Ngayung gabi ang hinihintay namin ni Mokong, ito kasi yung gabi kung san makikilala ng parents ko ang parents nya , excited ako na kinakabahan , alam nyu naman ako . Actually na met ko na yung mom ni Moks , remember yung one time na na suspend kami , hindi ko naman alam na andun pala sila ..
Excited na ko sa mga mangyayare mamaya , actually suot suot ko na yung damit na pinili ni Edward sa kin , masyado ngang mahal pero sya yung nag bayad bagay daw kasi sa kin, wala na kong mahihiling pa lahat na ng katangian na hinahanap ko nasa kanya na lahat , masaya ako kapag kasama ko sya ..
Akala ko dati hinding hindi ako iibig sa kanya , tama pala yung kasabihan na "Wag mag sasalita ng tapos " , ganun daw kasi pag mahal mo ang isang tao , minsan pa nga wala sa qualification yung hinahanap mo pero dun ka pa nahuhulog ..
.
°°°°° Edward POV°°°°°
Excited na si Mama na makita ulit si Bru , alam nyu naman nung last time na nagkita sila close agad , kaya nga excited syang umuwi nung sinabi ko , syempre kasama nya din si Papa , thankful nga ako kasi sa sobrang busy nila sa work nagawa pa nilang isingit yung sa min ni Bru .
"Ayan Eddie lalo kang gwumapo dyan " Mama
Inaayus kasi ni Mama yung necktie ni Papa , nakangiti lang ako habang pinag mamasdan ko sila ..
"Ginagawa mo naman akong baby eh " Papa
"Asus kunyare kapa " tumingin sa kin si Mama " Baby anu hindi pa ba tayu aalis ??? " Mama
"Mama naman hanggang ngayun baby parin tawag mo sa kin " Sabi ko
"Oo nga naman ma , bakit binibaby mo pa yang anak mo " Papa
"Sige mag kampihan kayu " Mama
Tumawa kami ni Papa , si Mama naman napatawa na lang , nilagay ni Papa yung kamay nya sa balikat ni Mama ..
"Tara na nga baka nag aantay na yun si Isabel , alam nyu naman namimiss ko na yung batang yun " Mama
Si mama talaga napaka funny nya talaga kahit kailan , sumakay na kami sa sasakyan , syempre ako ang driver , napapangiti na lang ako kasi naman si Mama hindi pa rin nag sasawa sa kakasalita ..
"Kumusta na pala si Isabel Baby , I'm sure miss na miss na ko nun " Mama
"Naku Ma , sinabi mo pa ,lagi ka ngang hinahanap eh " sabi ko
"Na iintriga tuloy ako kaya gusto ko tuloy makilala yang girlfriend mo " Papa
"I'm sure Eddie super funny sya " Mama
"Ma , naman ginawa mo pang clown si Bru eh " sabi ko
Ganito sila ka excited na makita at ma meet yung parents ni Bru , feeling ko nga mas excited pa sila sa kin kasi naman, Ewan basta ang alam ko lang masaya ako dahil gusto nila si Bru para sa kin .
"Alam mo , sabi ko naman sayu wag mo na syang pakawalan eh kasi pag pinakawalan mo sya ikaw din ang mahihirapan " Mama
"Yah tama kayu dyan Ma " sabi ko
"Honey naman , alam na ni Edward kung anu ang tama at hindi tama " Papa
Kinurot ni Mama si Papa
"Nag sasabi lang po " Mama
Kahit kailan talaga sila parang mga bata , kahit ang daming negosyo na pinapatakbo hindi pa rin sila nawawalan ng oras sa isat isa , napapangiti na lang ako habang pinag mamasdan ko sila ..
"Kaya ikaw Edward wag na wag mo syang lulukuhin gumaya ka sa Papa mo " Mama
"Ma , kayu talaga , hindi ko lulukuhin si Bru , sya lang at wala ng iba " Sabi ko
BINABASA MO ANG
My Freaking Girlfriend ( Complete )
Romance" Hindi kita iiwan dahil hindi ko kaya kapag nawala ka , lagi mong tatandaan na ikaw ang dahilan kung bakit nag mamahal ako " - Moks Hanggang san ang kaya mong gawin para sa pag mamahal ?? Paano kung wala ng dahilan ang lahat ?? Hanggang kailan mo...