Nag-aalmusal sa mahabang hapag-kainan ang mag-asawang Rodriguez. Makikitang nagbabasa si Daniel, mula sa kanyang iPad. Tulad ng kanyang anak, matangkad at mestizo si Daniel. Matikas ang kanyang postura, kitang-kita sa suot niyang asul na amerikano ang matipuno niyang katawan.
Tulad ng kanyang asawa, makikita din na nagbabasa si Armie, mula naman sa kanyang laptop. Tulad ng kanyang asawa at anak matangkad din at marikit sa Armie. Makikita sa suot niyang puting mabulaklak na pang-opisinang bestida ang magandang hugis ng kanyang katawan.
"Pa, Ma, aalis na po ako." wika ni Shane.
"Anak bakit hindi ka muna mag-almusal." wika ng kanyang ama.
"Hindi na po Pa, sa trabaho na lang po, may bagong empleyado po kasi kami, kailangan ko maghanda." nakangiting sagot ni Shane.
"Shane, baka gusto mong palitan naman yang kotse mo sa susunod na sahod mo o kaya bakit hindi mo hiramin 'yung card ng Papa mo. I don't like you driving around in that battered down car. Nakakahiya." sabi ng kanyang ina.
"My car works fine Ma. Alis na po ako." wika ni Shane sa kanyang ina, bago umalis.
"Armie, do you really have to embarrass Shane like that?" pagalit na wika ni Daniel sa kanyang asawa.
"I am only looking after Shane's image." sagot ni Armie
"Really? Shane's image or yours? I suggest you reflect on that. I am going to work." wika ni Daniel bago tumayo mula sa lamesa.
BINABASA MO ANG
My Crazy Rich "Tibo"
RomansSi Shane ay isa sa mga taong tipikal na habulin ng mga babae, gwapo, matangkad, matipuno, mestizo, maikli ang buhok at malinis manamit. Pero maliban sa pisikal na anyo, mas maraming nagkakagusto sa kanyang kalooban. Mabait, magalang, mapagmahal at m...
