Kinabukasan maagang kumatok si Daniel sa kwarto ng anak.
"Son, you still have a few days leave right? What do you say we visit the old family cabin for a few days, go fishing, talk..." Tanung ni Daniel ng pagbuksan sya ng anak.
"Sure Pa. Why not. Let me just pack up some things." Sagot ni Shane.
"Great! I'll meet you downstairs." Paalam ni Daniel.
Habang nag-aayos ng gamit sa kotse ang mag-ama biglang dumating si Anna at lumapit sa kanila.
"Anna, what are you doing here?" Pagtataka ni Shane.
"Shane, can we talk, please?" Pakiusap ni Anna.
"Go on Shane. I'll pack the rest of our stuff." Wika ni Daniel.
Naglakad sila papunta sa may hardin at doon nila piniling maupo para makapag-usap.
"I'm sorry Shane. I really am." Panimula ni Anna.
"Tapos na yun Anna. We don't need to do this anymore." Sagot ni Shane.
"No, I know. I know I have no right. But please let me explain." Pakiusap ni Anna.
"This is crazy." Wika ni Shane.
"Shane... please... don't you want to at least know the full story?" Tanung ni Anna.
"Fine. Sige. Why Anna? Why did you do it?" Nagtitimping sagot ni Shane.
"I was young, stupid and scared." Paliwanag ni Anna.
"So was I! I was scared too and you knew that. Pero yung isabay mo ko sa iba?! How could you?" Hindi na mapigilan ni Shane ang galit na nadarama.
"Alam ko Shane. Alam ko and I'm sorry." Pagpapatuloy ni Anna.
"Do you have any idea how much and how long I blamed myself for all of it Anna? All this time, I felt incomplete. You knew very well about all my insecurities. So when I was with you, I thought at least I was enough for you. Kahit complicated. Kahit madami pang kailangang ayusin at ilaban. Akala ko sapat ako. Yun pala..." Marahan at malungkot na wika ni Shane.
"Shane, you were enough. You are enough. Ako yung may problema. Ako yung may takot. I was scared to give all of myself to you because I was so afraid to lose you. Because I thought I was not enough. Akala ko kaya hindi mo pa sinasabi kina Tita at Tito ay dahil hindi ako sapat. Akala ko ganun kasi ako mismo takot ako. Paano kung nagsabi ka, nagsabi ako, tapos nilayo ka nila dahil hindi ako karapat-dapat at sapat sa mata nila?" Pagpapatuloy ni Anna.
"Do you hear yourself Anna? You made it all about you and even now it's still all about you. Naisip mo ba kahit minsan kung gaano kahirap sa kin lahat noon? Akala ko lalaban tayo ng sabay. Kahit gaano ako katakot handa na ko na ipaglaban ka. Nung araw na nahuli kita, alam mo noon na nasabi ko na kay Papa. Si Mama na lang pero hindi mo ko nahintay. Tapos sabi mo magsasabi ka na din pero mas inuna mo pang makipaglandian sa iba. Okay na sana Anna, nung sinabi mo sa kin na hindi mo pa sila makausap. Naiintindihan ko yun dahil pareho tayo ng pinagdadaanan pero umaasa ako na ipaglalaban mo yung tayo kagaya ng sinabi mo. Ikaw pa nga yung unang nagsabi na gusto mo na umamin di ba? Pero bakit ganun? Hindi ko alam kung saan ako mas galit e, kung sa hindi mo pinaglaban yung tayo o sa nahuli kitang nagsisinungaling habang nakikipaglandian ka sa iba." Tugon ni Shane.
"I'm so sorry Shane. You're right. I don't deserve you. I'm not here to try to get you back Shane. Alam kong huli na. I just came to say I'm sorry and that it was never your fault. I messed up. You were more than enough, more than I deserved. I took you for granted, and I let you go." Paliwanag ni Anna.
Makikita sa mga mata ng binata ang magkahalong lungkot at galit. Gusto niyang patawarin at kalimutan si Anna pero may kirot pa din ang nakaraan nila hindi dahil mahal nya pa ang dalaga kundi lubos ang sakit na dulot ng pagtataksil ni Anna.
"Tama na Anna. Itigil na natin to. Hindi na natin mababalik ang nakaraan. Goodbye Anna." Paalam ni Shane kasabay ng pagtayo nito.
May lungkot sa mga mata ng dalaga ngunit sa pagkakataong ito, mas nagging sigurado sya na hindi na maibabalik ang pagsasamahan nila. Alam nya din sa puso nya pinakawalan nya ang tanging tao na tunay na makakapagpasaya sa kanya. Napahawak sya sa may dibdib nya kung saan nakasabit pa din ang kwintas na bigay noon ni Shane sa kanya. Panandalian nyang pinag-isipan kung ibabalik nya ito sa binata ngunit pinili nyang itago ito, bilang huling alaala ng pagmamahalan nila.
"Goodbye Shane." Malungkot na tugon ni Anna.
Hinatid ni Shane si Anna pabalik sa sasakyan nito. Bago sya bumalik sa kinatatayuan ng kanyang ama.
"You alright son?" Tanung ni Daniel.
Tumango lang si Shane bago nagwika, "Tara na Pa?"
Tumango si Daniel at sumakay sa kotse nila. Lingid sa kaalaman nila, narinig ni Armie ang lahat.
BINABASA MO ANG
My Crazy Rich "Tibo"
RomansaSi Shane ay isa sa mga taong tipikal na habulin ng mga babae, gwapo, matangkad, matipuno, mestizo, maikli ang buhok at malinis manamit. Pero maliban sa pisikal na anyo, mas maraming nagkakagusto sa kanyang kalooban. Mabait, magalang, mapagmahal at m...
