Pagkatapos ng kanilang trabaho.
"Gianna, paano ka pala uuwi?" tanong si Shane
"Maglalakad lang ako papunta dun sa hintayan ng jeep." sagot ni Gianna
"Saan ka ba nakatira? Sorry ok lang kung ayaw mo sagutin. Iniisip ko lang kasi medyo gabi na din, delikado na sa daan." wika ni Shane
"Sa may Parañaque. Malapit lang naman." nakangiting sagot ni Gianna.
"On the way yan pauwi sa 'min, hatid na lang kita." wika ni Shane
"Naku h'wag na, nakakahiya naman." sagot ni Gianna
"Anung nakakahiya ka dyan. Ako nga ang dapat mahiya, ang lakas ng loob ko na magsabi na ihahatid kita pero tignan mo 'tong sasakyan ko, baka mas maganda pa 'yung jeep na sasakyan mo." pabirong sabi ni Shane
"Sira. Sige na nga, baka mainsulto ko pa 'tong kotse mo kapag hindi ako sumabay sa 'yo." patawang sagot ni Gianna
Narrator: Binuksan ni Shane ang pinto ng kanyang sasakyan para kay Gianna. Isang munting aksyon na lihim na nagpangiti sa dalaga. Habang lihim niyang sinusulyapan ang nagmamanehong si Shane, sumagi sa isip ng dalaga ang kagustuhang mas makilala pa ang taong nasa tabi niya.
Pagdating sa tahanan ng mga Manalangit bumaba agad ng sasakyan si Shane at muling pinagbuksan ng pinto si Gianna. Hindi umalis si Shane hanggat hindi niya nakitang pumasok sa kanyang tahanan si Gianna.
Nakangiting pumasok si Gianna sa kanilang tahanan isang bagay na napansin agad na dalawang nakababatang kapatid niya, pati ng kanyang mga magulang.
Nakatayo sa may lamesa ang kanyang amang si Manuel, naghahanda ng kanilang pagkakainan. Matipuno ang kanyang ama ngunit kapansin-pansin ang malaking pilat sa kanyang kaliwang binti at ang tungkod na nakasandal sa isa sa mga upuan.
Naghahanda naman ng ihahain na pagkain ang kanyang inang si Elena, tulad ng kanyang anak, balinkinitan din ang hugis ng katawan niya. Kapansin-pansin ang maliliit na sugat sa kanyang kamay ngunit mas kapansin-pansin ang magandang ngiti na kapareho ng ngiti ng panganay niyang anak.
Nakaupo na sa harap ng lamesa ang dalawa nakababatang kapatid ni Gianna, si Roel, ang binatilyong sumunod kay Gianna at si Gabrielle ang malambing na bunso.
"Mukhang maganda ang unang araw mo sa trabaho ha, anak." wika ni Manuel.
"Oo nga anak mukhang napakaganda ng ngiti mo." dagdag ni Elena.
"Siguro kasi may poging naghatid sa kay Ate." pabirong dagdag ng bunso
"Alin 'yung may sasakyan na parang malapit ng maging lata?" pabirong tanung ni Roel.
"Hoy Roel, grabe ka naman. Mabuti nga may sasakyan 'yung tao. Katrabaho ko lang po 'yun. Nagmagandang loob lang kasi pareho kami ng direksiyon." sagot ni Gianna.
"O siya, siya tama na yan. Kumain na tayo at siguradong gutom na 'tong Ate niyo." wika ni Manuel.
Narrator: Larawan ang lima ng masayang pamilya. Kabaligtaran ng kinabibilangan ni Shane.
BINABASA MO ANG
My Crazy Rich "Tibo"
RomanceSi Shane ay isa sa mga taong tipikal na habulin ng mga babae, gwapo, matangkad, matipuno, mestizo, maikli ang buhok at malinis manamit. Pero maliban sa pisikal na anyo, mas maraming nagkakagusto sa kanyang kalooban. Mabait, magalang, mapagmahal at m...
