mo anak " hinawakan ni Mama yung mukha ko at tuluyan ng dumaloy ang mga luha ko , ramdam na ramdam ko ang sakit na pinag daanan namin ..
"Mama , I'm sorry kung labis kayung nag aalala sa kin , I'm sorry " sabi ko
Hindi ko na mapigilang umiyak ng umiyak , hindi ako makagalaw basta ang umiyak ng umiyak , nanginginig ako wala akong magawa kung hindi ang umiyak ..
Bumukas yung pinto at nakita ko sya ..
Nakita ko si Moks , hindi ko alam pero parang tumigil ang mundo ng mga oras na yun, nakatingin lang ako sa kanya habang nag lalakad sya palapit sa kin, kitang kita ko sa mga mata nya ang labis na pag aalala , at nakikita ko din na may bakas ng mga luha sa mukha nya , lalo kung hinigpitan yung pag kakahawak ko kay mama , hindi ko alam kung anung gagawin ko , naaawa ako sa kanya lalo na pag nakikita ko syang ganyan ang itsura ..
"Mabuti pa maiwan ko muna kayu" Mama
Tumango na lang ako at tumayo na si Mama , lumabas na si Mama at naiwan kaming dalawa , nakatingin kami sa isat isa , walang gustong mag salita , hanggang sa naramdaman ko na lang na tumulo na pala ang mga luha ko ..
"Bakit hindi mo sinabi ?? " Moks
Ramdam na ramdam ko sa boses nya ang emosyun , hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya.
"Moks kasi ... " pinutol nya yung sasabihin ko
"Dahil anu ??? Dahil wala akong karapatan na malaman ang totoo ganun ba ?? Akala ko ba hindi tayu mag lilihim sa isat isa pero bakit hindi mo sinabi ?? " Moks
"Dahil ayukong makita kang nalulungkot at mag aalala dahil sa kin Moks " sabi ko
Hindi pa rin tumitigil ang luha ko , umiwas sya ng tingin sa kin ..
"Sana sinabi mo sa kin para maalagaan kita , tapos anu , paano na lang kung hindi ko pa nalaman , baka isang araw wala ka na pala " Moks
"Patawarin mo ko Moks , sasabihin ko naman talaga sayu eh " sabi ko
Tumingin sya sa kin at nakita ko syang umiiyak kaya lalo akong napaiyak .
"Please wag kang umiyak , kaya ko pa naman eh " sabi ko
"Hindi mo alam kung gaano kahirap tong nararamdaman ko ngayun bru , ang sakit sakit, na yung taong dahilan kung bat ako masaya ay sya rin ---- " hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil ..
Dahil bigla na naman sumakit ang ulo ko , namimilipit ako sa sobrang sakit. Naramdaman ko na hinawakan nya ko sa mga kamay .
"Bru , wag kang susuko. Wag mo kong iwan, hindi ko kaya pag nawala ka " Moks
"Moks , hindi na ata ako mag tatagal , siguro mas makakabuti kung lalayuan mo na lang ako " sabi ko
Lalo nyang hinigpitan ang pag kakahawak sa kamay ko .
"Hindi kita iiwan Bru. Kaya lumaban ka para sa kin " Moks
"Moks , I'm sorry " sabi ko
Pareho na kaming umiiyak ngayun , punong puno ng emosyun ang kwarto ..
"You don't need to say that ... I understand bru , naiintindihan kita " Moks
"Pasensya ka na ha , kung baka isang araw ----" pinutol nya ang sasabihin ko
"Wag kang mag salita ng ganyan , may awa ang diyos Bru " Moks
Damang dama ko sa boses nya ang lungkot at sakit na nararamdaman nya , ngayun ko lang sya nakitang umiyak sa harap ko , hinigpitan nya pa lalo ang pag kakahawak nya sa kamay ko , nakatingin lang sya sa kin habang umiiyak sya ..
"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita Moks , salamat sa lahat " sabi ko
Naiiyak pa rin ako .
"Bru , please lumaban ka , kaya mo pa diba ?? " Moks
Hinawakan ko yung mukha nya , nakatingin lang ako sa kanya habang nakikita ko syang umiiyak , ang hirap hirap , wala kaming magawa kung hindi ang umiyak na lang ..
Sa pag ibig talaga , hindi mo alam kung para ba kayu sa isat isa o hindi , ang hirap tanggapin ang katutuhanan , kung sino pa yung nasa perfect relation kayu, dadarating at darating ang panahon na may sisira para hindi maging masaya hanggang sa huli .
Ang hirap isipin na akala ko makakasama ko sya hanggang sa huli pero hindi pala , lalo na ngayun sa kalagayan ko , alam ko hindi na ko mag tatagal , at darating ang araw na iiwan ko na si Moks sana madali nyang matanggap ang lahat ..
Akala ko malakas kami pero hindi pala, nag babagu ang lahat dahil ang hirap tanggapin ng katutuhanang mawawala na ko , sana pag dating ng araw makahanap sya ng makakasama habang buhay .
Masaya ako dahil kahit sa maiksing panahon nakasama ko si Moks ,nakilala ko yung lalaking umipal ng buhay ko , kung anu man ang mangyare ngayun o sa susunod na araw , nakahanda ko , alam ko mahirap pero yun ang kapalaran ko ..
Bumukas yung pinto at nakita ko si Mama kasama yung doctor hindi pa rin ako binibitawan ni Moks , kitang kita ko sa mga mata ni Mama na umiiyak sya , masyado na kaming emosyunal ngayun , tumayo si Moks at nilapitan ang doctor .
"Doc , please gawin nyu lahat ng makakaya nyu , please " Moks
Para syang bata na nag mamakaawa sa doctor habang ako hindi pa rin tumitigil sa pag iyak ..
"Gusto ko na kayung deretsuhin, hindi na umiepikto ang gamot na iniinum ni Isabel , I'm sorry , pero hindi na sya magtatagal " Doc
Lalong bumuhos ang mga luha sa loob ng kwarto , at lalo na ko , umiyak ako ng umiyak , lalo na pag nakikita ko yung mga taong nag mamahal sa kin na iiwan ko..
Nakita ko si Moks , na umiiyak , lalong lalo na si Mama ang hirap na makita silang nag hihirap dahil sa kin , nakita ko si Moks na nag lakad palapit sa kin at hinawakan nya ko .
"Wag kang panghinaan ng loob , diba lalaban ka para sa kin ?? Diba pupunta pa tayu ng America dahil yun ang pangarap mo diba ?? " tumango lang ako , ni hindi ko magawang mag salita , umiiyak lang ako "Mahal na mahal kita Bru wag mo kong iiwan ha ?? Wag kang bibitaw " Moks
Hindi ko alam kung anung isasagot ko sa kanya , hindi ako makapag salita , ang hirap hirap , lalo akong nahihirapan dahil sa kanila , ang hirap hirap ..
BINABASA MO ANG
My Freaking Girlfriend ( Complete )
Romance" Hindi kita iiwan dahil hindi ko kaya kapag nawala ka , lagi mong tatandaan na ikaw ang dahilan kung bakit nag mamahal ako " - Moks Hanggang san ang kaya mong gawin para sa pag mamahal ?? Paano kung wala ng dahilan ang lahat ?? Hanggang kailan mo...