Scene 11 - Blue Suit

27 1 0
                                    

Tuwing ikalimang taon, may malaking pagtitipon na nagaganap sa mansyon ng mga Rodriguez. Ngunit sa unang pagkakataon nagkalakas ng loob ni Shane na magpakatotoo sa harap ng kanyang buong pamilya at ng iba pa nilang mga bisita. Sa unang pagkakataon haharap si Shane sa lahat na nakaamerikana sa halip na bestida.

Makikitang nakaharap si Shane sa salamin habang inaayos ang asul niyang kurbata. Matingkad na asul ang kulay ng amerikana ni Shane at kulay puti naman ang kanyang panloob na polo. Kita-kitang sa kanyang pananamit ang matipuno niyang katawan na halos katulad ng sa kanyang ama. Pagkatapos niyang ayusin ang kanyang kurbata, huminga ng malalim si Shane bago tumalikod at lumabas ng kwarto upang humarap sa mga kanyang mga magulang bago dumating ang mga bisita. Habang pababa ng hagdan ay agad na napalingon sa kanya si Armie.

"What in the world are you thinking Shane? Are you really trying to embarrass this family? How dare you wear a suit to this event? Is it not enough that your haircut looks like that of a soldier?" pagalit na wika ni Armie.

"It suits you well Son! Come here." Wika ni Daniel at agad inakbayan ang anak palayo kay Armie.

"I think we need to buy you more of these suits when you take over the family business. You clean up really well. In fact, you are almost as handsome as me." Patuloy ni Daniel.

Kitang-kita sa mukha ni Armie ang galit at inis sa aksyon ng kanyang asawa ngunit wala siyang magawa pagkat unti-unti ng nagdadatingan ang mga bisita.

"Armie, my sister. It has been a long time." Pagbati ni Arriane ang nakababatang kapatid ni Armie.

"Arriane, Lance. It's nice to see you again." Sagot ni Armie sa kanyang kapatid at sa asawa nito

"Where is Shane? Where is your daughter?" Tanung ni Lance.

Naglalakad palapit sa grupo si Shane ng makita siya ng kanyang tiya. Bagamat panandaliang natigilan si Arriane, agad niyang binati ang nag-iisa niyang pamangkin.

"There is my favourite pamangkin." Wika ni Arriane

"Ang gwapo, gwapo naman ng pamangkin ko. When are you taking over the family business so I can see more of you like this?" patuloy ni Arriane.

"Oh Arriane, my dear sister in law, I think it will be a while before we can convince this one to takeover the family business. He's a bit tied up with his work especially now that he has been recently promoted to become the Senior Site Supervisor." Wika ni Daniel

"Is that right? Oh Armie I am sure you are very proud. I would love to hear more about this promotion. Tell us about it Shane." Wika ni Lance.

Ngumiti lang si Armie. Lingid sa kaalaman ng lahat, ngayon lang narinig ni Armie ang tungkol sa promosyon ng anak.

"I am still training Uncle. Currently I am just seconded to the position but I will takeover once my Senior officially retires." Sagot ni Shane.

"That is very impressive Shane. By the way, I love this look. It suits you." Sagot ni Lance.

"Thank you Uncle." Sagot ni Shane.

My Crazy Rich "Tibo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon