KABANATA 26

66 2 0
                                        


‎Papa and Mama decided to flew my brother at USA, dahil mas malaki ang chance na makarecover sila Kuya roon, and my niece will be under the care of my sister in law's family.

‎Alagaan naman namin si Therese every weekend, it's just Simon and I are busy at managing the corporation for weekdays, at ngayon ay kakatapos ko lang pirmahan ang mga budget for welcoming the new set of board members.

‎All of them are carefully picked by me and my brother Simon.

‎Salampak ang pagkakaupo ko sa sahig ng living room ng bahay namin, habang may brandy sa tabi at hindi pa rin ako matapos sa pagre-review ng mga bagong submit sa akin na reports.

Minsan may trust issue na ako sa accounting ng corporation, kaya manual ko na tinignan at pinag-ccompare.

I dialed the phone number at inantay na sagutin iyon, I know that it's 12 midnight pero hindi ako mapakali.

"Marina, who is this Catherina na nag-send ayos ng breakdown ng partner companies natin?" I said matapos sagutin ng head ng accounting.

"Miss Lopez, I heard that Mr. Derrel, our partner fired the Catherina na nag-ayos ng breakdown." Napakamot ako sa hindi makati, at huminga ng malalim.

"Alright, just send the complete breakdown from Derrel's end, sent it to my secretary tomorrow, and double check the highlights that I modified, and I will send right now the one na binago ko and nachecked ko na." Binaba ko na agad ang tawag, at napasandal na lang ako sa sofa.

Kaya ayoko makisali noon sa business, si Mama ang pinaka malakas sa ganito. But she is busy with my brother now.

Labag sa kalooban ko na nag-compose ng message sa email ni Marina na head ng accounting, at matapos ko isend ang file, inubos ko ang laman ng baso ko.

Nagbihis ako, at napili ang red low cut fitted lace dress ko, backless din ito at ang black stilettos ko, bago dinampot ang purse at susi ng kotse ko.

I need to unwind, at take a while to breathe. Sabado naman bukas, kaya wala ako pasok, bukod sa iccheck ko lang ang venue sa hotel dahil next week na ang welcome party.

"Manang, aalis po muna ako." Nasa likod ko ang caretaker ng bahay namin, at sakto naming pasok ng kotse ng kapatid ko, he looks tired and exhausted ng lumabas sa kotse, pero ng makita ako, tumaas agad ang kilay ni Simon sa akin.

"Parang lalandi ka sa itsura mo." Simon says at inismiran ko ito.

"Aalis ako, sasama ka ba?" I asked him, at umiling si Simon sa akin.

"I just want to sleep now, and tomorrow. Para sa lunes may energy ako makipag usap sa mga investors na ang hirap paliwanagan, enjoy and mag-sama ka ng driver please." Nilagpasan ako ni Simon, at ngumiti si manong sa akin.

Inabot ko ang susi at sumakay naman na ako sa backseat.

"Manong, xyprus po." I wear my seatbelt, at sumandal. I am checking my phone, punong puno ng messages, yung mga kaibigan ko sa USA ay nagssend pa rin ng messages sa akin, at after almost three weeks, saka lang ako nag-reply na sa kanila na umiwi ako.

I had no energy to explain these past few days, lalo na at nasa tight situation ang pamilya namin, ngayon nakakapag adjust na ako kahit papaano.

Tumigil na kami ni manong sa parking ng xyrus, at inalis ko ang seatbelt ko. "Manong, tatawagan po kita, you can have a stroll if you want, just don't let your phone in silent." Tumango si manong sa akin, at lumabas naman na ako.

Sa VIP ako dumaan, ayoko pumila.

Ang haba ng pila kasi alas dose na ng gabi, at pagkapasok ko ay ang lilikot ng ilaw sa loob, ang daming tao sa dance floor, kaya lumakad ako papunta sa bar spot. Wala masyado tao, I take a seat at the high stool bar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Jun 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dirty and RawMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon