KABANATA 12

433 3 0
                                        

"If I win, edi panalo. Swerte nila ako nanalo, ganon." Nabatukan ako ng trainer ko at nasa vacant room kami ngayon, kakatapos lang makuha vitals ko, and yes nakawala na ako kay Olivia, finally. Hindi na s'ya nakakapag backout sa pageant kaya tawang-tawa ako sa kagagahan n'ya.

Napaka bipolar, paiba-iba ng desisyon sa buhay.

"Jeana naman, hindi ganda. I am teching you papaano iembrace ang confidence!" I rolled my eyes at niyakap si Miss Nica.

"Ayan niyakap na kita kasi nasa iyo ang confidence na sinasabi mo." Taas baba ang kilay ko at nakurot na ako sa tagiliran, mukhang inis na s'ya sa kagagahan ko.

Kasi naman, nakakapagod manakbo at iwasan si Olivia, wala nga kami activities para sa preparation ng foundation day, pero ito naman ako. Yung partner ko naman ay nasa kabilang room.

"Jeana isa pa, sinasabi ko sa iyo hahampasin na kita ng bangko!" I raised my hand as a sign of defeat at nakinig na ako papaano lumakad, umikot, umawra at yakapin nga raw ang confidence.

Papaano gaganda ang performance ko, ang aga ako ginago ngayon. Pero nakikinig naman na ako kay Miss Nica ngayon, habang ang taas ng heels na pinasuot sa ajkin, hindi naman ako natatapilok pero nakakatakot matapilok, ankle injury instant.

"Jeana, remember that you need to own the whole stage, mula umpisa hanggang dulo ng pageant, okay?" Tumango ako habang naglalakad ulit sa harap ng salamin at seryoso naako, gusto ko na kasi umiwi at magpahinga.

May hangover pa ako sa kagabi, at iniiwasan ko na magkatagpo kami ni Rafriel, he is acting like a creepy stalker, hinahanap ako sa buong campus tapos ng kagaguhan na ginawa n'ya sa akin kagabi, ano s'ya hilo para patawarin ko?

Hindi ko pa nakakalimutan ginawa nilang mag-kuya sa akin, mga lason sila sa buhay ko, pero kung si Rafaello naman kasi sisira sa buhay ko, payag na payag ako at mabilis ako kausap.

Pero hindi, walang ganon! Magsama sila ng panget na fiancé n'ya.

But if I have a choice, gusto ko ulit makasama si Rafaello, tapos mawala na sa landas ko si Rafriel na walang iba na ginawa sa buhay ko, kung hindi isabotahe ako at guluhin ang buhay ko lalo na kapag nag-sstart na akong mag-enjoy.

"Can I have my break now?" I asked my trainer and she just nod, sumenyas na lumayas na ako at busy s'ya sa pag-ccheck ng phone n'ya ngayon.

"Ah, I remember, Jeana. Stop eating unhealthy food, and avoid drinking alcohol for the meantime, bago mag-start ang competition, okay?" she explained and I nod before leaving the room.

Naglalakad ako, papunta sa canteen, kaso nakakita ako ng stalls sa open field, kaya I decided to buy my drinks there.

"Jeana!" I waved my hand to Ana, bantay sa stall ng cluster namin, ng section namin at lumapit ako sa kanya.

"Ang ganda naman ng bantay sa stall, ang sasarap pa ng mga binebenta, magkano ka po?" I joked and Ana giggled, umawra at umikot ikot.

"Libre na ako, basta ikaw," nagtawanan kami at yung iba naming kaklase na natatawa sa kabaliwan naming dalawa ni Ana.

Kahit ako natatawa sa pinag gagawa naming dalawa, pero pinag timpla na ako ng order ko, at naka mata kami sa ibang stalls.

"Ikaw ha, bff na pala kayo ni Olivia," Ana joked and I rolled my eyes.

"Habulin ako ng siraulo, alam mo naman yan." Tinanggap ko ang order ko na drinks, at ininom agad, nakakauhaw pala mag-practice, after nito hindi na kao talaga uulit, at nawawalan ako ng oras para sa sarili ko.

"She is my running mate now, Olivia is my vice president, after n'ya lang marinig yung saloobin ko about running for the president seat, hinayaan ko na, bahala na kung ano man ang manyare, basta ang mahalaga, matapos na ito." I sip the drink at may tinuro si Ana sa akin, and it's Rafriel.

Dirty and RawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon