"Jeana, bibigyan kita sampung libo." Mabilis ko nilingon si Olivia at ngumiti sa kanya.
"Weh?" Inismiran ako ng gaga at napakamot sa buhok n'ya, kamot na parang may kuto.
"Girl, kanina pa ako nag-papaliwanag nakatulala ka sa tabi, nag-pphoto shoot tayo ano ka ba?" ako naman ako napakamot sa batok ko at tumango, showing my awkward smile.
"Sorry, I am a bit hazy." Dinampot ko ang ID lace ko, kasi kami unang ippicture, bago ang mga damit. Sinabay na namin ang photoshoot para sa banner naming dalawa at ang sa business namin ni Simon.
"Let me fix your bangs, para kang si dora sa sobrang perfect girl." Hinawi ko ng bahagya at pumunta kami sa white wall, magkatalikod kami.
"Oli, smile bigger, huwag mo pigilan. Smile like you already won the election." Sabi ng photographer ng publication sa campus, it's Ter and it took 5 shots, bago kami natapos agad, kasi naipicture na ang ibang kasama namin sa partylist na hindi naman ganoong importante.
Ngayon, lumipat na kami sa actual location, at baon ko ang damit, make-ups at ilaw para sa location kung saan kami mag-sshoot.
"This is paired with my palda, right?" tumango ako habang pinapanood si Simon na mag-drive. Isang pick-up lang kami papunta sa abandoned factory.
Andoon na kasi ibang models, at tinapos lang kami na ipicture.
Kinakabahan ako, nanlalamig kamay ko habang papasok kami sa location, at maganda nga ang lightings dito, extra na lang ang ilaw na dala namin.
Rafaello was standing there, with the basketball team and women's volleyball team.
"Sorry, matagal ba kami?" I asked them pagkababa na pagkababa ko at nginitian lang nila ako, inabot ang kape at iba pang refreshments.
They helped me to set up, at inuna ko na ayusan ang mga lalake, kasi basic lang naman make-up nila, at sila ang unang kukuhaan.
Olivia is a great help this past few days, aside sa kinukulit ako as her running mate, si Ana ay kasama ko rin na mag-makeup.
They are not getting well, pero casual lang sila.
"Jeana, may extra ka pang spray net?" Ana asked at tinuro ko yung malaking make-up bag ko.
Olivia also helped me to sell those items na hindi namin ginagamit, kaya namaximize ko ang budget namin at hindi nagalaw ibang portion, kasama pa share ni Rafriel.
"Olivia, ako na mag-aayos ng make-up n'yo ni Ana," saad ko at tumango si Olivia habang sabay na tumayo ang inaayusan naming dalawa.
"I didn't know that you're having a rough time right now, but I know that you can do it." Napatawa ako at napaismid.
"Kinaya ko ngang ibenta isang sako na mais na dala ni Rafriel." Sumingit si Ana at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Teh hindi ko alam na sa sobrang ganda mo, para kang na-dog show sa isang sako ng mais." Nagtawanan sila Olivia at Ana sa pang-tatarantado sa akin na parang wala ako sa harap nila.
"Lagyan ko ink mata n'yo gago kayo ah, mag-palit na kayong damit!" asik ko at nag-tanggal sila shirt, as what I instructed sa babae, na sports bra ang isuot para hindi na kailangan ng changing room.
Si Olivia una kong inayusan, she is pretty. Ginaya ko ang make-up concept ni Maddy para sa aming tatlo, ibang style kasi sa women's volleyball team, at sporty style ang make-up nila.
Saglit ko lang tinapos yung details at buhok ni Olivia. At si Ana ay alam naman ang style, kaya yung naumpisahan n'ya ay ako na ang tumapos.
I just add big sharp eye liner, adding some glitters and lipgloss. Shalaboom, ang darap at ganda ko.
Akala ko okay na lightings, pero mas nilagyan pa ng ilaw, sobrang nakakasilaw kaya nag-adjust muna ako sa Liwanag, ang bilis ng process ng pictorial ng solo.
"Jeana, huwag ka tumingin sa ilaw, isang tingin lang sa lens, the rest act like you're being watched." Tumango ako at nag-thumbs up.
I did what he instructed, lumakad ako ng bahagya, kumilos at making some pose, at ako ang pinakamatagal na kinuhaan, nakakakaba. Ang dull kaya ng photos ko, poses ko kaya ako ang pinaka matagal?
Nag-dalawahan na per frame hanggang sa matapos na namin ang mga magkakasama sa series, padapithapon na at nag-ayos na kami ng gamit.
"Sobrang nakakapagod, tapos may pasok pa bukas." I lift the folding chair, at sumakay sa likod ng pick-up ni Simon. Sumama naman si Olivia at Ana sa akin sa likod.
"Kain tayo sa labas." I said, at nagkasunod na mag-pizza para sa success ng photoshoot namin.
"Jeana, look at your poses." Apat na kami sa likod at nag-send naman na si Olivia ng instruction na sa pizza store na lang magkita at kakain.
"Ter, ako kinakabahan ang tagal ng akin, panget ba poses ko?" I asked at tinignan ko ang pictures ko, my mouth dropped, as in.
They look amazing, wala pang edit at raw pa lang.
"Wow, I look different there, and wow as in ang galing mo." Inalog-alog ko si Ter at tinignan pa namin ang ibang takes, lahat magaganda at naemphasize ang designs ko, they all look great. Kahit ako na bumili, gusto ko bumili.
"Worth it bayad ko sa models, ahhh!" sigaw ko at nag-didiwang ako sa likod.
I am really busy kanina kasi, kaya hindi ko napanood anong nangyayare sa shoot, since Simon was there naman na, inayusan ko pa nga kahit wala namang iaayos na at napaka panget n'ya pa rin.
Napatigil ako sa pag-didiwang ng makita picture ni Rafriel.
Para s'yang model ng Calvin Klein, he was leaning at the wall, kita ang v-line n'ya at the angle is emphasizing his sharp jaw and features.
"Wow, Rafaello looks great here. Naiiba ang vibe sa kanya because of the exposure of his v-line." Saad ko at pinindot ni Ter ang next, may shoot na ganito sa boys?
"And the girls," she said at ang sexy ng volleyball team, ang masculine nila tignan pero ang gaganda.
"Anong ginawa mo sa models ko, wow." Naiiyak ako at hindi namalayang nasa pizza house na kami. Naunang bumaba sila at naiwan ako, kinuha ko pa ang handbag ko, but a big hand was there, and when I look who owns that hand, it's Rafaello.
Pero hindi ko natanggap ang kamay n'ya, binuhat ako na parang bata pababa sa likod ng pick up at binaba, as if I am like a feather.
"You work really hard today, so proud of you." I don't know why, but my eyes began to close.
Sunod-sunod ang patak ng luha ko, and I don't want other people see me cry, kaya yumakap ako kay Rafriel.
Why it sounds so good, na may nakakapansin ng hirap at pagod ko?
I didn't know that I am tired, I just keep going because I have to.
"It's nice, someone see my hard work, thank you Rafriel." I wiped my tears and smile weakly.
"You did well, let us work for the rest, but for now. Learn how to rest, okay?" tumango ako at marahan n'yang pinahid ang luha ko, but at my peripheral view, I saw Rafaello and he is watching us.
Is that really him?
