Habang masayang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga pinsan at masayang inaasikaso ni Shane ang dalawang bata ay dumating sila Anna at Raul. Si Anna, ang nag-iisang tagapagmana ng mga Romero, at ang dating lihim na kasintahan ni Shane. Matalik na magkaibigan ang mga magulang ni Shane at ang mga magulang ni Anna. Si Raul naman ang bagong nobyo ng dalaga. Si Raul ang panganay na anak at tagapagmana ng mga Fernandez.
Hindi mapigilan ni Anna ang mapangiti habang pinagmamasdan niya si Shane na nag-aasikaso sa mga bata. Hindi agad napansin ni Shane ang pagdating ng dalawa ngunit ngumiti at agad na tumayo ito ng makita ang dalawa.
"Hello Anna. You look great." Bati ni Shane sabay halik sa kanang kamay ni Anna.
"Hello Shane. You look dashing." Nakangiting sagot ni Anna. "By the way, this is is Raul, my boyfriend. Raul this is Shane my long standing childhood friend." Patuloy ni Anna.
"Hello Raul. Nice to finally meet the man who captured my friend's heart." Bati ni Shane kay Raul habang kinakamayan ito. "These are my cousins Rica, Alex and the twins Emily and Ethan." Patuloy nito.
"Hello Ate Anna, Hello Raul." Bati ni Rica habang nakikipagbeso kay Anna.
"Hello Anna, hello Raul." Bati ni Alex. "It's been a while." Dagdag ni Alex.
"Yes, it has been too long." Sagot ni Anna.
Lumapit din ang kambal kay Anna.
"Hello Ate Anna." Wika ng kambal
Yumuko si Anna upang halikan ang dalawa. Kasabay nito ay unti-unting silang napalibutan ng ibang pang mga kamag-anak at kaibigan nila Shane. Kaya naman agad na nabaling ang atensyon ni Shane sa iba. Lingid sa kaalaman nya, hindi mapigilan ni Anna na sulyap-sulyapan sya.
"Kuya Shane I miss playing board games. Can we play some games? Please?" Biglang pagmamakaawa ni Ethan kay Shane kasabay ng paghablot nito sa kamay nya.
"Of course bud." Sagot ni Shane.
"Yehey!" Sabay na wika ng kambal.
"Pasensya na, mauuna na muna kami." Wika ni Shane kina Anna, Raul at sa iba pang nasa paligid nila.
"Ate Rica and Kuya Alex too?" Tanung ni Emily.
"Of course." Sabay na sagot nila.
Habang naglalakad papunta sa loob ng bahay hindi napigilan ni Rica na magkomento ng makalayo na sila sa iba.
"Well that was awkward." Wika ni Rica.
"Long standing childhood friend? Talaga ba? Kung alam lang ni Raul." Biro nito sabay tawa.
"I guess he'll never know." Dagdag ni Alex.
"Naku. Magtigil nga kayong dalawa. That's all in the past." Sagot ni Shane.
"Anyway, tell us about this new girl." Panimula ulit ni Rica.
Sadyang mapaglaro yata ang mundo dahil habang nagsisimulang magkwento si Shane sa mga pinsan nya habang nasa party ay bigla namang nabagsak ni Gianna ang walang lamang tray habang nasa trabaho.
"Hoy, okay ka lang?" Tanung ni Belle, katrabaho nila Gianna.
"Oo, okay lang. Sorry. Hindi sinasadya." Sagot ni Gianna.
"Ilang araw ka ng windang ah." Wika ni Belle.
"Umamin ka nga. Namimiss mo noh?" Dagdag na pambubuyo nito.
"Ha? Hindi ah..." Depensa ni Gianna.
Nginitian lang sya ni Belle.
"Oo na. Oo na. Tama ka. Pero hindi ko alam kung bakit." Pagsuko ni Gianna.
"Hay naku G. Isa lang naman kasi ang posibleng dahilan. Umamin ka nga. Nahulog ka na noh?" Diretsong tanung ni Belle.
Napatitig lang si Gianna kay Belle. Ang totoo. Alam nyang na nahulog na sya pero hindi pa sya handang aminin yun sa kahit kanino, kahit pa sa sarili nya.
BINABASA MO ANG
My Crazy Rich "Tibo"
RomanceSi Shane ay isa sa mga taong tipikal na habulin ng mga babae, gwapo, matangkad, matipuno, mestizo, maikli ang buhok at malinis manamit. Pero maliban sa pisikal na anyo, mas maraming nagkakagusto sa kanyang kalooban. Mabait, magalang, mapagmahal at m...
