Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Scene 6 - Waterloo

16 0 0
                                        

Tulad ng nakasanayan, hinatid ni Shane pauwi si Gianna ng gabing yun, ngunit pinili niyang umuwi ng maaga kaysa doon maghapunan.

"O anak nandyan ka na pala, bakit hindi mo niyayang maghapunan dito si Shane?" wika ni Elena.

"Gusto niya daw pong umuwi ng maaga ngayong gabi. May magandang balita po kasi siya na gusto niyang ibahagi sa mga magulang niya." Nakangiting sagot ni Gianna.

"Ah ganun ba, at anu naman ang magandang balitang 'yun?" tanong ni Manuel.

"Napromote po siya 'Tay, magreretiro na po kasi si Kuya Rey, at siya ang napiling pumalit." Masayang sagot ni Gianna.

"Aba, magandang balita nga 'yan. Dapat ipagdiwang natin 'yan, 'di bale anak, sa susunod na araw yayain mo siyang dito maghapunan para maipagdiwang natin yan." wika ni Elena.

"Sige po 'Nay, sasabihin ko po kay Shane." sagot ni Gianna.

Masayang umuwi si Shane ng gabing 'yun. Makikitang nakaupo ang kanyang ama sa sala.

"Pa, mano po." wika ni Shane habang nagmamano sa ama.

"O anak maaga ka yata." wika ni Daniel.

"Opo Pa, gusto ko po kasing kayong makausap. May magandang balita po ako Pa. Napromote po ako sa trabaho. Ako po ang napiling pumalit kay Kuya Rey pagkatapos niyang magretiro." Masayang wika ni Shane.

"Wow! I am so proud of you son." wika ni Daniel sabay yakap sa anak.

Dumating si Armie at napansin ang yakapan ng mag-ama.

"Mano po Ma." wika ni Shane habang nagmamano sa ina.

"Mukhang masaya yata kayong mag-ama. Bakit? Nakabili na ba ng bagong sasakyan itong si Shane?" tanung ni Armie.

"Armie! Stop it!" pagalit na pagpipigil ni Daniel sa kanyang asawa.

"Bakit anu bang masama sa sinabi ko?" pabalang na sagot ni Armie.

"Tama na po. Aakyat na po ako sa kwarto." mahinahon na wika ni Shane.

Malungkot na umakyat si Shane sa kanyang kwarto ng makatanggap siya ng mensahe mula kay Gianna.

Gianna Text: Masayang-masaya ang lahat ng ibalita ko na napromote ka. Sabi ni nanay dito ka daw maghapunan sa susunod na araw para makapagcelebrate tayo. Kamusta po dyan? Nasabi mo na ba sa kanila?

Shane Reply: Pakisabi po sa lahat salamat. Nasabi ko na kay Papa pero hindi kay Mama.

Gianna: Bakit ano pong nangyari? Bakit parang malungkot ka yata? Ayos ka lang ba?

Shane: Ayos lang po ako. Pagod lang siguro ako.

Gianna: Sige magpahinga ka na po. See you sa work tomorrow. Good night po.

Shane: Good night po. J

Gianna: Kung anuman po ang nangyari, basta kami dito masaya po para sa 'yo. Sweet dreams po anghel ko.

Shane: Thank you and sweet dreams din po anghel ko.

My Crazy Rich "Tibo"Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon