Habang nag-aayos ng mga panindang donut si Shane.
"Shane, this is Gianna, our newest staff member." wika ni Allan, ang amerikanong branch manager ni Shane.
Narrator: Katamtaman lamang ang tangkad ni Gianna. Kayumanggi ang kanyang kulay at balinkinitan ang kanyang katawan. Nakakatunaw ang kanyang mga ngiti, isang bagay na agad pumukaw sa atensyon ni Shane.
"Nice to meet you, Gianna." wika ni Shane sabay abot ng kanyang kamay kay Gianna.
"Nice to meet you too." sagot ni Gianna habang nakikipagkamay kay Shane.
"Shane, can I leave Gianna with you for the next 3 weeks so that you can teach her everything? I will roster you together." tanong ni Allan.
"Yes sir, of course Sir." sagot ni Shane.
"Good. I'll leave you to it then. Gianna I hope you learn a lot from our junior supervisor and our best trainer." wika ni Allan
"Thank you Sir." sagot ni Gianna.
"Ok. Shall we start? Siguro sabihin mo muna sa 'kin kung ano ang background mo sa trabaho na 'to para alam natin kung saan tayo dapat magsimula." nakangiting wika ni Shane.
BINABASA MO ANG
My Crazy Rich "Tibo"
RomanceSi Shane ay isa sa mga taong tipikal na habulin ng mga babae, gwapo, matangkad, matipuno, mestizo, maikli ang buhok at malinis manamit. Pero maliban sa pisikal na anyo, mas maraming nagkakagusto sa kanyang kalooban. Mabait, magalang, mapagmahal at m...
