Pagkatapos ng pagsasalo, nagkayayaan ang magpipinsan na lumabas. Kaya naman naiwan na silang dalawa ang mag-asawang Armie at Daniel. Nagsimula agad magtalo ang mag-asawa habang naghahandang mamahinga sa kanilang kwarto.
"Promotion? Hindi mo man lang sinabi sa kin Daniel?" Pagalit na panimula ni Armie.
"It's because you didn't want to know Armie. Because all you can see is that Shane does not fit in your ideal box anymore." Sagot ni Daniel.
"He tried to tell you. The same day you picked on him and told him off about his car." Dagdag nito.
"Stop using those pronouns." Wika ni Armie.
"Wake up Armie. Whether you like it or not and whether you accept it or not, our daughter is now our son. But whatever you say, however you feel, he is still our child, our child who needs your love and support." Pagdidiin ni Daniel.
"Do you even know that Anna was his girlfriend? Pero naghiwalay sila kasi hindi na kayang hintayin ni Anna na ipaglaban siya at hindi mo binigyan ng pagkakataon si Shane na sabihin sa yo. He let her go because our son did not want to hurt you. At ngayon, he is at odds with himself again because he has fallen in love with this girl that he wants to fight for but he is afraid to take a step because he does not know how you would react and how you would treat her, so he is protecting her by hurting himself." Pahayag ni Daniel.
Halatang nagulat si Armie sa mga sinabi ni Daniel. Lumambot ang expresyon sa kanyang mukha pero halatang naguguluhan pa din sya.
"Our son needs you Armie, maybe you should start thinking about all of who he is rather than all of who he is not." Dagdag ni Daniel.
Hindi na muling kumibo si Armie at parehong nilang pinili na mamahinga na. Madaling nakatulog si Daniel pero hindi si Armie. Nabagabag siya sa mga sinabi ni Daniel. Tila unti-unti na niyang nakikita ang pagdurusa ng anak. Hindi niya lubos maisip na malaking parte siya sa dito.
BINABASA MO ANG
My Crazy Rich "Tibo"
RomanceSi Shane ay isa sa mga taong tipikal na habulin ng mga babae, gwapo, matangkad, matipuno, mestizo, maikli ang buhok at malinis manamit. Pero maliban sa pisikal na anyo, mas maraming nagkakagusto sa kanyang kalooban. Mabait, magalang, mapagmahal at m...
