Inintay ni Shane na matapos sa trabaho si Gianna upang sabay sila umuwi. Napansin ni Gianna ang kakaibang katahimikan ni Shane.
"Masakit pa ba ang kamay mo?" Tanung ni Gianna
"Oo medyo kumikirot pa." Sagot ni Shane
"Kailangan mo na ipahinga yan. 'Di bale malapit naman na tayo sa bahay. Salamat pala sa paghintay sa 'kin ha kahit kanina ka pa pinapauwi ni Sir." Wika ni Gianna
"Wala 'yun." Umiiling na sagot ni Shane. "Gianna, ok lang ba kung dumaan muna na tayo sa bahay bago kita ihatid sa inyo? May gusto lang sana ako na ipakita sa 'yo." Patuloy ni Shane.
Ito ang unang beses na inimbitahan ni Shane si Gianna na pumunta sa bahay nila. Bagamat nagtataka, pumayag ang dalaga.
Ipinasok ni Shane ang sasakyan sa isang eksklusibong subdibisyon ang itinigil niya ito sa harap ng gate ng isang malaking mansion. Kitang- kita sa mukha ni Gianna ang halo-halong pamamangha, pagtataka at kaunting takot.
"Shane, ano ito? Akala ko ba pupunta tayo sa bahay niyo?" Tanung ni Gianna.
Hindi sumagot si Shane at sa halip ay binuksan niya ang gate gamit ang maliit na remote control na nakatago sa dashboard. Itinigil ni Shane ang sasakyan sa parking space sa harap ng mansyon kung saan makikitang nakatalikod ang isang maliit at may edad na babae. Agad bumaba si Shane sa sasakyan at pinagbuksan ng pinto si Gianna. Humarap sa kanila ang matandang babae ng marinig nito ang pagsara ng pintuan ng sasakyan.
"Sir Shane, nandyan na po pala kayo." Wika ng matanda.
Agad na nagmano si Shane sa matanda at nagwikang, "Mano po, Yaya Pasing. Siya nga po pala may bisita po ako. Si Gianna po."
Ikinagulat ni Gianna ang aksyon ni Shane ngunit nagmano rin siya sa matanda bilang tanda ng respeto."Magandang hapon po."
"Pagpalain kayo ng Diyos. O siya tumuloy tayo sa loob at ipaghahanda ko kayo ng merienda." Wika ni Yaya Pasing.
"Salamat po." Sagot ng dalawa
Maraming katanungan ang umiikot sa isip ni Gianna ngunit hindi niya alam kung saan magsisimula. Napansin agad ni Shane ang kakaibang katahimikan ni Gianna.
"Alam ko marami kang tanung. H'wag kang mag-alala handa akong sumagot pero dun muna tayo sa loob." Wika ni Shane.
Pumasok ang dalawa sa loob ang bumungad sa kanila ang malaking sala. Punong-puno ito ng mga mamahaling at malalaking kagamitan. Umupo ang dalawa sa malaking sofa na nakaharap sa isang malaking salamin na pintuan. Mula dito ay matatanaw ang mabulaklak na hardin sa gilid ng mansyon. Dinalan sila ni Yaya Pasing ng mainit na tsaa at mainit na tinapay bilang merienda. Matapos umalis ang matanda ay hindi na napigilan ni Gianna ang kanyang sarili na magtanung.
"Shane, ano 'to? Hindi ko naiinitindihan. Nagsinungaling ka ba sa 'kin? Bakit hindi mo sinabi na mayaman pala kayo?" Tanung ni Gianna.
"Alam ko Gianna. Pero hayaan mo akong magpaliwanag. Hindi ako nagsinungaling sa 'yo. Hindi ko lang talaga alam kung paano ipapaliwanag sa 'yo. Natakot ako na kapag malaman mo ay baka magbago ang tingin mo sa 'kin. Ang tagal ko ng gustong sabihin sa 'yo pero sa tuwing susubukan ko, naduduwag ako. Pero ngayon handa na ako." Wika ni Shane.
"Bakit? Hindi ko maintindihan kung bakit itinago mo 'to sa 'kin." Sagot ni Gianna.
"Nakita at nakasama ko na ang pamilya mo. Masaya kayo kahit simple lang ang buhay niyo. Pero kami, parang nasa amin na lahat pero hindi kami masaya. Nahiya ako. Nahiya ako kasi napakabait niyo sa 'kin, ikaw at ang pamilya mo. Pero hindi ako sigurado kung masusuklian 'yun ng pamilya ko." Malungkot na wika ni Shane.
"Kung ganito kayo kayaman, bakit ka nasa donut shop?" Tanung ni Gianna.
"Lahat ng 'to, sa mga magulang ko 'to. Lahat 'to ipinundar nila kasama ng abuelo at abuela ko. Lahat ng 'to pinaghirapan nila. Nagtrabaho ako sa donut shop dahil gusto kong magsimula sa umpisa, gusto kong paghirapan lahat ng meron ako. Alam ko na bilang nag-iisang anak at tagapagmana ng mga Rodriguez, balang araw magiging responsibilidad ko lahat ng 'to. Pero ayoko na manahin lang lahat ng 'to dahil karapatan ko, gusto ko kung mamanahin ko man lahat ng 'to, ay mamanahin ko 'to dahil karapat-dapat ako." Sagot ni Shane.
"'Yung dating kotse mo..." Wika ni Gianna
"Produkto ng pagtatrabaho ko sa donut shop." Putol ni Shane.
Maririnig ang paghinto ng isang sasakyan sa labas ng mansyon. Kasabay nito ang pagbalik ni Yaya Pasing sa sala kung saan nag-uusap ang dalawa.
"Shane nandyan na ang iyong Papa." Wika ni Yaya Pasing.
Tumango at tumayo si Shane at lumapit sa kanyang ama upang magmano. "Mano po Pa."
"Maaga ka yata ngayon anak. Teka anung nangyari sa kamay mo?" Wika ni Daniel.
"Mahabang istorya Pa. Siya nga po pala may bisita po ako." Sagot ni Shane.
Agad lumapit si Gianna sa mag-ama ang nagmano kay Daniel. "Magandang hapon po."
Ngumiti si Daniel at nagwikang, "Magandang hapon din iha, anu nga ang pangalan mo?"
"Gianna po." Sagot ng dalaga.
"Gianna? Ah, hindi ba't ikaw ang katrabaho at best friend ni Shane?" Nakangiting wika ni Daniel
Bagamat nagtataka sa alam ng ama ni Shane, tumango ang dalaga.
"It's nice to finally meet you. Please call me Tito Daniel. Make yourself at home. Anyway, I'm going upstairs I still need to do some work. Please excuse me. Gianna, we hope to see more of you here. I'll see you later Son." Wika ni Daniel.
"Thank you po." Sagot ni Gianna.
"See you later Pa." sagot ni Shane.
Muling naupo ang magkaibigan sa harap ng salamin na pintuan ngunit kapansin-pansin ang katahimikan ng bawat isa.
"Gusto mo na bang umuwi?" Tanung ni Shane
Tumango si Gianna.
Habang nasa sasakyan hindi mapigilan ni Shane ang mag-alala sa nararamdaman at iniisip ni Gianna.
"Sorry kung nabigla kita. Hindi ko lang talaga alam kung paano ko sasabihin sa 'yo lahat-lahat." Malungkot na wika ni Shane
"Hindi. Ok lang. Naiintindihan ko na mahirap 'yun para sa 'yo. Kailangan ko lang din ng panahon para maproseso lahat ng mga pangyayari ngayon." Sagot ni Gianna.
Tumango si Shane. Hindi na nag-usap ang dalawa hanggang makarating kina Gianna. Katulad ng nakasanayan, pinagbuksan ng pinto ni Shane si Gianna at inalalayan pababa ng sasakyan.
"Salamat sa paghatid. Mag-ingat ka pauwi." Matamlay na paalam ni Gianna bago tumalikod kay Shane.
Hinawakan ni Shane ang kanang kamay ni Gianna. Bagamat nangigilid ang mga luha sa kanyang mata ay humarap muli si Gianna kay Shane. Niyakap ni Shane ng mahigpit si Gianna.
"I am sorry." Malungkot na wika ni Shane.
Umiling si Gianna at panandaliang niyakap ng mahigpit Shane.
"Sige na uwi ka na, gagabihin ka na naman." Wika ni Gianna.
Tumango si Shane at pinakawalan ang dalaga. Hinintay ni Shane na makapasok si Gianna sa kanilang tahanan bago tuluyang umalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/160928301-288-k204297.jpg)
BINABASA MO ANG
My Crazy Rich "Tibo"
RomansaSi Shane ay isa sa mga taong tipikal na habulin ng mga babae, gwapo, matangkad, matipuno, mestizo, maikli ang buhok at malinis manamit. Pero maliban sa pisikal na anyo, mas maraming nagkakagusto sa kanyang kalooban. Mabait, magalang, mapagmahal at m...