Habang nasa labas sila ng mga pinsan niya. May dalawang mensahe na halos sabay pumasok sa cellphone ni Shane. Iisang mensahe mula sa magkaibang tao.
Text from Gianna and Anna: "I miss you."
Nahapyawan lang ni Shane ang mga mensaheng yun ngunit agad na tila lumipad ang isip nya sa ibang panahon...
Buong araw silang masaya na ginagawa ang mga paborito nilang pampalipas oras. Wala pareho ang mga magulang nila Shane at Anna, kasalukuyan silang nasa ibang bansa para sa trabaho. Maliban sa mga kasambahay sila lang ni Anna ang nasa mansyon nila Shane. Nasa kalagitnaan sila ng paglalaro ng backgammon ng sinimulan ni Anna ang paksa.
"Shane, gusto ko na umamin kina Mama." Panimula ni Anna.
Natigilan si Shane.
"Anna..." Marahan na panimula ni Shane.
"I know... I know... I'm scared too but until when are we going to pretend Shane? How much longer do I need to wait?" Wika ni Anna.
"Okay. Let's do it. As soon as they get back. I'll tell them." Sagot ni Shane.
Bagamat may takot sa puso nya, alam ni Shane na handa na siyang ipaglaban si Anna.
Pagkaraan ng isang linggo naunang umuwi ang ama ni Shane. Hindi na sya nagsayang ng oras at agad niyang kinausap ito.
"Pa, can we talk?" Wika ni Shane mula sa pinto ng opisina ng kanyang ama.
"Of course, come in and close the door behind you." Sagot ni Daniel.
"I heard Anna spent some time here. How is she? Did you guys have fun while we're away?" Dagdag ni Daniel.
Tumango lang si Shane.
"Pa, that's what I wanted to talk to you about. Anna and I... I don't know how to say it.... There's no easy way to say it..." Panimula ni Shane. Pansamantala siyang natigilan habang nakatingin sa kanyang ama.
Lumapit si Daniel sa anak at pinatong ang isang kamay sa balikat nito.
"It's okay Shane. I know." Marahan na wika nito.
"What do you mean... you know?" Pagtataka ni Shane.
"I'm not blind Shane. I've known for a while. I was just waiting for you to come and tell me yourself. This does not change anything. I love and I support you." Dagdag ni Daniel habang nakangiti.
Hindi makapaniwala si Shane. Kita nya sa mga mata ng kanyang ama na naiintindihan sya nito ng buong-buo. Agad na niyakap ni Shane ang ama. Niyakap din sya nito ng mahigpit.
"I'm glad you finally told me. I can't wait to see Anna and let her know that I love and support you both." Wika ni Daniel habang yakap ang anak.
"Pa, paano si Mama?" Tanung ni Shane.
"Just tell her like you told me. She will understand eventually." Paghihikayat ni Daniel.
Tumango lang si Shane. Pagkatapos nun ay nagkwentuhan ang mag-ama tungkol sa relasyon nila Shane at Anna. Masayang ibinahagi ni Shane ang lihim nila.
Makalipas ang ilang araw ay umuwi na din ang ina nya. Katulad ng sinabi ng kanyang ama, sinubukan din agad ni Shane na kausapin ang ina para ibahagi ang lihim nila.
"Ma, can we talk?" Panimula ni Shane.
"Not now Shane. I still have a lot of things to do. Maybe later." Sagot ni Armie.
"But Ma, it's important." Dagdag ni Shane.
"I said not now." Pagdidiin nito.
Narinig ni Daniel ang usapan at hinawakan agad ang anak sa balikat.
BINABASA MO ANG
My Crazy Rich "Tibo"
RomansaSi Shane ay isa sa mga taong tipikal na habulin ng mga babae, gwapo, matangkad, matipuno, mestizo, maikli ang buhok at malinis manamit. Pero maliban sa pisikal na anyo, mas maraming nagkakagusto sa kanyang kalooban. Mabait, magalang, mapagmahal at m...
