Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Scene 7 - Hapunan

14 1 0
                                        

Katulad ng napag-usapan, inimbitahan ng pamilya ni Gianna si Shane na maghapunan sa kanila upang ipagdiwang ang kanyang promosyon.

"Shane 'nak pagpasensyahan mo na itong kakaunting handa natin ha." wika ni Manuel.

"Naku Tito, ang dami nga po nito e. Nahihiya nga po ako sa inyo kasi nag-abala pa kayo." sagot ni Shane.

"Naku anak, sa araw-araw mong paghahatid at pag-aalaga dito sa panganay namin, kulang pa ito." paliwanag ni Elena.

"Ate... este Kuya Shane, pwede mo po ba kaming ipasyal minsan sa kotse mo?" tanung ni Gabrielle

"Naku naman Gabby, aabalahin mo pa itong si Shane." wika ni Manuel.

"Hindi ayos lang po 'yun. Sige Gabby, pero sa susunod na lang ha kailangan ko na rin kasing palitan yung kotse ko, medyo tumatanda na rin kasi." sagot ni Shane.

"Wow! Kuya Shane, sakay mo kami agad pagkapalit mo ng kotse ha." Dagdag ni Roel.

"Oo ba." sagot ni Shane.

"Hoy teka lang! Ako ang dapat unang pasahero niya noh! Bakit kayo ba ng bestfriend niya? Hindi ba ako?" dagdag ni Gianna.

At nagtawanan ang buong pamilya. Sa unang pagkakataon, pagkatapos ng mga nakaraang araw, nakita ni Gianna na tunay na masaya si Shane.

My Crazy Rich "Tibo"Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon