Scene 8 - Tabing-dagat

15 0 0
                                    

Pagkaraan ng ilang linggo.

"All right team, as part of our biannual event we are holding our team building for this weekend. So get your swimsuits ready because we are going to Laguna." wika ni Allan.

"Yes! Woohoo!" sagot ng buong team.

Bilang paghahanda sa pagbabiyahe papuntang Laguna at pagkatapos makaipon ng sapat mula sa bago niyang posisyon, bumili na ng bagong sasakyan si Shane. At makalipas ang ilang araw nagpunta na ng Laguna ang buong grupo para sa team building.

Masaya ang pagtitipon ng grupo, may kompetisyon, palaro, pagalingan ng talento, asaran at kulitan ngunit ang pinakamagandang bahagi ng programa ay ang pagpapatibay ng pagbubuklod ng buong grupo. Sa huling gabi nila sa Laguna, napagpasyahan nila Shane at Gianna na mamasyal sa tabing-dagat. Pinili nilang umupo sa dalampasigan habang pinagmamasdan at pinakikinggan ang alon ng dagat.

"Ang sarap ng simoy ng hangin. Paminsan iniisip ko sana pwedeng itigil na lang ang panahon. Sana pwedeng dito na lang tayo." wika ni Shane habang nakatanaw sa malayo.

Ngayon lang nakita ni Gianna ulit ang lungkot sa mga mata ni Shane. Hindi niya alam ang dapat sabihin kaya't mas pinili niyang tumabi ng mas malapit sa kaibigan at hawakan ang kaliwang kamay nito.

Nagulat at napatingin si Shane kay Gianna dahil sa aksyon nito, at nakita niya ang pag-aalala sa mata ng dalaga kaya naman niyakap niya ito ng mahigpit, hinalikan sa noo at nagwika,"Huwag kang mag-alala, ayos lang ako. May mga bagay lang akong hindi pa ako handang sabihin sa 'yo. Pero pangako sasabihin ko rin sa 'yo lahat sa takdang panahon."

Lalong hinigpitan ni Gianna ang pagkakayakap kay Shane. Hindi man nila ito nakikita, naramdaman nilang dalawa ang pagpatak ng luha ng bawat isa.

My Crazy Rich "Tibo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon