Chapter 36 : His Sorry

438 6 0
                                    

Hanggang kailan ako mag kukunwari na kaya ko , na kaya ko hindi sya makita , nahihirapan ako sa tuwing nakikita ko sya tapos iniiwasan ko lang sya , hindi ko alam , ayukong masira sa kung anung meron kami , dahil sabi nila mama hindi na ko makakahanap pa ng kagaya ni Moks ..

Lagi akong pinapalakas ni mama na wag kong isuko si mokong dahil kaya siguro nagawa yun ni mokong dahil siguro may dahilan, pero sa ngayun gusto ko munang mapag isa at mapag isip ,ayuko naman habang buhay na ganito , sa totoo lang gustong gusto ko syang kausapin , sa bawat gabi na dumadaan sya dito pero ni minsan hindi ko man lang sya kinausap , napaka unfair ko ..

Dali dali akong sumakay ng elevator , tapos na kasi yung class ko kaya uuwi na ko , wala naman akong pupuntahan ,nasa ground floor na ko, pag bukas na pag bukas ng elevator mukha nya ang una kong nakita , nag kasalubong yung mga mata namin , alam mo yung parang tumigil yung mga oras at lalong lumakas ang tibok ng puso ko ..

Pero agad kong iniwas yung tingin ko sa kanya at nag mamadali akong mag lakad para sumakay ng taxi ..

"Bru sandali " hindi ko sya pinansin " bru " binilisan ko yung pag lalakad ko pero ramdam ko na hinahabol nya ko " sandali bru please " nahawakan nya ko kaya naman huminto ako pero hindi pa ko lumingon sa kanya " kausapin mo naman ako " Moks

Tinanggal ko yung kamay nya ..

"Bitawan mo ko " sabi ko

Humarap ako sa kanya , ang laki ng pinagbagu ni mokong , ngayun ko lang ulit sya nakita ng malapit , ang payat nya ngayun, malalim yung mata halatang hindi natutulog dahil may eye bug sya ..

"Kausapin mo naman ako bru " Moks

"Hindi ko alam kung kaya ko pang pakinggan ka Moks , after all that you done for me , your such a liar " sabi ko

"Please , bigyan mo naman ako ng chance na ipaliwanag sayu kong bakit ko yun ginawa " Moks

"Para san pa Moks ?? Para san pa ?? Para paasahin ako ?? Para paikutin ako ?? Para anu huh ?? Para anu " sabi ko

Kitang kita ko sa mukha nya kung gaano sya nahihirapan ngayun

"I'm sorry bru. Im sorry kung nilihim ko sayu ang totoo " Moks

"Hindi ako interesado na makinig sa sasabihin mo " sabi ko

"Hahayaan mo na lang ba na mawala ang lahat dahil lang dun, bru mahal na mahal kita hindi ko alam kung kaya ko pang mabuhay pag nawala ka" Moks

Tiningnan ko sya , kitang kita ko sa mga mata nya kung gaano sya ka seryuso sa ginawa gawa nya ..

"Hindi ko alam " sabi ko

Tumalikod na ko at nag umpisa na kong mag lakad ..

"Kung iiwan mo lang din naman pala ako sabihin mo na para alam ko kung kaya mo pa akong mahalin , bru , my freaking girlfriend sinusuko mo na ba ako ?? Ganun na lang ba yun " Moks

Hindi ako huminto sa pag lalakad , naririnig ko yun habang nag lalakad ako , pumasok na ko sa taxi , lumingon ako sa kanya at nakita ko na ang lungkot ng mukha nya ..

I'm sorry Moks , kahit ako nasasaktan din sa ginagawa ko , kung alam mo lang kung gaano kita namimiss, kung alam mo lang kung gaano kita gustong yakapin , pero Moks hindi pa ko handa sa ngayun ..

Habang nasa sasakyan ako iniisip ko pa rin yung itsura , iniisip ko kung kumakain pa ba sya , kung natutulog pa ba sya ,naaawa ako sa kanya , gusto ko syang kausapin ng maayus pero hindi ko alam kung paano ko ibabalik yung dati , yung dating kami .

Nasa may garden ako ngayun , nag iisip ako habang nakatingin sa juice na na ka patong sa mesa , hindi ko alam pero si mokong lang naman ang iniisip ko .

My Freaking Girlfriend ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon