Scene 4 - Bond

17 0 0
                                    

Narrator: Masasabing normal ang mga sumunod na linggo pero mahahalata sa mukha ni Gianna ang lihim na paghanga ng dalaga kay Shane. Habang dumadaan ang mga araw, makikitang nagiging mas malapit ang dalawa. Bagamat bata pa, isa na si Shane sa mga beterano sa trabaho, masipag at walang reklamo. Magaling din maghanap ng solusyon sa mga dumadating na pagsubok ngunit ang higit na hinahangaan ni Gianna sa kanya, ay ang dedikasyon sa trabaho at ang magandang pakikihalubilo niya sa kanyang mga katrabaho at mamimili.

Lingit sa kaalaman ng dalaga, lihim din na lalong napapalapit ang loob ni Shane sa kanya. Habang mabilis na natuto si Gianna napapansin din ni Shane ang sipag at dedikasyon ng dalaga sa trabaho. Nakikitaan niya ito ng potensyal na pag-angat sa maikling panahon.

Halos araw-araw na magkasabay kumain ng tanghalian ang dalawa. At dahil halos araw-araw silang magkatrabaho halos araw-araw na din hinahatid ni Shane pauwi si Gianna. Isang bagay na unti-unti na ring nakasanayan ng pamilya ni Gianna. Paminsan-minsan ay iniimbitahan na rin siya ng mga magulang ni Gianna, na doon maghapunan. Kapansin-pansin din ang unti-unting pisikal na pagkakapalagayan ng dalawa sa munting mga biruan at lambingan nila. Kahit sa labas ng trabaho, lalo na't kung walang pasok, lagi na din magkausap ang dalawa mapatawag o text. Nagsimula na rin nilang maging tawagan sa isa't isa ang "anghel ko."

"Gianna, would you like to cover Rey and do some overtime tonight?" tanong ni Allan.

"Yes Sir, no problem Sir." sagot ni Gianna.

"Ok. I'll give you the keys later so you can close up the shop tonight. Shane, make sure you teach her how to activate the alarms." bilin ni Allan.

"Yes Sir. I will Sir." sagot ni Shane.

"Ok ka lang bang mag-isa dito mamaya? Gusto mo bang samahan kita?" tanung ni Shane kay Gianna.

"Hindi na, ok lang ako. Huwag kang mag-alala kaya ko na 'to, ang galing-galing kaya ng trainer ko. Kaya kayang-kaya ko na 'to. Promise I'll make you proud." pailing at pangiting sagot ni Gianna.

Napangiti na lang si Shane sa sagot ng dalaga.

Pagkatapos magsara ni Gianna ng shop napansin niyang naglalakad si Shane papalapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? 'Di ba dapat nasa bahay ka na at nagpapahinga. Wala ka yatang tiwala sa 'kin e." malambing na tanung ni Gianna.

"Hindi ah. Nag-aalala lang ako sa 'yo kasi alam kong gagabihin ka na umuwi." sagot ni Shane.

Napangiti na lang ang namumulang si Gianna.

"O siya uwi na tayo." sabi ni Gianna.

My Crazy Rich "Tibo"Where stories live. Discover now