KABANATA 20

238 6 4
                                        

The whole living room is a mess. Nagkalat ang mga bote ng alak, at ang dumi ng sahig, hindi ko pa nakikita si Rafriel, pero inimis ko muna ang kalat at nag-walis, binuksan ko ang kurtina at hanggang sa kusina ay inimis ko.

Ang mga damit sa sahig ay inimis ko, dinala ko sa laundry area.

I finally gather all of my courage, and open the door of his room. Mas makalat sa kwarto ni Rafriel dahil sa mga damit at bote ng alak sa sahig, ilang araw lang ang lumipas matapos ako pagtulungan at masugod ni Lianne, pero ganito agad kamiserable si Rafriel.

I open the aircon, at saka nag-umpisa dalhin lahat ng damit sa laundry basket, at nilabas para maisalang ang mga damit sa washing n'ya, at nag-walis ako, mop at hugas ng plato.

Naging mukha na bahay na, kanina kasi parang basurahan sa kalat ng buong unit ni Rafriel.

I finally decide to cook some food, may sabaw na ang hinanda ko at nag-saing na ako ng kanin. Late na, at siguro iiwanan ko na lang si Rafriel matapos ko sa niluluto ko, bukas ko na lang s'ya babalikan, or kung hindi man kaya pa bukas, icchat ko na lang si Rafriel.

Kumukulo na ang sabaw at nilagay ko na ang pork, at tinakpan ang sinigang na niluluto ko.

I took a deep breath, at humipak sa disposable vape na dala ko.

Nakakaawa ang sitwasyon ni Rafriel, but he is a great man, pero kailangan ko na nga talagang umalis sa pinas, lalo na ang ang gulo ni Rafaello, and I hope na mapanindigan ni Rafaello ang anak n'ya kay Lianne.

I don't want to be a reason bakit may pamilya na hindi kumpleto.

Bumukas ang pinto ng kwarto ni Rafriel, and he look horrible. Half naked, tangging grey sweat pants lang ang suot at lumakad papunta sa ref, kumuha ng tubig. Hindi ko alam kung hindi n'ya ba ako napansin, or hindi n'ya talaga ako pinapansin ngayon.

Rafriel took a deep breath ng tignan ako, at napailing, tinalikuran ako at lumakad pabalik sa kwarto n'ya.

Nagtaka ako, nagulat at hindi makapaniwala na hindi n'ya ako pinansin ngayon, like I am a ghost to him.

Naiinis ko na pinatay ang stove, at  sumunod sa kwarto ni Rafriel, wala s'ya sa higaan n'ya at buong loob ko na binuksan ang pinto ng bathroom n'ya, and he is taking a shower. Nagkasalubong ang mga mata namin at nagulat naman na si Rafriel ngayon.

"Jeana?" he said, at pinatay ang shower.

"Kanina pa ako rito, hindi mo ako pinapansin!" inis ko na saad at padabog na sinara ang pinto, bago ako bumalik sa kusina at naghanda ng plato.

Para s'yang gago, ang sama ng ugali at nagulat na andito ako, e nakita n'ya nga ako sa kusina, umiling lang sa akin!

I saw some drinks, hinanda ko ang pagkain at inilagay sa dining table ng condo n'ya. Para akong nag-dadabog habang inaantay na lumabas si Rafriel sa kwarto n'ya.

"Kanina ka pa rito?" He asked, habang pinapahid ang basang buhok n'ya, and he is wearing a sando and shorts this time.

"Yeah, tinignan mo nga lang ako, at nilayasan kanina lang." Binagsak ko ang baso sa lamesa at napaiwas ng tingin si Rafriel at naupo sa dining chair, at muling tumingin sa akin.

"Akala ko kasi multo." He put some rice to the plate, at ulam na niluto ko.

Mukha na pala akong multo sa paningin n'ya.

"I already clean your place, parang basurahan sa dumi, ang daming alak." I hissed at ininom ang chocolate drink na natagpuan ko sa ref ni Rafriel.

Tahimik at wala na nag-salita sa aming dalawa, not until he took a deep breath, at binaba ang kubyertos n'ya, saka tumingin sa akin.

Dirty and RawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon